CHAPTER 43 Dark Hell

1.5K 49 3
                                    

Hans POV

"Saan kaya galing si Primo kagabi?" Takang tanong ni Elown

Naglalakad kami ngayon patungo sa klase habang pinag uusapan ang tungkol kay Primo

Umuwi kasi siya ng late kagabi. Wala ng tao sa paligid at parang kakagaling lang sa iyak

"Sa lagi niya sigurong pinupuntahan" saad ni Cosmo

"Saan ba siya lagi pumupunta?" Tanong ni Milla

"Nakalimutan niyo na ba?! Diba lagi siyang nasa hardin" paliwanag ko

Totoo naman eh. Tuwing gabi ay lagi siyang naroon upang tingnan ang buwan

Lagi niyang sinasabi sa amin na doon niya huling nayakap at nahalikan si Yielle kaya lagi raw siyang naroon

"Pero bakit ang tagal niya roon?" Kuryos na tanong ni Milla

"Oo nga tapos mukhang galing sa iyak" pag sang ayon ni Elown

"At nakita ko rin si Shielle na pumasok rin ng hating gabi kagabi. Magkasunod lang sila ni Primo" nagulat kami sa saad ni Cosmo

"Kung gayon ay mukhang may hindi tayo nalalaman" nakangiting saad ni Milla. Ngumiti rin kami na parang pabor sa kanilang dalawa

"Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Shielle noong una siyang pumasok rito na para bang matagal na natin siyang nakasama. Parang yung unang beses na nakilala natin si Yielle" mahabang saad ko

"Ako rin!" Sabay na nakangiting saad nila

Napatingin kami kay Hayi na tulala at halatang hindi nakikinig sa amin

"Hoy ano meron sayo?" Tanong ni Milla

"Ha?!... ay bakit?" Nataas ang kilay namin dahil lutang siya

"Kanina ka pa namin napapansing lutang riyan" saad ni elown

"Eh kasi.... kagabi may narinig akong nahulog sa loob ng kwarto ni Yielle. Pagkabukas ko ay may babaeng nakahawak sa gintong libro. Pumikit ako at pagdilat ko wala na yung babae" paliwanag ni Hayi

"Ha?! Eh hindi mo ba talaga nakita? Hindi ba si Yielle?" Sunod sunod na tanong ni Milla

"Hindi ko masiyado nakita yung babae pero may marka siya ng araw at buwan sa kanang dibdib nito dahil nakasando ito. Hindi rin ako sigurado kung tunay ba iyon"

"Pero tanging ang prinsesa ang dapat na magkaroon ng ganong marka hindi ba?" Saad ko at tumango lamang sila

"Malabong ang prinsesa iyon dahil may kulay berde ang buhok nito. Maputi at maganda siya" napakunot ang noo namin sa paliwag ni Hayi

"Hindi mo ba talaga siya nakilala o nakita?" Takang tanong ko

"Medyo pamilyar ang mukha niya pero hindi ako sigurado" saad nito

"Sino bang nasa isip mo?"

"Si Shielle" deretsong sagot nito

"Pero baka namamalikmata ka lang kasi diba dati sinabi mo sa amin na nasa loob ng kwarto ni Yielle ang Reyna" saad naman ni cosmo

"Hindi eh! Kita ko talaga siya saka nawala ang gintong libro roon ni Yielle at hawig talaga ni Shielle ang nakita ko"

Si shielle?

