CHAPTER 31 Thief

1.4K 54 3
                                    

Shielle POV

Minulat ko ang aking mata dahil wala na akong marinig na kahit anong salita. Mukhang napahaba ang aking tulog

Nilinga linga ko ang paningin at tama nga ako! Wala ng ibang estudyante rito maliban sa mapang asar na lalaking toh

"Oh gising ka na pala" mapang asar na saad nito na nasa tabi ko

"Ay hindi! Tulog pa ako!" Pambabara ko rito

"Medyo napahaba ang tulog mo ah dahil lahat sila ay nasa cafeteria na" napalaki ang mata ko sa sinabi niya

Shit!! Mukhang napahaba nga ang tulog ko

"Tsk eh bakit ikaw?! Bkt nandito ka pa?!" Kunyaring inis na saad ko pero ang totoo.....

"Ayaw mo ba? Sige aalis na ako" pagkasabi niya ay akmang aalis na at pupunta sa pinto pero hinawakan ko ang kamay nito

Nagulat siya sa ginawa ko at nagulat rin ako sa ginawa ko

Ano bang pinag gagawa ko?!!!

"Gusto mo naman pala eh dapat sinabi mo hindi yung hinahawakan mo ang kamay ko" sabi niya na may pang aasar na ngiti

Bumitaw agad ako at umirap. Lintek na lalaki toh lakas ng apog

"Kapal ng mukha" bulong ko na ikinangisi niya

"Bakit namumula ka?" Tanong niya na mas lalong nagpainit ng aking pisngi. Hala?!!!

"Muka mo namumula!" Sigaw ko rito na mas lalo niya pang ikinangiti. Ano ba meron sa lalaking toh?!! Bakit ngumiti lalo!

"Bakit ba ngiti ka ng ngiti diyan ha?!" Inis na talaga na sambit ko. Ngumiti siya bago magsalita

"Ang kyut mo kasi pag nagagalit" saad nito na ikina iwas ko ng tingin

Nagulat ako ng may naramdaman akong kamay sa panga ko at iniangat ang mukha ko. Iniharap niya ako sa kaniya at nakipag titigan

Nakatingin ako sa mga mata niya at ganon rin siya. Hinawakan niya ang kanang pisngi ko at......

.....at kinurot

Arayyy!!! Lintek na lalaki toh

"Primo!!!!" Sigaw ko rito pero hindi niya pinansin at ngumisi lamang

Hindi pa nakontento ang loko. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko gamit ang kanang kamay at saka kinurot

"Ano ba?! Ang sakit eh!" Saad ko na ikinatawa niya

Aba! Bumabawi

Umatras siya ng konti dahil sa sama ng tingin ko. Ngumisi ako at lumapit sa kaniya

Balak ko sana siyang bawian ng kurot pero naunbalance ako at napapikit dahil nakaramdam ako ng pagkatumba

Napamulat ako ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko. Hawak niya ang bewang ko at ang lapit ng mukha namin

"Okay ka lang?"nag aalalang tanong nito sa akin ngunit imbis na sagutin ay ngumisi ako at kinurot ang dalawang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko

Yesss!! Nakabawi na ako!!!!

Ang akala ko ay magagalit siya ngunit ngumisi ito na ikinakaba ko. Mula sa mata ay bumaba ang kaniyang paningin sa aking ilong at sa aking.......l-labi

Napangisi itong tumingin sa akin bago i-idikit ang l-labi nito sa a-akin....ang lambo-este......

Limang segundo ang tagal ng dikit ng labi namin bago niya bitawan ang labi ko. Binitawan niya rin ang pagkakahawak sa bewang ko at naunang umalis

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon