CHAPTER 2 Dorm

2.8K 80 1
                                    

Shielle POV

Kanina pa ako umiikot ngunit hindi pa rin ako nakakarating sa dapat na pupuntahan ko

Napapagod na ako dahil ilang minuto na rin ako umiikot ikot kaya naisipan kong magtanong

Sa kasamaang palad hayysss mukhang nasa kanya kaniyang kwarto ang mga tao rito

Habang palakadlakad ulit ay may napansin akong isang kwarto. Malaki ang pinto na kulay berde. Sinilip ko ang transparent na salamin nito sa taas.

Nakita ko ang puno ng halaman at iba't ibang uri ng bulaklak. May malalaki at may maliit. Bawat dingding ay may nakapulupot na halaman na may puti at dilaw na bulaklak

Dahil sa pag kamangha ko hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok. Pagkapasok ko ay unti unting bumubuka ang bulaklak hanggang sa lumitaw ang mga fairy

Woahh ang kyut ^_^

Sa mga kulay dilaw na bulaklak ay lumabas ang mga kulay dilaw na fairy. Sa kulay asul berde at pula naman ay lumabas rin doon ang kulay na katulad ng kulay ng bulaklak kung saan sila lumabas

^__^

Ilang saglit pa ay bumukas ang tatlong malalaking bulaklak at bumungad rito ang fairies na mas malaki sa kanina. Baka fairy god mother ito

"Hello lady"bati sa akin ng kulay pulang fairy  godmother

"Hello din po" ^_^

"Bakit ka narito lady? Anong pangalan mo? Ilang taon  ka na? At-" Tanong sa akin ng kulay asul na fairy god mother habang nakangiti

"Blaiden!"sabay na sigaw ni pula at berdeng fairy godmother

"Ako po si Yielle shiu, 17 y/o. Hinahanap ko ang aking dorm. Magtatanong na sana ako ngunit wala ng estudyante sa labas. Napansin ko ang lugar na ito kaya ako napunta rito"

"Anong numero ng iyong dorm binibini? Saan ka galinh at ba-" Tanong sa akin ng kulay berdeng fairy god mother

"Grenli!" Sigaw naman ni kulay asul at pulang fairy god mother

"Mas mabuting makilala mo muna kami. Ako sa fairy godmother fiarah isa akong healer at sila naman si-"

"Grenli/Blaiden!" Ani kulay berde at asul na fairy god mother bago  mag tinginan

"Ako si Grenli isang Protection fairy"kulay berde na fairy godmother

"Ako naman si Blaiden isang cleaner fairy ngunit lahat kami ay kayang kontrolin ang mga halaman. Teka ano nga ulit numero ng iyong dorm?" Sabi ni kulay asul na fairy god mother

"209" sabi ko ng hindi nawawala ang ngiti.. nakakamiss na rin makakita ng fairy

"Halika sumama ka sa amin ituturo namin sa iyo ang iyong dorm"

Lumabas na sila ng kwarto kasunod ng maliliit na fairy at agad akong sumunod. Nakalutang lamang sila at tanging pakpak ang gumagalaw

Ang maliliit naman ay nasa likuran nila

Naiinggit ako kaya ginaya ko sila. Lumutang ako kapantay ng sa kanila ngunit wala akong pakpak.

Sa sobrang laki ng paaralan hindi ko na matandaan kung ilang liko ang ginawa namin bago makarating sa dapat kong pupuntahan

"Andito na ta-"ani ng kulay pulang fairy godmother na ikinakunot ng noo ko

"Paano mo natutunan ang lumutang lady?anong kapangyarihan ang meron ka?"

"Isa po akong matter manipulator"

"Ahhhhh" sabay na sambit nilang tatlo

hahawakan na sana ni asul fairy god mother ng hawakan ito ni berdeng fairy god mother

"Ako na magbubukas!"ani ng asul na fairy god mother na si Blaiden

"Ako na! Ako nauna!"iritadong sambit naman ng berdeng fairy godmother na si Grenli

"Ako na!

"Ako nga!"

"Ako na sabi!"

"Ako nauna"

At nagsimulang mag agawan ngunit nakita kong inihampas ni red fairy god mother ang baston niya sa hangin at kusang bumukas ang pinto

"Fiarah!"sabay na sigaw ng dalawang fairy god mother kay red fairy god mother. Tinawanan lamang ito ni red fairy god mother at nakitawa na rin ako

"HAHA pagpasensyahan mo na ang dalawang iyan lady ganyan talaga sila

Pagkapasok namin ay bumungad ang napakalaking sala, ang kusina at kainan malaki rin, at may dalawang kwarto sa gilid

Akala ko walang tao ngunit biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula rito ang babaeng maputi, naka T Shirt na kulay puti, naka fitted short at may tuwalyang nakalagay sa ulo. Halatang bagong ligo

"Magandang araw mga fairies ano ang inyong sadya rito"

Sabi nung babae saka yumuko bilang pagbigay galang

"May inihatid na lady/may bagong kang makakasama"sabay na sambit ulir ng dalawang fairy god mother na si fairy blaiden at grenli

"May bago kang makakasama rito Hayi" saad ni fiarah god mother

Agad naman ako tiningnan nung babae saka ngumiti, sinuklian ko rin ito ng ngiti

"Oh siya lady aalis na kami. Paalam bumisita ka ulit roon kapag may oras ka"

"Okay po"ani ko sabay ngiti ng malawak ^_^

"Paalam lady"sabay na paalam ni fairy blaiden at fairy grenli bago lumabas. Sa oras na ito si fairy fiarah na ang nagbukas ng pinto baka magtalo pa ang dalawa

Pagkalabas nila ay agad akong tumingin sa babaeng kasama ko na nakangiti. Lumapit siya sa akin at nagsimulang magtanong

"Hi ako nga pala si Keihayi Poe, tawagin mi na lamang ako na Hayi isang shadow manipulator. I am 17 y/o from Plantta. Ikaw? Ano name mo? Ano powers mo? Ilang taon ka na? At sa-"

"Teka lang hinay hinay mahina kalaban HAHA. Ako si Yielle Shiu isang matter manipulator, 17 y/o"

"Ahhh. Eh saan ka galing?"

"Middle forest"

"Huh saan yun? Alam kong sa gitna ng gubat pero saan rito sa magical world? Tanging centreo lamang ang hindi nababasa ng lahat dahil sa kapangyarihan ng hari at reyna na nakabalot roon. Hindi ka naman siguro galing doon

"hindi eh. Galing ako sa......mundo ng mga normal na tao"

"Ah okay. Ahm iyon nga pala ang kwarto mo bale magkatabi lamang ang kwarto natin" turo niya sa dulong kwarto na puro ginto ang nakapalibot sa pinto nito

"Okay sige salamat"ani ko at nagsimulang maglakad papunta roon dala dala ang apat na bagahe ko. Paki mo madami akong gamit ei


********************

Hello guys! Welcome to enchant academy HAHAH

Hirap gumawa ng story lalo na kapag malaki imahinasyon mo dahil pabago bago

Continue reading💖 and enjoy❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon