𝐉𝐢𝐦𝐚𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Ang boring sa room. 2 days palang kami,
nauumay na ako. Gusto ko na makita sina
lolo-Papa, lola-Mama at si Lola at lolo ko sa
tuhod. Miss ko na ang mansyon namin. Ayoko
talagang nagbabyahe, lagi ako nasusuka -___-"Jimaica, si Papa oh" sabi ng twin ko at may
sinisilip sa pinto.Sumilip din ako. Totoo nga, si Papa nga yon.
Pero sino yung girl?"Mauna na ako sayo Jin. Kita na lang tayo sa
mansyon" sabi ng girl at ni-kiss nya sa lips si
papa. Niloloko nya si Mama?"Papa.." Mahinang tawag ni Jimlie.
Lumingon samin si papa. At nakita nya kami.
Iniwas nya ang tingin nya samin at muling
pumasok sa room nya. Hindi nya kami
pinansin?Tumakbo si Jimlie sa pinto ng room ng papa
namin at umiiyak habang pinupukpok ang pinto
ni Papa. Sumunod ako sa twin ko. Wala kasi
si Mama kasi may kakausapin daw sya.Bumukas ang pinto at nakita namin si Papa.
Ang gwapo talaga ng papa namin at
matangkad pa. Bagay talaga sila ni Mama^^."Bakit kayo nandito?" Sabi nya at umupo sa
harap namin.Yumakap sa kanya si Jimlie.
"Nasaan ba ang Mama nyo.?" Tanong nya ulit.
"May kakausapin lang daw po si Mama. Bakit
po nakahiwalay kayo ng room samin, papa?"Napangiti bigla si papa. Maganda ngumiti si
Papa^^ katulad din ni Mama."Hindi ako ang Papa nyo. Si Yeol ang papa
nyo.." Sabi ni papa."Hindi namin sya papa. Kaibigan sya ni Mama.
Ikaw ang papa namin sabi ni mama." Sabi ko.Nawala ang ngiti sa mukha nya. Parang
nabigla ata sya sa sinabi ko."Sabi ng Mama nyo? Ako ang Papa nyo?"
"Opo. Sabi ni Mama, siguradong matutuwa ka
pag nalaman mo na anak mo kami^^" sabi ni
Jimlie."Anong pangalan nyo?" Tanong ni papa.
Sasagutin palang namin ang tanong ni papa ng
biglang dumating si Mama."Baby! Anong ginagawa nyo dyan?" Sabi ni
Mama at hinawakan kami ni jimlie sa kamay
namin.Humarap si Mama Kay papa.
"Pasensya na sa istorbo ng mga anak ko.."
Sabi ni Mama at pinapasok na kami sa loob
ng kwarto."Lica, may dapat ba akong malaman?" Tanong
ni papa kay mama."Wa-wala." Sabi ni mama at iniwas ang tingin
mula kay Papa.Nagtataka tuloy ako sa kanila. Magkaaway ba
sila? Paano na kami ni Jimlie kapag
nagkahiwalay sila?...............................
𝐉𝐢𝐦𝐢𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nagtataka na talaga ako sa mga batang yun.
Papa talaga ang tawag nila sakin. Ang sabi pa
ng mga bata na matutuwa daw ako kapag
nalaman kong anak ko sila.Bigla akong kinabahan. Alam kong may
nangyari samin ni Lica noon pero kung
magbubunga man yun, bakit hindi ko alam?
Nilinaw sakin ni Yeol ang tungkol doon.
Kaharap ko pa si Lica kanina pero wala naman
syang sinasabi sakin.Naguguluhan ako dahil sa mga bata.
Pakiramdam ko may dapat akong malaman
tungkol sa mga batang yun at kay Lica......................
𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"H'wag na kayong lalapit pa sa lalakeng yun
ah? Jimaica, jimlie! Makinig kayo kay Mama."
Payo ko sa mga baby ko."Bakit naman po? Si Papa naman yon. Bakit
mo kami nilalayo kay papa, mama?" Tanong ni
Jimaica." kasi.. May ibang pamilya na si Papa. Hindi
na tayo ang una sa priority nya. Magkakaroon
na sya ng ibang pamilya.."
."Ayoko,mama. Gusto ko makasama si Papa!!"
sabi ni JimlieHays.. Ang hirap nito..
BINABASA MO ANG
𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡
Teen FictionCOMPLETED✔️ When you're different, sometimes you don't see the millions of people who accept you for what you are. All you notice is the person who doesn't. In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path yo...