Chapter 1 Enchant Academy

4.2K 99 3
                                    

Good day! Sorry for grammatical error and typo. First story ko ito eh. And I hope u like it

Enjoyyyyy!!

____________________

Shielle POV

Ang ganda, ang laki, ang linis, ang kintab, at mukhang strikto ang paaralan na nasa harapan ko.

strikto dahil pagkapasok ko pa lamang sa tarangkahang napakalaki ay nakaramdam na ako ng kapangyarihan. Isang uri ng barrier.

Hindi ko inakala na makakapasok ako sa ganitong uri ng paaralan. Paaralan sa gitna ng malalaking bundok

Inilibot ko ang paningin ko. Ang paaralang ito ay parang isang kastilyo. Malaki, kulay puti at ginto ang makikita sa labas ng paaralan.

May limang matataas na palapag at bawat hati ay may nakalinyang kulay ginto. Sa gilid ng ay may iba't ibang uri ng halaman at bulaklak na nagkikintaban

Nakatuon lamang ang aking paningin sa paligid kaya hindi ko napansin na nakanganga ako dahil sa pagkamangha

Nakaramdam naman ako ng tao sa likod ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglilibot ng aking paningin.

Nasa pinakataas naman ay may nakaukit na pangalan ng paaralan ENCHANT ACADEMY kulay ginto ay kumikinang

Naramdana ko ang panunuri sa akin ng taong ito ngunit hinayaan ko lamang ito

"Bagong estudyante?"saad na taong nasa likod ko

"Opo"sabi ko ng nakatingin pa rin sa paligid

"Sumunod ka sa akin" doon na ako napatingin sa kanya

Maputi, mahaba buhok, maganda, naka pormal ang suot at mukhang nasa mid 30's. Siya siguro ang namumuno sa paaralang ito

Sumunod naman agad ako sa kanya papasok. Maraming nakatingin sa akin at meron pang nagbubulungan.

Napansin ko naman ang mga gamit rito. Mukhang mamahalin. Simula sa vase na kulay ginto at bulaklak na kumikinang, sa mga pinta na napapalibutan ng ginto at salamin ang gilid ngunit hindi ko maintindihan

Nilibot ko pa ang paningin ko nang may umagaw sa atensyon ko. Isang pinta ng kwintas. Ginto ang tali at ang pendant nito ay isang bilog na may iba't ibang kulay at may simbolo ng.. araw at buwan?

Tiningnan ko ito ng mas malapitan. Ang bawat gilid ng pendant ay napapalibutan ng apat na kulay. Pula, asul, berde, at kayumanggi. Sa gitna naman ay may dalawang kulay. Puti at itim.

Ang kwintas adiya

Nakita kong malayo na ako kaya nagmadali akong lumapit at sumabay sa kanya hanggang sa makarating kami sa opisina nito. Pinapasok niya ako kaya sumunod ako

"Maaari kang umupo"umupo ako sa isang malambot na upuan na malapit sa lamesa niya "Ako si Gweneri Vallez. Ang namumuno sa paaralang ito. Ano ang iyong pangalan?"

Nakaangat ang kilay nito na para bang sinsuri ako

"Yielle.... Yielle Shui" Naramdaman kong pinakikiramdaman niya ako kaya ngumiti lamang ako sa kanya

"Sagutan mo ito at ibibigay ko sa iyo ang susi ng kwarto mo" abot niya sa mga papel na sasagutan ko. Dumapo ang tingin ko rito bago sagutan

Natapos ko na at ibinalik sa kanya

"Kuhanin mo ito"abot niya sa isang gintong envelope "nakasulat na riyan ang batas rito, ang oras ng klase mo, at nariyan na ang susi ng kwarto mo sa dorm niyo"tumango ako bago abutin

"Salamat"

"Pwede ka na umalis"

Lumabas agad ako pagkasabi niya ng huling salita. Agad ko hinanap ang dorm ko.

Wohhhhh kayanin mo yielle (yi-el). Kayanin mo!


