CHAPTER 37 Hurt Her [2]

1.4K 48 1
                                    

Shielle POV

Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Agad ko itong pinunasan

Bakit?! Anong nangyari?! Anong dahilan?!

Ang sakit sakit! Ang sabi niya mahal niya ako!

Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko hanggang sa makapasok ako sa dorm namin. Agad akong humiga sa aking kama at doon umiyak ng umiyak

Hindi ko na mapigilan! Sobrang sakit na parang ipinapakita niyang wala lang ako sa kaniya



*************
Milla POV

Pagkaalis ni yielle ay tiningnan namin ng masama si Primo ngunit parang wala lang itong pakealam

Tumayo siya at naglakad paalis habang ang prinsesa ay parang higad na hindi kumakawala sa pagkakayakap sa braso ni Primo

Nasasaktan ako sa sitwasyon ni yielle. Masiyadong mabait at mapagmahal ang katulad niya at hindi karapat dapat na masaktan

"Alam mo kahit prinsesa iyan ayoko pa rin sa kaniya" bulong ni elown sa amin

"Ako rin naman!" Mataray na saad ni Hayi

Naglalakad kami ngayon pabalik ng klase at nakasunod kami kina Primo

Pagkarating namin ay wala kaming Yielle na nadatnan sa kaniyang upuan

"Nasaan na kaya si Yielle?" Alalang tanong ko

Balak pa sana naming puntahan si Yielle sa dorm nila Hayi ngunit dumating na ang guro namin

Lagi kaming napapasilip sa upuan ni Yielle. Saan kaya siya ngayon?

Natapos ang klase ngunit ni isa ay wala akong napakinggan

Nagpaalam ang guro pero bumalik rin ito ilang segundong pagkalabas

"Magandang balita! Bukas na magaganap ang Academy ball!" Masayang saad nito. Naghiyawan at nagsigawan ang ibang estudyante dahil sa tuwa

Lumabas na ang guro pati ang ibang estudyante. Nauna na rin sila Primo at nakasunod lamang kami

"Bukas na ang academy ball kailangan na nating maghanda" walang ganang saad ko

"At bukas na rin ang ikaw labing walong kaarawan ni Yielle" malungkot na saad ni Hayi

Nasabi rin kasi sa amin ni Yielle kung kailan ang kaarawan nito kaya alam namin

Napatingin kami dahil sa harot ng prinsesa kay Primo. Pilit na ngiti lamang ang binibigay ni Primo rito

"Kahit prinsesa ka pa higad pa rin ang tingin ko sayo" bulong ni Elown

"Mas pabor pa ako kung si Saina lang ang lumalandi kay Primo" mataray na saad ko

"Wala tayong magagawa. Nakatadhana eh" singit naman ni Hans

Tama siya wala kaming magagawa! Ngunit si Primo meron! Pwede niyang ipaglaban si yielle

Pagkahatid ni Primo sa Prinsesa ay nakasunod lamang kami rito hanggang sa makarating kami sa dorm nito

"Anong ginagawa niyo rito?!" Masungit na tanong niya

"Nais ka naming kausapin" mahinahong saad ni cosmo

"Hindi na kailangan" saad nito at binalak na isara ang pinto ngunit pinigilan ko ito

"Bakit ayaw mong ipaglaban?!!" Sigaw na tanong ko rito

Hindi siya nagsalita at pumasok lamang sa loob na agad naming sinundan

"Bakit mas gusto mong nakikitang nasasaktan si Yielle, Primo?!" Dugtong na pasigaw kong tanong rito

Hindi siya sumagot at yumuko lamang

"Huwag mong hintayin na pagsisisihan mo ang desisyon mong saktan si Yielle, primo!!" Pasigaw rin na saad ni cosmo

Ngayon lang namin narinig na tinawag ni cosmo si Primo sa pangalan nito... siguro dahil rin sa galit

"Wala akong pagsisisihan dahil tama ang desisyon ko. Para ito sa lahat" kalmadong sagot nito na ikinainis ko

"Sana nga! Sana nga talaga! Dahil sa oras na nawala ang Yielle na kilala namin?! Hinding hindi mo na kami makakausap kahit kailan" saad ko padabog na lumabas

"Sana lang rin ay Hindi mo na lang siya pinaasa" rinig kong saad ni Hans bago lumabas at sumunod sa akin. Sumunod na rin ang iba at iniwan si Primo sa loob

Naglakad kami patungong Dorm nila Hayi upang silipin si Yielle. Pagkapasok namin sa kwarto nito ay walang tao

"Nasaan na siya?" Takang tanong ni Hayi

"Saan pa ang lugar na pinupuntahan ni Yielle tuwing wala siya sa kaniyang kwarto?" Tanong ni elown kay Hayi

"Sa hardin! Doon ko siya lagi natatagpuan tuwing wala siya sa kwarto niya" saad ni Hayi

Daglian kaming naglakad palabas ng paaralan at papunta sa hardin

Bago kami makalapit ay may pitong sabay sabay na lipad ng palaso papunta sa maraming target nito sa harapan. Saktong gitna ang tama ng sabay sabay na palaso

Napatingin kami sa tumira at nagulat kami kung sino iyon. Kita ko ang luha na tumutulo mula sa mga mata nito habang hawak ang palaso

"A-akala ko hindi siya marunong gumamit ng pana at palaso" takang tanong ni cosmo

Tumira ulit si Yielle ng ilang palaso na sabay sabay patungo sa target at saktong gitna ang tama nito bago siya umupo ay yumuko

Ipinatong niya ang ulo niya sa brasong nakapatong sa kaniyang tuhod at doon yumuko

Lalapit na sana kami ng bigla siyang naglaho

Agad kaming pumasok sa paaralan at patungo na sana sa dorm nila Hayi ng makita namin si yielle sa tapat ng dorm ni Primo na nakaupo na parang tinulak

Agad kaming lumapit sa kaniya at tinulungan siyang tumayo

Napatingin ako sa tumulak na akala namin si Primo ngunit ang Prinsesa ito

"Bakit ka ba nandito ha?!" Sigaw na tanong ng Prinsesa kay Yielle at susugod na sana ngunit agad na nahawakan ni Primo ang kamay nito

"Umalis ka na" mahinahong saad ni Primo

Walang nagawa si yielle kundi ang ngumiti ng pilit at umalis

Sumunod kami rito patungo sa dorm nila. Pagkarrating namin at ngumiti ulit ng pilit si Yielle

"Ahh Yielle. Bukas na raw ang Academy ball at nais naming naroon ka" mahinahong saad ni Elown saka ngumiti

"Makakaasa kayo" saad niya at ngumit bago pumasok

Hindi ko alam ngunit nakakagaan sa pakiramdam ang tunay na ngiti ni Yielle

"Ang sarap niyang pagmasdan tuwing pinapakita niya ang tunay na ngiti niya" nakangiting saad ko na ikinatango nila at ngumiti rin

Nagpaalam na kami kay Hayi na mauuna na. Bumalik kami sa dorm namin ni Elown at doon na nagpahinga

Ginawa ko ang pang gabing gawain bago dumeretso sa kama at natulog

Sana alam mo ang ginagawa at desisyon mo Primo!

Ang sakit para sa sitwasyon ni yielle ang ganoong bagay!



**************

Ang sakit!!😭

Vote and leave a comment!🍉

Continue and enjoy reading😉❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon