Someone POV
Tanaw ko siya mula rito sa ulap kung saan ako nakapwesto. Tanaw ko siyang nakadapa sa ibabang ulap habang ibinubuka at sara ang kaniyang pakpak
Maya maya lamang ay tumayo siya at lumipat ng pwesto gamit ang malalaki niyang pakpak
Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya agad kong ginamit ang binhi upang maging invisible ako
Lumingon lingon siya upang hanapin ako hanggang sa matuon ang paningin niya sa pwesto ko ngunit hindi niya ako nakikita dahil sa binhing ginamit ko
Lumipad ulit siya sa taas at pinaikot ikot ang katawan. Nakalutang siya ngayon at tanging ang malalaking pakpak niya lamang ang nagalaw
Lumipad ulit siya sa taas at pagkababa ay umikot siya sa isang ulap
Ilang segundong pag ikot ikot niya ay bigla niyang ikinumpas sa hangin ang kaniyang kamay na siyang naging dahilan ng pagporma ng mga ulap na isang target
Napatingin ako sa kanya ng biglang may hawak na siya na isang pana at palasong gawa sa ulap
Isa isa niya itong tinira at saktong gitna ang tinamaan sa target niya
Ang dating hindi mo ma sentro ay napakadali na lamang sayo
Noon pa man ay mahilig na siyang gumamit ng pana at palaso kahit isang kahoy lamang ito. Hindi na ako nagulat dahil dati ay araw araw siyang nag eensayo nito
Ilang minutong nakalipas ay bumalik na siya sa ulap na kaninang pinagpwestuhan niya upang tanawin ang ganda ng paaralan
Itinikom niya ang kaniyang pakpak bago siya maglaho
Hanggang doon na lamang ang pagmamanman ko sa kaniya at naglaho na rin pabalik sa palacio
*********
Hayi POV
Hayy sa wakas natapos ko na rin ang librong ito The shadow Manipulator Fall Inlove with a Boy Gravity hehehe
Natapos nako pero hindi ko pa rin nakikita si Yielle na lumabas sa kwarto niya
Naglakad ako papunta sa kwarto niya at walang katok katok na binuksan ko ang pinto ng kwarto niya
Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang...
Ayy asan na yon?
Pumasok ako sa kwarto niya at inikot ang lugar. Pumunta ako sa cr nagbabakasaling nadoon si Yielle ngunit bigo ako
Pumunta ako sa terace ngunit wala rin siya. Iniangat ko ang paningin sa magandang langit ngunit may nahagip ang aking mata
Isang pares ng pakpak na nagtago sa ulap? Sussss imposible!
Baka namamalik mata lamang ako!
Makapasok na nga baka isang higanti pa makita ko na magtago sa ulap
Pumasok ako sa kwarto ni yielle at lalabas na sana ng may mahagip ang aking mata ulit
Isang librong kulay ginto? Baka diary? O di kaya.... basta personal Property
Tigilan mo na nga yung mata mo hayi!!
Di ko na lamang ito pinansin at dumeretso sa labas
Saan kaya nagpunta yung babaeng yon? Hindi ko siya nakitang lumabas sa pinto niya
"Ayy oo nga pala! Marunong nga palang maglaho ang isang iyon!"nagface palm ako
BINABASA MO ANG
ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]
FantasyIsang dalagang makapangyarihan ang nagpanggap bilang isang normal na estudyante