*********

Ms. Gwen POV

Hindi lahat ng makakapangyarihan ay nasa tahanan

Ang iba ay nagpapanggap lamang

Andiyan na siya! Ingatan mo siya

Yan lagi ang sinasabi sa akin ng isang taong di ko maaning ang mukha tuwing ako ay nasa gitna ng panaginip

Sinong nagpapanggap? Sinong siya? Saan ko siya makikita? Paano ko siya iingatan kung hindi ko siya kilala?

Yan naman ang laging katanungan na gumugulo sa isip ko. Bakit ako? Bakit saakin?

Nawala ang pag iisip ko nang biglang kumatok ang isang estudyante ko. Pinapasok ko naman agad siya

"Miss may bagong estudyanteng naghihintay sa baba"tumango lamang ako bago sumilip sa bintanang tanaw ang ibang tao sa baba

Nakita ko ang isang babaeng halatang manghang mangha sa paligid dahil naka 'o' pa ang porma ng bibig niya

"Missw walang kakaiba. Isang ordinaryong tao. Ngunit malabo kung saan siya nagmula"

"Salamat" sambit ko at nagteleport sa likod niya

Mukhang hindi niya ako napansin dahil ang paningin ay nasa harapan pa rin. Halatang halata talaga sa kanya ang pagkamangha

Sinuri ko ang itsura niya. Maganda yun ang una kong naisip. Maputi, matangos ilong, matangkad, abot bewang ang buhok, mahahabba at makapal ang pilik mata, medyo singkit ang kulay gintong kayumanggi niyang mga mata at medyo mapula ang labi

Pinakiramdaman ko siya at tulad ng sinabi ng aking estudyante ay normal siya ngunit malabo ang nakikita kong lugar kung saan siya nagmula.

Pero dahil tulad ng ibang estudyante na hindi rin namin matukoy kung saan nagmula ay hindi ko na lamang binigyang pansin

Ang ibang estudyanteng hindi namin matukoy kung saan nagmula ay nalalaman nalang namin sa ibang estudyante na galing ito sa mundo ng mga normal na tao

"Bagong estudyante?"

"Opo" saad nito pero anv paningin ay nasa paligid pa rin

"Sumunod ka sa akin"

Agad siyang sumunod sa akin papasok. Nilibot niya ang tingin sa paligid ng may pagkamangha sa mukha niya

Nakita kong lumapit sya sa isa sa mga mahahalang pinta rito sa eskwelahan. Ang Kwintas Adiya na may anim na kulay sa loob ng pendant. Bawat kulay ay may kahulugan

Maraming nagsasabi na ang kwintas na iyan ay mula sa reyna kaya lubos namin iniingatan ang huling pintang iyan

Napansin niyang malayo na ako kaya agad siyang sumunod sa akin hanggang makarating kami sa office ko

Pinaupo ko siya at sumunod naman ito

"Maaari kang umupo. Ako si Gweneri Vallez and namumuno sa paaralang ito. Ano ang iyong pangalan?"

"Yielle shiu"pinakiramdaman ko siya kung nagsasabi ng totoo. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Nagsasabi siya ng totoo

"Sagutan mo ito at ibibigay ko sa iyo ang kakailanganin mo" abot ko sa mga papel na sasagutan niya. Natapos siya at ibinalik na niya sa akin

"Kuhanin mo ito"abot ko sa isang gintong envelope "nakasulat na riyan ang batas rito, ang oras mo, at andyan na ang susi ng kwarto mo sa dorm niyo"tumango siya bago kunin

"Salamat"

"Pwede ka na umalis"

Pagkalabas niya ay agad kong tiningnan ang papel na finill up an niya

Yielle shiu, 17 y/o, matter manipulator, from middle forest, etc..

Middle forest?

Galing siya sa gitna ng gubat ngunit kung galing siya sa gitna ng gubat at dito lamang sa magic world makikita ko dapat kung saan siya galing

Sa mundo ng mga tao?siguro

———
Hi I rlly want to make new story pero hindi siya fantasy

I need ur support

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon