CHAPTER_12

4 2 0
                                    

Nakatulala lang ako kay Jimin. Pilit kong
inaalala ang mga nangyari sa party. Nagtataka
naman siya kung bakit ganito ko na lang siya
tingnan.

"Jimin? Ma--" naputol ang sasabihin ko ng
hawakan ako sa braso ni Yeol at hilain palayo
mula sa pagkakahawak ni Jimin. Subalit hindi
bumitaw si Jimin sa pagkakahawak sakin.

"Bitawan mo si Lica! Wala kang karapatan na
hawakan sya!" Galit na sabi ni Yeol at hinihila
ako papunta sa kanya.

"Paano kung ayoko?" Sagot ni Jimin at hinila
muli ako pabalik sa kanya.

Tila mga bata kung maghilaan ang dalawang
to. Na nag-aagawan para sa isang bagay.

"A-aray ko! Bitawan nyo nga ako! Nasasaktan
ako sa ginagawa nyo!" Sabi ko.

Bumitaw si jimin sa pagkakahawak nito sakin
ng makitang nasasaktan na ako.

"Umalis na tayo,Lica." At agad ako hinila
papalayo ni yeol.

.

.

.

Student's building,

"Bitawan mo nga ako!" Kumawala ako sa
pagkakahawak ni Yeol.

"Hwag ka ng lalapit pa sa Maid Guy na iyon.
Sasaktan ka lang nun. Tignan mo ginawa nya
sakin!" -Yeol

"Kasalanan mo kasi. Kilala kita. Baka may
mga sinabi kang masama tungkol sa kanya!
Kaya kung pwede, wag mo na siyang
guguluhin!"

"Paano ako mananahimik kung may gusto ang
fiance ko sa Maid Guy na yon?! Hindi ako
manhid, Lica. Alam kong may gusto ka sa
kanya! At natatakot ako na baka may gusto din
siya sayo at kunin ka niya sàkin!" -Yeol

Nabigla ako sa mga sinabi ni Yeol. Ngayon ko
lang nakitang maging emosyonal ito. Nilapitan
ko siya hinawakan sa braso.

"Yeol, wala ka naman dapat ipag-alala e.
Kasi.."nahinto ako at napaisip sa sasabihin ko.

"Lica, bumalik ako para sayo dahil seryoso ako
sayo.. Sumama ka na sakin at magpakasal na
tayo." -Yeol

"Bigyan mo ako ng panahon na sagutin yan..
May gusto lang akong alamin sa ngayon."

........

𝐉𝐢𝐦𝐢𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Ilang oras ang lumipas..

Natapos din ako sa mga gawain ko. Sumilong
muna ako malaking puno at doon nagpahinga.
Pinagmasdan ko ang ganda ng mga ulap sa
kalangitan.

"Kahit ang panahon, pabago-bago din.." at
sinimulang kong ipikit ang mga mata ko para
makapagpahinga na.

"Jimin.." -lica

Napatingin ako sa dalagang nakatayo sa
harapan ko. Agad akong napabangon.

"Anong ginagawa mo dito? Baka magalit si
Yeol kapag nakita niyang magkasama tayo.."

Umupo sa tabi ko si Lica at sumandal din sa
puno.

"Hindi siya magagalit.." -lica

"Kung ganun, bakit ka pumunta dito?"

Tumingin si Lica sa mga mata ko.

"Jimin.. May nangyari ba satin nung gabi sa
party?" Mahinahong tanong nya.

"Hah?"

"Nung madulas ako kanina, bigla kong naalala
yung ibang ginawa ko. Pati yung.."
Namula
ang mukha niya at hindi magawang maituloy
ang sasabihin nito dahil sa hiya.

"Yung ginawa natin.." Dugtong ko sa sinabi
niya.

"Talaga bang nagawa natin yon? Nasuko ko ba
lahat?" -lica

Malapit ng tumulo ang mga luha niya kaya
diko maiwasang mapangiti.

"Ano ba ang naramdaman mo sa katawan mo
nung araw na yon? Pakiramdam mo ba may
nawala sayo?"tanong ko.

"Naramdaman ko? Masakit lang ang katawan
at ulo ko-" naputol ang sasabihin nito ng
hawakan siya sa pisngi niya.

"Wala akong kinuha sa pagkatao mo.. Dahil
nirerespeto kita.." Sabi ko parang nahiya ako
sa sinabi ko.

Muli siyang nagtanong.

"Ano bang nangyare? Bakit iba na ang suot ko
non?"

"Nakatulog ka nun. Dahil basa ang damit mo,
pinalitan ko."

"Whuatt?!!" -lica

"Walang malisya yon. Nag-alala lang ako
sayo.."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Yeol. Fiancé
daw niya si Lica.

"Lica, may tanong ako sayo."

"Ano yon?" -lica

"Fiancé ka ba talaga ni Yeol? Mahal mo ba
siya?"

"Ewan ko.. Magulang ko lang ang may gusto
nito. Mahal ko siya noon pero hindi na ngayon.
Ikaw? Kamusta na kayo ni Erika?"

"Hiwalay na kami nung sa outing pa bago tayo
bumalik dito sa academy."

Natahimik siya ng matagal. Baka inaantok na
siya na kausapin ako. Naalala kong may
gagawin pa ako.

"Jimin.. " sambit niya at napatitig ako sa
kanya.

"Gu-gusto kita.. Nahihirapan na kasi akong
itago to e. Ma-May nararamdaman ka din ba
para sakin?"

Nagtapat ulit siya ng nararamdaman niya para
sakin?

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang
sagot ko sa tanong niya.

Pero, nakaramdam ako ng saya dahil don.

Ngumiti ako at lumapit ako sa kanya.
Hinawakan ko ang pisngi nya at pati ang
bewang niya para ilapit sakin ng husto.
Hinalikan ko siya sa labi tanda ng pagsagot
ko sa katanungan niya..

𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon