Keihayi POV
Tulad ng sabi ni Miss Gwen gumising ako ng maaga at ginawa ang lagi kong ginagawa tuwing umaga
Habang nagsesepilyo ay nakaramdam ako ng kulo ng aking tiyan kaya binilisan ko na lamang ang pagsepilyo at lumabas ng kwarto
Pumunta ako sa kusina upang magluto ng pagkain. Nang matapos ako magluto ay pumunta ako sa kwarto ni yielle
Hindi na ako kumatok at deretsong binuksan ang pinto
Bumungad sa akin ang nakahilatang Yielle
Himala nauna ako magising! Hehehe buhusan ko rin kaya ng tubig ito
Napangiti ako sa planong nasa isip ko
Pumunta ako ng banyo niya at kumuha ng isang timbang tubig na malamig
Bumalik ako sa kama niya at ibinuhos ito sa kaniya ngunit mukhang nakaramdam kaya mabilis niya na nakontrol ang tubig gamit ang kaniyang kamay
Naging isang bilog na nakalutang sa ere ang tubig na inihagis ko habang siya ay nakapikit ngunit ang kanang kamay ay nakataas pangkontrol sa tubig
Kainis! Grrr bakit ang bilis makaramdam ng isang toh
Iminulat niya ang kaniyang kanang mata at tumingin sa akin ng....nakangisi
Teka?! Anong plano neto?!
Umatras ako nang bigla siyang bumangon at humarap sa akin bago kontrolin ang tubig na nakalutang sa ere papunta sa kinatatayuan ko
"Teka?! Naligo-" naputol ang sinsabi ko ng makaramdam ako ng malamig na tubig "na ako" nakabusangot na tuloy ko
"HAHAHAHAHA!! Isahan mo pa ako ah"
"Grrr lumabas ka na at kumain, nakahanda na ang pagkain doon" sabi ko sabay labas ng kwarto niya. Peste naisahan pa ako!
Naligo ako ulit at lumabas para kumain
"Hayi mauna ka na sa office may hahanapin pa ako sa kwarto ko" sabi niya habang nakain
Tulad ng sinabi niya ay nauna na ako. Hindi ko na tinanong kung ano dahil alam kong hindi niya sasabihin
********
Elown POV
Nandito na kaming lahat at tanging si Hayi at Yielle na lamang ang kulang rito sa office ni miss
Ilang minuto lumipas ay natanaw na namin ang nakabusangot na Hayi
"Oh anong nangyari sa iyo at asan si Yielle" salubong na tanong ni milla pagkarating niya
"May hahanapin pa raw siya kaya pinauna na ako" nakabusangot na sabi niya
"Eh anong nangyari sa iyo? Bakit ang sama ng panahon ng mukha mo?" Tanong ko
"Eh ikaw ba naman Buhusan ng malamig na tubig tapos kakatapos mo lang maligo at magbihis" paliwanag niya. Magsasalita na sana ako ng sumingit si Yielle na kakarating lang at nagteleport lamang
"HAHAHA eh ikaw nga nagbalak na buhusan ako eh buti nalang nakaramdam ako"singit neto
"Binuhusan mo rin kaya ako noong nakaraan kaya balak ko sana ikaw bawian" nakangusong sabi ni Hayi
"Matagal na iyon noh saka hindi sulusyon ang pagbawi" sabi ni Yielle sabay kindat
Nag usap usap pa kami ng dumating na si Miss Gwen
BINABASA MO ANG
ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]
FantasíaIsang dalagang makapangyarihan ang nagpanggap bilang isang normal na estudyante