Napaangat kilay ko sa larawan na nakita. Isa sa mga Application Form na nais maging sekretarya ko. Paano ba naman nakita ko na natutulog ang dating sekretarya sa oras na kinakailangan ko siya so sinabi ko na sa kanya ang magic word na "YOUR FIRED."
Mabalik nga ako sa walang buhay mukha ng isang babae sa form na binabasa ko ngayon.
"Next na.. Si.. Dashielle Natalie Adair right-" napahilot ako sa sentido ng makita siyang nakasuot ng hindi kaaya-ayang damit.
Tuwid itong umupo sa upuan. Ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang hita ang mukha naman niya ay walang emosyon pero ang mga mata nito ay may takot. Sakit pa sa mata na nakapusod lang buhok nito halatang hindi siya nagsusuklay.
Ang suot niya ay jeans na kulay itim napinaresan ng white t-shirt. Hindi rin kaaya-ayang tignan.
I crossed my arms and legs while staring at her seriously bago ako nagsalita.
"Seriously? Pumunta ka talaga dito para magapply bilang sekretarya ko o Janitress?" Asar na tanong ko. Wala akong pake kahit masaktan siya ako pa ata ang nainis dahil hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko.Bumuntong hininga muna siya bago magsalita ng bagot. "Yes po."
"Why?"
"Kakalipat ko lang po dito sa Manila mag-isa."
Kumunot noo ko dun. Tinitigan ko lang siya para sabihin na ituloy ang sasabihin.
"Wala na ko pera makapagupa ng apartment. Pambili rin ng pagkain tsaka walang masuot. Tanging damit na suot ko ngayon na lang ang meron ako." bagot pa rin ang boses niya tsaka nagkamot sa batok na parang nahihiya.
"Huh? What happened?" pigil ko pa matawa sa sagot nito sakin. Sa lahat ng ini-interview ko sya lang ang nakakuha ng aking atensyon pati naaaliw na ko sa kanya.
"Hmm.. nakalimutan ko po sa taxi maleta ko tapos hinayaan ko na lang po natatakot ako hanapin baka maligaw pa po ako."
Kinagat ko na lang ang aking labi dahil natatawa na talaga ako. Ang engot naman niya sa dami-daming malilimutan maleta pa?
Tumikhim ako ng malunok ko ang tawa.
"Cge tanggap ka na. Tomorrow, 8 am sharp. Understood?"Tumango lang siya bago tumayo. Kumirot sentido ko sa inakto nito kase hindi man lang nagpasalamat sakin. Muli kong hinilot ang noo ko.
"Sandali lang bumalik ka." Utos ko na sinunod naman niya agad. Naglabas ako sa wallet ng sampung libo tsaka iniabot sa babae.
Kumunot noo niya habang nakatingin doon, umiikot mata ko sa tagal niyang kunin. Balak pa ata titigan toh hanggang bukas kung hindi ko pa kusang kinuha ang kamay niya at inipit sa kaniyang palad ang sampung libo.
"Hindi ba sabi mo gutom ka na? Pangkain mo yan pambili mo na rin ng masusuot. Ayusin mo na ang kasuotan mo bukas ha? Tsaka umupa ka na muna ng apartment sa kung saan. Remember your time tomorrow. Ayoko may nalalate." Sabi ko na lang nagtaka na lang ako sa sarili dahil hindi ako masungit sa kanya. Dinagdagan ko pa ng dalawampung libo baka kulang pa pambili ng masusuot nya.
Tumango lang siya ni wala man lang 'SALAMAT' bago lumabas ng opisina ko na hinayaan ko na lang parang nasanay agad ako.
Maayos naman ang about sa kanya kahit galing siya sa mahirap na pamilya. Dahil na rin sa nakatapos siya ng pag-aaral kaya ayos lang na tanggapin siya-
Naalala ko nga pala na ayaw kong may eengot-engot sa mga trabahador ko lalo na ang sekretarya! Kaya naman sinabunutan ko ang sarili na parang baliw. Napagod na ko kaya naman pinakalma ko na ang sarili bago uminom ng tubig.
Nailabas ko na rin sa wakas ang kanina ko pa pinipigilang tawa sa kwento niya ng mga kaengutang ginawa ngunit bigla rin nagbago ang mukha ko tsaka nandilim ang paligid ko nung tinalikuran ng dalagang iyon ni wala man lang sinabing "salamat".
'Tss.. agad ko naman siya palalayasin dito kung sakali man na magkamali siya bukas. Kahit na maganda pa siya."
Wait wait Empress nahihibang ka na! Pinuri mo ang pulubi na yon? Impossible.
Umiling-iling ako ng may naramdamang kakaiba at hindi ito maganda.
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime.

BINABASA MO ANG
My Weak Secretary
Romance[COMPLETED✓] - Unedited. (GxG) Empress Belle DeMitri Guerin- Owner of the IMPERIAL Publishing Group. Also a model of the company magazines cover because of her goddess beauty and sexiness. Strikto,Boring ang buhay nya.Dahil halos lahat nakukuha sa i...