CHAPTER 11 History

1.9K 62 2
                                    

Shielle POV

Lintek na lalaki yun! Lagi na lang ako sinasabihan na matakaw! Eh masarap lang naman ang pagkain!

Mahigit isang buwan na ako rito pero ganun pa rin ang sitwasyon namin Primo a.k.a masungit.

Nagsusungit pag may lumalapit sa kaniyang ibang estudyante, pero kung makapang asar grabe!

Aasarin niya ako tuwing nakain kami sa canteen! Sinasabihan niya ako matakaw! Tapos sila hayi naman tinatawanan ako

Sino ba talaga sa kanila kaibigan ko?!

Naglalakad kami ni Hayi ngayon papuntang room. Medyo malapit lang naman ang dorm namin sa room. Walking distance lang

Habang naglalakad kami rinig ko na naman bulungan ng ibang estudyante sa tabi tabi. Ewan ko ba kung bulungan ang ginagawa nila o nagpaparinig!

"Ayan na naman ang feeling close sa mga legends!"

"Oo nga! Bakit ba kasi sila lang ang pinapansin!"

"Eh kasi nga nagpapapansin! Duhh"

"Lalo na yung isa jan makalapit kay Primo wagas"

"Akala mo naman talaga ang gaganda!"

"Porket malapit sila sa legends akala naman nila sasantuhin natin!"

"Asa sila eh simple nga lang kapangyarihan ng mga yan!"

Okay confirm! Nagpaparinig nga sila!

Kakapal ng mga toh! Feel ko tuloy pumatay! Sa harap nila or di kaya sila nalang hihihihi

"Bakit nakangisi ka jan?"tanong ni hayi. Hindi ko napansin na nakangisi pala ako habang nag iisip

"Wala lang hehehe"

"Ano yun trip mo lang? May saltik ka ata eh! Bilisan mo na nga"sabay lakad ng malalaking hakbang. Medyo malayo na siya sa akin

Nagteleport ako sa tabi niya para masabayan siya pero nakakailang lakad pa lang ako may sumigaw na sa likoran namin

"Yielle!! Hayi!!"

Napalingon kami sa sumigaw. Hindi ako nagkamali sa pag isip kung sino iyon. Si ate elown kasama ang ibang Legends na tumatakbo papalapit sa amin. Maliban kay Primo

Asan kaya siya?

Huminto kami ni Hayi at hinintay silang makalapit

"Yielle, Hayi sabay na tayo pumasok"hingal na hingal na tugon ni ate elown

"Ate elown bakit hingal na hingal ka?"tanong ni Hayi at nilapitan si Ate Elown

"Obviously! Syempre tumakbo kami"pambabara ni cosmo

Oo nga naman!

"Hindi ikaw kausap ko!"sabi ni Hayi sabay lingon ulit kay ate Elown

"Haha hinabol kasi namin kayo. Anlalaki ng hakbang niyo eh"

"Si hayi kasi nagmamadali"nakangusong singit ko

"Ambagal mo kasi! Tara na nga!" Pag aaya ni Hayi

Mukhang pagod na pagod na sila kaya naisipan kong magteleport nalang

"Mukhang pagod na pagod na kayo eh. Humawak nalang kayo sa isa't isa"pagkasabi ko nun ay nagtaka agad sila pero sinunod naman nila

"Anong gagawin mo?"huli ng tanong ni ate Milla nahawakan ko na si Hayi at Hans kaya nakapagteleport na kami

Pagkatapak namin sa sahig ng room ay doon ko lang sinagot ang tanong ni Ate Milla "magteteleport"

"Akala namin kung anong gagawin mo?"natatawag sabi ni Ate Milla

"HAHA pero sinunod niyo ang sinabi ko"

"Syempre may tiwala kami sayo eh" napangiti ako na parang tumalbog ang puso ko dahil sa sinabi ni ate Milla

Ganito pala pakiramdam kapag may mga taong nagtitiwala sa iyo noh

Nagsabi na si Ate Elown na pupunta na siya sa upuan niya pero halata sa kaniya ang pagkairita dahil sa paglalambing ni hans

Ganun rin si ate Milla dahil sa pang aasar ni cosmo sa kanya

Kaming dalawa naman ni Hayi ay pumunta na rin sa sariling upuan. Napatingin ako sa likod ng upuan ko. Bakit wala pa siya?

Mukhang napansin ni Hans na nakatingin ako sa katabi niyang upuan

"Late talaga dumarating iyon at minsan lamang siya sumabay sa amin"tumango lamang ako

Habang nag hihintay sa gurong papasok ay nakataw ako sa labas ng bintana. Katulad ng lagi kong ginagawa ay pinapakinggang ko ang huni ng mga ibon at pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga puno

Ilang sandali ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang gurong Salvador ang history teacher namin kasunod si Primo

Pumunta si Primo sa upuan niya at bumati naman si sir sa estudyante niya

Hindi ko na nilingon si Primo,itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa gurong nagsasalita

"Labing siyam na decada na huling mangyari ang isang gulo dahil sa pagtutol ng prinsipe ng Tierra na ikasal sa anak ng reyna ng Centreo. Nakatadhana ang anak ng reyna sa Prinsipe ng Tierra ngunit mas Minahal ng Prinsipe ang babaeng kailan niya lamang nakasama. Minahal niya ito ng sobra sobra ngunit isang araw biglang hindi nagpakita ang babaeng mahal niya. Naglaho ito na parang bula. Sa sobrang pagmamahal ng prinsipe sa kaniya ay naging dahilan ng hindi pag ayos sa pagkain ng prinsipe. Naayos ang gulo dahil pumayag na ang prinsipe na ikasal sa anak ng reyna. Ilang taon lumipas ay nagkaanak sila ngunit isang araw biglang nagpakita ang minamahal niyang babae na may kasamang dalawang anak. Nalungkot ang prinsipe pero dahil sa kaniyang anak ay nawala ang pagluluksa nito"mahabang paliwanag ng guro

Agad na nag ingay ang buong klase

"Hala ka pre! Hintayin mo kung sino nakatadhana sa iyo baka magluksa ka rin isang araw"natatawang pang aasar ni cosmo kay Primo

"Sana sayo mangyari!"mataray na sabi ni ate milla

"So iiwanan mo rin ako? Tulad ng ginawa ng babae? Ayoko babe! Wag babe!"nagluluksang parang bata si cosmo

"Iiwanan naman talaga kita dahil hindi kita gusto"

Napuno ng tawanan ang buong klase pati si sir dahil sa pag arte ni cosmo na parang bata

Napalingon ako sa likoran ko dahil naramdaman kong nakatingin ito sa akin. Pag lingon ko ay nakatingin nga ito

"Anong tinitingin tingin mo?"mataray kunyari na tanong ko

Sasagot na sana siya ng magsalita si sir

"Okay class thats all for today! Goodbye!"paalam ni sir

Habang naghihintay sa susunod na guro ay tumingin ulit ako sa labas ng bintana

Tumingin ako sa magandang kalangitan ng may mahagip akong isang tao pamilyar na biglang nagtago sa ulap

Tiningala ko ito ngunit hindi ko na talaga makita dahil sa pagtago nito sa isang kumpol ng ulap

Hindi ako pwedeng magkamali.... siya iyon...

Anong ginagawa niya rito?
Bakit siya narito?


********

Sorry kung nakakalito

Si Shielle ay yielle ay iisa lamang

Continue reading ang enjoy!❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon