CHAPTER_45

3 0 0
                                    

𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Lumabas ako ng room. Mag-oorder na lang
ako ng pagkain namin.

Nakita ko Jimin na nakatayo sa harap ng pinto
nya. Naglakad ako, nagpanggap ako na di ko
sya nakikita. Ayan na.. Nakalagpas na ako sa
kanya. Nang bigla nya akong hatakin sa kamay
ko papunta sa kanya. Nagkatinginan kaming
dalawa.

"Lica.. Alam kong may dapat akong malaman
sayo pati sa mga bata.." Seryosong sabi nya.

Nakaramdam ako ng kaba. Sasabihin ko na
ba? Paano kung masira ko ang relasyon nila
ng Fiancé niya?

"Mag-usap tayo sa loob.." Sabi nya ulit.
Pumayag na lang ako.

Nasa loob na kami ng room nya. Nakatayo
lang kami.

"Tungkol sa kambal. Tinatawag nila akong
Papa. Magtapat ka sakin, ako ba ang ama ng
dinadala mo noon at Hindi hindi Yeol? Anak ko
ba sila?" Tanong ni Jimin sakin.

Muli akong napatingin sa kanya. Hindi ko na
napigilang lumuha sa harap nya.

"Oo..anak natin sila.."

Lumabas na ang katotohanan sa bibig ko.
Matagal ko ng gustong sabihin ito para
bumalik ka na sakin...

Hinawakan nya ako sa magkabilaang balikat at
hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ito? Bakit hindi
mo ito ipinaalam sakin noon?!" Galit sya.

"Sinabi ko.. Pero ayaw mo akong kausap.
Nagmakaawa ako sa babaeng kasama nyo na
makausap ka at sabihing buntis ako pero
binabaan nya ako ng phone.." Umagos na ang
mga luha ko. Pati sya.. Umiiyak sya..

Niyakap nya ako..

"Hindi ko alam..." Sabi nya at mas humigpit
pa ang yakap nito.

Humarap sya akin at hinalikan ako..nabigla ako
sa ginawa nya. Anong ibig sabihin ng halik na
ito?

Namiss ko ang halik na to kaya gumanti rin
ako ng halik habang tuloy sa pag-agos ng mga
luha namin. Bakit nangyari samin ito?

Natigil ako ng maalala ko ang Fiance niya.
Mali ito. Dahil may iba na syang karelasyon.

"Jimin, mali to.. May Fiance ka na.. Mali
nato.." Iniwas ko ang tingin ko at palabas na
ng room nya. Narinig kong magsalita sya....

"Hintayin mo lang ako.. Babalik ako sainyo ng
mga anak natin...."

Anong ibig nyang sabihin?

𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon