Kaihayi POV
"Iyon ang akala mo!" Nakangising sigaw ng Reyna kaya napamulat kami
Napatingin ako sa mga palasong dapat na tatama sa amin. May nakatama ritong itim at puting palaso
Napatingin ako sa tumira noon ngunit bigla itong naglaho. Pamilyar siya sa akin
"Sino iyon?!" Galit na Sigaw ng kapayid ng Reyna
"Vin at Vera! Sino iyon?!" Ulit na sigaw nito at nakatingin sa likoran namin
Tumingin rin kami sa likoran at naroon nakatayo si vin at Vera
Nagulat kami ng bigla itong tumumba. Pagkatumba nito ay may itim at puting palaso sa likoran ng dalawa
"Ang mga anak ko!!!!" Naiiyak na sambit ng Kapatid ng Reyna
"Ngauon kapatid ko! Naranasan mo na bang mawalan ng anak!" Seryosong saad ng reyna
"Pagbabayaran mo ito Lierra! Pagbabayaran mo!" Galit na saad ng kapatid ng Reyna
Bigla na lamang siyang lumiwanag at naging espirito. Umitim ang mga mata nito pati ang mga labi
Napahawak kami sa isa't isa at kusang gumawa ng bolang kapangyarihan ang mga legends
Gumawa rin ng itim at puting kapangyarihan ang pamilya ng Reyna
Bigla na lamang ay may lumabas na kapangyarihan sa katawan nito
Ibinato ng ilan sa kanila ang ginawang kapangyarihan
Ibinato ni Milla, Elown, Hans at Cosmo ang ginawang bolang kapangyarihan ngunit tumagos lamang ito
Bumuo rin si Primo at Perno ng pinagsasamang bolang kapangyarihan at sabay na ibinato roon sa Kapatid ng reyna ngunit tulad kanina ay tumagos lamang ito
Ganun rin ang iba kasama ang mga goddess, hari at reyna. Gaya rin ng iba ay tumagos lamang ito
"HAHAHAHAH" demonyong tawa ng kapatid ng reyna
Halos mapagod na kaming lahat sa pagbato rito ng kapangyarihan ngunit hindi man lang siya natatamaan
Paubos na ang kapangyarihan namin at tawa lamang siya ng tawa.
"Sinabi ko na sa iyo mahal kong kapatid! Ngayon na ang katapusan niyo!!" Natatawang saad nito
Mukhang ngayon na nga
"Bakit hindi ka natatablan sa aming kapangyarihan?" Hingal na tanong ng reyna
"Simple lang! Dahil isa na lamang akong espiritu at ang tanging makakapatay sa akin ay taong hindi ko pa nakukuha ang kahinaan!" Pagpapaliwanag nito
Biglang sumugod ang alagad nito na may dalang pana at palaso
Kaniya kaniyang pana sila sa amin ngunit may palasong tumatama sa kanilang palaso. Ang palasong may itim at puting kulay
"Mukhang wala na kayong laban mahal kong kapatid" nakangising saad ng kapatid ng reyna pero mukhang hindi niya napapansin ang palasong itim at puti na tumatama sa palaso nila
Pagod na ang reyna pati na rin ang mga Goddess. Ang hari naman ay pilit na sinasangga ang mga palasong tatama sa kanila
"Paano ba iyan mahal kong kapatid! Magpaalam na kayo sa isa't isa dahil oras ko na! Oras ko ng paslangin kayo!" Mapang asar na saad ng kapatid ng reyna at biglang naglabas ng malakas na kapangyarihan patungo sa amin
BINABASA MO ANG
ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]
FantasyIsang dalagang makapangyarihan ang nagpanggap bilang isang normal na estudyante