Tumigil kami sa pag uusap ng makarating kami sa loob ng klase

Wala pa ri Primo dahil mukhang late nagising

Umupo kami at maya maya lang ay pumasok na si Primo nakasunod ang prinsesa. Dumeretso lamang siya sa upuan niya

Ilang sandali pa ay dumating na ang guro namin at nasa likod nito si shielle

Ang kulay berdeng buhok nito pero hindi kulay pula ang mata niya kaya ang hirap mapagkamalan

Deretso siyang umupo sa upuan niya. Sa dating upuan ni Yielle

Nagsimula na rin magturo pero wala pang ilang minuto may biglang pumasok na estudyante na halatang pagod at hingal

"Paumanhin pero nais ko lang ipaalam na nakapasok ang dark hell sa paaralan ito" saad ng estudyante at biglang nagsigawan ang ibang estudyan

Bigla namang sumulpot si Miss Gwen sa gitna at pinakalma ang iba

"Students! Kalma lang! Legends pumunta kayo sa hallway!" Saad ni miss turo sa amin

"Isama niyo si Hayi, seb, at ang Prinsesa" dugtong pa nito

Tatanungin ko pa sana kung kasama si shielle pero naunahan ako ni Primo

"Paano si shi..... shielle?" Napatingin kami kay primo na nakaturo sa upuan ni Shielle

Nasan na siya?!

Napatingin kami kay Miss Gwen na ngumiti bago magsalita

"Kaya niya na ang sarili niya" nakangiting saad nito na ikinakunot ng noo namin

Pinapunta na kami ni Miss Gwen sa hallway at saktong pagkarating namin ay naroon ang ibang Dark hell. Mga nakamaskarang itim

Yumuko ito pero ang tingin ay nakay Adiya

"Ano ang sadya niyo rito?!" Galit na tanong ni Primo

"Simple lang. Nais lang naming makitang walang buhay ang mga tagapagmana ng Bawat Palacio" nakangiting may halong pang aasar na saad ng nasa gitna

Ang akala namin ay susugod sila pero tumalikod sila at naglakad palabas ng paaralan. Pumunta sila ng field at mukhang nais nilang roon kamimaglaban

Pagkarating namin sa field ay inihanda na nila ang kanilang pana at palasong may lason

Bumuo na ako ng bolang hangin at ganon rin sila. Inilagay namin ang Prinsesa sa likorang bahagi namin

Nakarating na rin si miss gwen at sir salvador kasama ang ibang estudyanteng tutulong sa amin

Kaniya kaniya silang kontrol sa kapangyarihan nila

"Oh Mahal na Prinsipe ng Tierra palacio! Ang pinakamalakas sa lahat ng kapangyarihan HAHAHAHA nakalimutan mo atang iligtas ang iyong pinakamamahal na babae" nagulat kami sa saad ng nasa unahan

"Nasan si yielle?!!" Galit na tanong ni Primo

"Oww may mas importanteng babae pa pala sayo kesa sa iyong INA mahal na Prinsipe! At sino naman ang Yielle na iyong tinutukoy mahal na prinsipe"

"Huwag mong sasaktan ang aking ina!"

"Mukhang huli ka na sa pagmamakaawa mahal na Prinsipe dahil naroon na ang iba naming kasama at patagong tinatarget ang iyong minamahal na ina"

"Huwag mo siyang sasaktan!" Saad ni Primo at nagpakawala ng bolang apoy sa kanila ngunit 3 lamang ang natamaab sa kanila

"Dahan dahan mahal na Prinsipe dahil masasayang ang iyong lakas. Nais ko lang ipaalam na may Traydor sa isa sa iyong mga kasama" nanlaki ang mata namin sa sinabi nito

Nagtinginan kami na parang walang alam. Sino?!!

"Dahan dahan rin sa pagsasalita ginoo dahil sa oras na may masaktang isa sa kanila ay hindi ka maniniwala sa makakalaban mo" nnapatingin kami kay Miss Gwen dahil sa sinabi niya at seryoso ang mukha nito

"HAHAHAHA Wala ng mas hihigit sa lakas ng aming pinuno HAHAHAH" Natatawang saad nito

"Iyon ang akala mo!" Sigaw ni Miss Gwen

"Kung gayon ay simulan na natin upang malaman ko kung sino iyon" seryosong saad nito


*******************

Dark hell~ kinuha ko ang salitang iyan sa Hhell University by KnightInBlack❤

Vote and leave a comment🍉👈

Continue and enjoy reading🥰❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon