CHAPTER 16

2.2K 72 8
                                    

      Darkness behind her Craziness



HABOL-habol ko ang hininga pagkagising sa isang masamang panaginip na pinapaalala ang paghihirap ko sa kamay ng aking baliw na ina.Bigla na lang ako nagwala habang umiiyak hanggang sa nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap, yumakap ako pabalik hanggang sa tuluyan na kong nakakalma kumalas agad ako sa yakap para tignan kung sino iyon.

Pilit kong wag matakot sa kaniya kaya lang hindi ko kaya matapos ko masaksihan na ganoon pala siyang tao.There's something dark behind her craziness.Kung wala pang makakasaksi sa kaniyang krimen malamang habang buhay na silang nakakulong sa kasinungalingan niya.

"Hey.. Are you mad?"

Bigla akong napayakap sa sarili at umiwas ng tingin ng marinig ko yung malamig niyang boses. 'Ilalabas na ba niya totoong siya? Papatayin niya rin ba ako tulad ng ginawa niya kay Mama?'

Bumuntong hininga siya bago i-pat ang likod ko.
"Ako pa rin tohhhh! Dashy talaga tss." Bumalik na sa sigla ang boses niya sabay gulo ng aking buhok.

Tumingin na ko sa kaniya ng may ngiti.Nahuli ko pang namula ang mukha niya bago tumalikod kaya natawa ako.

"Totoo ba yang pinapakita mo sakin ngayon? Ikaw ba totoong Ulyssa?"

Tumikhim siya at seryosong tumango-tango.
"Sa tingin mo nakahiga ka pa rin diyan kung hindi tunay pagkakaibigan ko sa inyong dalawa??"

May point nga naman siya kaya napatango ako sa aking sarili. Alam ko ring sincere siya sa kaniyang sinasabi.

"Mabuti naman.. Thank you for saving me.." bigla kong nahila ang braso niya ng may maalala.

"N-Nasaan na si E-Empress?"

"Ooohhh siya ba? She's home na. Ilang linggo ka ring tulog noh pinapabisita ka lang niya sakin pero napunta naman siya sumisilip lang- ayy paktay ako dun kay bes sabi niya wag ko raw sabihin toh sayo! Ayy naku nabaliw na ko sinabi ko yung hindi dapat sabihin na wag- "

Bumuntong hininga na lang ako. Parang ako yung napapagod sa mga sinasabi niya.

Nang mapansing wala ata siyang balak tumigil kinurot ko siya sa bewang na nagpa-aray naman sa kaniya sabay tingin sakin ng masama.

"Kumalma ka nga.. bakit raw ayaw niya akong makita?"

"Well.." umupo siya sa kamang hinihigaan ko bago ituloy ang kaniyang sinasabi. "Hindi ko alam e. Sabi lang niya nahihiya siya sayo. Ewan ko baka nagpapabebe lang."

Mukhang alam ko na kung bakit maaaring sinisisi niya sarili niya sa lahat ng nangyari sakin. *sigh*

"Btw, Inaasikaso ko na yung lupa at yaman na nakapangalan sayo." nagkunot naman ang noo ko sa sinasabi niya.

"Galing kay mama?"

"Nahh, galing sa tatay mo 20 years ago pa toh wag ka." dagdag pa niya. Ngayon ko lang napansin na kumakain siya ng stick - O.

"Sandali nga.. Kanino galing yung lupa at yaman?" Duhh yung village mo dito sa Batangas nakapangalan sa Papa mo.You don't know your father for sure." lumamig muli ang tono ng pananalita niya, para bang mas alam niya ang nangyayari sa pamilya ko noon kaysa sakin.

"Welp, Kinukuha ng mama mo yung lupa at yaman na nakapangalan sayo pero nung pinalabas niya na namatay ka nakapangalan na pala sayo yung lahat ng yamaannn ng papa mooo! Super swerte mo! Kung si Empress hindi pa pinapanganak engaged na ikaw reyna na agad HAHAHAHA." mahinhin pa siyang tumawa pero malamig lang ang ekspresyon ko. Pasimpleng nilalabas ang galit sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa kumot ko.

"Aherm.. so ayun alam mo rin ba kung bakit salot ka raw?"
Patuloy lang ako nakikinig, hindi na nagtanong pa.

"Kase may tatlong bruha ang ginawang laro ang mga anak nilang hindi pa inilalabas." seryoso na siya sa kaniyang sinasabi dahil may bahid na rin ng galit ang kaniyang boses.

My Weak SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon