𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Naramdaman ko ang init ng pagyakap niya.
Nawala bigla ang panlalamig ko. Parang naulit
na ito. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa
ginawa niya. Kaya.."Bitawan mo nga ako! Wag mo akong yakapin!
Kainis!!""Halata ko, madalas kang magalit sakin..ano
ba ang ikinagagalit mo?" -Jimin"Marami! Manhid ka kasi kaya di mo
maramdaman!""Ano ba ang dapat kong maramdaman...?" At
derektang tumitig siya sa mga mata ko."Ano..ano kasi e.." Namula ang mukha ko at
iniwas ang tingin ko."Si Erika ba?" Tanong niya.
Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.
Sinabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan
at sinamahan pa ng pagkidlat.Tumingin ako sa kanya.
"Niloloko ka lang nya.. Hanggang ngayon sila
pa rin ng boyfriend nya. Ginagamit ka lang
niya.." Sabi ko."Alam ko.." Maiksing sagot niya.
Natulala ako sa sinabi niya. Alam daw niya??
"Alam mo naman pala e!! Bakit tuloy ka parin
sa relasyon nyo kung alam mo naman palang
may Mali?!" Inis na sabi ko."Kasi nga mahal ko sya" -Jimin
"Baliw ka talaga!!!"
"Lahat naman tayo nagiging baliw sa pag-ibig
kapag mahal mo ang tao, diba? Pero syempre,
darating din ang araw na masasagad ka na at
bibitaw sa kanya.." -JiminTagos sa puso ko ang sinabi niya kaya
napahinahon ako.."Sino ba si Erika sa buhay mo?"
"Kababata ko. Sabay kaming lumaki sa bahay
ampunan. Nangako ako na babaguhin ko ang
buhay niya. Hinayaan ko siyang makuha ang
pangarap niya dahil sa huli magpapakasal
kami. Kaso.." -Jimin"Naghanap siya ng iba at iniwan ka niya.."
Ngiting bahagya lang ang isinagot niya sakin..
"Hindi ka ba napapagod? Na magbulag-
bulagan sa pagmamahal mo kay Erika?""Hindi. Hanggang sa dumating ang limitasyon
ko.." -JiminNapabuntung hininga na lang ako dahil sa
sinabi nya. Nakaramdam ako ng lungkot kaya
tumingala na lang ako sa kalangitan."Ang swerte naman nya.." Mahinang sambit ko
habang nakatingin parin sa kalangitan..................
J𝐢𝐦𝐢𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
Rinig ko iyon habang abala siyang nakatingin
sa kalangitan.Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi
ko maintindihan kung bakit napakabilis ng
pagtibok ng puso ko.Muli akong napatingin sa napakagandang
niyang mukha. Tahimik ko siyang
pinagmasdan."Paano kung ako ang una mong nakilala bago
si Erika? Posible kayang.. Magkagusto ka
sakin..?" Tanong niya. -LicaNapahawak ako bigla sa dibdib ko. Kakaiba na
to.. Bakit ganito ang tanong niya?Napansin niya na nakatitig ako sa kanya. Dali-
dali siyang tumayo at iniba ang usapan."Naku, humina na pala ang ulan. Pwede na
tayong umuwi sa mansyon" sabi niya.Agad siyang tumalikod sakin para simulan ang
paghakbang.Ngunit napahinto siya ng marinig niya ang
sinabi ko."Sana nga. Sana nga ikaw na lang ang una
kong nakilala.."Nanatiling nakatalikod si Lica. Hindi siya
lumingon. Naramdaman na lang niya ang
paghawak ko sa kamay niya.Tumingin siya sakin.
" umuwi na tayo.." Nakangiting sabi ko.
At sabay kaming bumalik sa mansyon..
BINABASA MO ANG
𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡
Teen FictionCOMPLETED✔️ When you're different, sometimes you don't see the millions of people who accept you for what you are. All you notice is the person who doesn't. In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path yo...