Shielle POV
Maaga ako nagising dahil tulad ng sabi ni ate Milla ay ngayon daw malalaman kung anong section kami. Malalaman ito sa pamamagitan ng pakikipaglaban
Ang nasa isip ko ay si Hayi ang gigising sa aking pero mukhang mali ako. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Hayi
Mabilis ko itong nabuksan dahil hindi nakalock. Pagbukas ko bumungad agad sa akin ang nakahilatang si Hayi. Sarap na sarap sa tulog
Niyugyog ko ito ng niyuyog pero hindi pa rin nagigising. Nakaisip ako kung paano siya magigising
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko ay nagpalabas ako ng tubig at ipinwesto sa taasan niya
Ilang segundo pa lumipas ay ikinumpas ko na ang kamay ko sahangin dahilan para mahulog ang malamig na tubig sa katawan niya
"Yielle!"
"HAHA kanina pa kasi kita ginigising eh di ka pa rin nagigising. Iniisip ko pa naman na ikaw gigising sa akin"
"Eh bakit ba maaga tayo magigising?"
"Hayyss diba nga sabi ni ate Milla ngayon magkakaalaman kung anong section natin"
"Ayy oo nga. Oh sige sige labas ka na baka mamaya hindi na tubig maibuhos mo sa akin"
Reklamo niya habang ako tawa ng tawa. Lumakad na ako palabas. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis
*******
Hayi POV
Woahh ang lamig. Kasi ba naman etong si yielle mang gigising nalang bubuhusan pa ng tubig
Natatakot ako baka next time lava na ibuhos sa akin at hindi na tubig. Dala ng lamig ay dumeretso ako sa banyo
Pagkatapos ko magbihis ay humiga ulit ako at nagbabalak matulog ng biglang pumasok si Yielle
Mukhang gumagawa na naman ng tubig na balak ibuhos sa akin ulit kaya deretso ako sa pagtayo
"Ayy sayang akala ko tulog ka pa rin. Nakabuo na pa naman ako ng tubig" nyemas talaga toh oh
"Oo eh sayang next time nalang ulit. Saka siiguraduhin mong tubig lang ang ibubuhos mo hah"natatakot kasi talaga ako baka bukas o makalawa lava na ibuhos sa akin
"Haha oo na bilisan mo na jan at ikaw lang ang nakakaalam kung saan gaganapin."sabay labas
Inayos ko ulit ang sarili ko tapos sumunod na ako kay Yielle. Nakapula ito na may halong berde at naka itim na short
Ako naman ay nakaputi lamang ay naka maong short
Papunta kami ngayon sa field kung saan gaganapin ang Section Identifying. Pagkarating namin ay sobrang dami ng estudyante
Pumwesto kami sa harapan kung saan kitang kita ang mga tao sa stage. Sa gitna ay ang mga Legends sa bawat gilid naman ay ang guro at tagapagsalita
Ilang minuto nakalipas ay nagsimula na ang laban. Bawat estudyante ay makakalaban ang 10 halimaw. Habang nilalabanan mo ito ay inoorasan ka at iniscoran.
Kapag mabilis mo itong natapos ikaw ay nasa Gold section sumunod ang Silver at Bronze. Kung paano mo natalo ang kalaban ay doon ibabase ang score mo
"Sumunod ay si Saina Quin"ani tagapagsalita at pumwesto na si Saina sa gitna. Isa siyang LIGHTNING Manipulator kaya mabilis nagiging abo ang halimaw dahil sa kidlat nito. Maya maya ay natapos na nakakuha siya ng 81 score at 00:22:37 oras (22 minutes and 37 seconds
Sumunod na tinawag ay ako. Agad akong pumwesto sa gitna. Sumuot ako sa anino ng halimaw at doon sila sinaksak isa isa. Natapos ako ng hingal na hingal. Nakakuha ako ng 81 score at 00:23:04 time
Hinihintay ko tawaging ang pangalan ni Yielle habang siya nanonood sa harap na nakangiti.
Nagsimulang tawagin ang mga legends
Una si ate Milla. Ginamit niya ang mga bato upang patamaan ang mga ito. Seryoso ang mukha niya habang kinakalaban ang mga halimaw. Natapos ang labann niya at nakakuha siya ng 84 score and 00:19:21
Sumunod si ate Elown. Ginamit niya ang tubig. Nilunod niya ang mga ito isa isa. Sumasabay siya sa tubig na ginawa niya upang mapadali ang pagsaksak sa mga ito. Seryoso ang mukha at nakafocus sa kalaban. Natapos ang laban niya at nakakuha ng 84 score and 00:19:37
Sunod na tinawag ay si Hans sunod niya si Cosmo. Seryoso rin ang kanilang mukha
Ginamit ni Hans ang hangin upang lumikha ng ipo ipo. Isa isang natangay ang mga halimaw at tumatama sa invisible na barrier. Natapos ang laban niya at nakakuha siya ng 87 score at 00:17:09
Ginamit naman ni Cosmo ang bolang apoy upang patamaan ang mga halimaw. Mabilis na naging abo ang mga ito. Natapos ang laban niya at nakakuha siya ng 88 score and 00:14:52
Nakakapagtaka dahil hindi pa tinatawag si Yielle. Tumingin ako sa kanya na nakangiting nakatingin sa harapan. Habang may naglalaban ay pumapalakpak siya na parang bata
**********
Shielle POV
Wahhhh ang galing nila ^_^
Naramdaman kong nakatingin sa akin si hayi kaya lumingon ako. Hindi ako nagkakamali nakatingin nga siya sa akin
"HAHA para kang bata"aniya
"Eh ang galing kaya nila"
"Syempre mga legends nga eh. Kaya sila tinawag na legends dahil sila ang may hawak sa kapangyarihang malakas. Kaya rin sila tinawag na legends dahil sila ang limang tagapagmana ng limang palacio"
Napatingin naman ako sa kanya
"Si ate elown ang tagapagmana ng Aqua Palacio. Siya rin ang may hawag sa tubig, si ate milla ang tagapagmana ng Plantta Palacio. Siya naman ang may hawak sa lupa, si cosmo sa fuego Palacio. Siya ang may hawak sa apoy, si Hans sa Aire palacio. Siya ang may hawak sa hangin. Silang apat ay nag iisang anak ng hari at reyna sa bawat palacio at si Primo naman sa Tierra Palacio. Siya ang may hawak sa apat na kapangyarihan. Ang apoy, hangin, tubig at lupa. At may ay kapatid siya si Goddess Perno ang pangatlong Goddess.Na nasa Goddess Palace"
Natigil ang pagkekwento niya ng magsalita ang gurong tagapagsalita
"Ngayon ay ang inabang abangan niyo si Primo Leander the Leader of the Legends"
*******
Guyss support niyo ko🥺
Continue reading🥰enjoy!❤
BINABASA MO ANG
ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]
FantasíaIsang dalagang makapangyarihan ang nagpanggap bilang isang normal na estudyante