𝐉𝐢𝐦𝐢𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nandito naulit ako sa mansyon ni Lica.
Lumapit ako kay manong Guard at inabot ko
ulit ang sulat ko. Kinuha niya ito.Hindi ako
titigil sa kakasulat hanggang sa mabasa nya
to. Kung ayaw nya akong kausapin ng harap-
harapan, baka ang sulat ko magawa pa nyang
basahin."May sulat ka nga pala dito. Ibigay ko daw
sayo." Sabi ni manong.Kay Lica kaya galing yon? Nabasa na kaya
nya? Ibig sabihin, alam na nyang wala akong
ginagawang mali.Lumapit ako kay manong para kunin ang sulat
ko. Sa sobre palang nabasa ko na agad ang
pangalan ni Lica. Nagmamadali akong buksan
ito para basahin.["JIMIN,
𝗛'𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗢 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗨𝗛𝗜𝗡 𝗣𝗔. 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦
𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗧𝗜𝗡. 𝗜𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗢.
𝗣𝗨𝗠𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗢𝗞 𝗡𝗜 𝗬𝗘𝗢𝗟.
𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘., 𝗪𝗔𝗚 𝗞𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗣𝗔
𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡.LICA"]
pakiramdam ko, para akong binuhusan ng
malamig na tubig sa kinatatayuan ko.Heartbroken. Ansakit nito. Nablangko ang utak
ko habang nakatingin sa sulat ni Lica.Hinawakan na ako ni manong.
"Ayos ka lang? Bakit umiiyak ka?" Tanong nya.
Umiiyak? Ako?
Hinawakan ko ang mukha ko. Basa. Tama
nga, umiiyak nga ako..Wala na akong aasahan. Ito na kaya ang oras
para sumuko ako? Hindi ko na nagawang
sagutin ang tanong ni manong. Nagsimula na
akong maglakad pauwi sa bahay namin.
Wala akong marinig na ingay sa paligid. Tuloy
lang ako sa paglalakad. Tulala pa din ako
habang hawak ko ang sulat ni Lica.
Pakiramdam ko, hindi na ako ito. Wala ako sa
sarili ko..Patawid na ako ng makita ko ang isang
magarang kotse na papalapit sa kinatatayuan
ko. Nakatingin lang ako dun. Hindi ko
magawang makaalis sa kinatatayuan ko..BUGGSHHH!!!!!
tumalsik ako ng mabunggo ako. Nahilo ako
don. Nakita kong may bumaba sa kotse na
isang babae at lumapit sakin para tulungan
akong tumayo."Ok ka lang ba? Ang mabuti pa dalhin ka na
namin sa hospital." Sabi ng babae na medyo
may edad na. Ang ganda nya kahit may edad
na sya.Ewan ko ba, bakit magaang ang loob ko sa
kanya. Bumaba din mula sa kotse ang isang
lalake. May edad na din. Siguro asawa sya ng
babae. Galit sya at hinatak ang damit ko."May balak ka bang magpakamatay?!" Sabi
nung lalake.Inawat sya ng babae. Hindi pa din ako
makapagsalita. May masakit sa katawan ko
lalo na ang puso ko. Masakit!Hawak pa din ako ng lalake sa damit
ko.humingi ako ng sorry."Sorry po"
Ako na nga ang nabundol, ako pa din ang
dapat humingi ng sorry.Tinulak ako sa tabi ng lalake at muli akong
napaupo sa sahig."Sa susunod mag-ingat ka!! Kung gusto mong
magpakamatay,h'wag kang mandamay!!" Sigaw
nya at muling pumasok sa kotse nya."Pasensya ka na sa nagawa ng asawa ko.
Nawalan kasi kami ng anak kaya tumatanda
syang galit sa mundo.."sabi ng babae.Lumapit sya sakin at may inabot sa kamay ko.
Pera at calling card?"Pag kailangan mo ng tulong, tawagan mo
lang yan. Pasensya na ulit"Ambait nya. Bakit kaya ganito ang
pakiramdam ko? Magaang ang loob ko sa
kanya. Pakiramdam ko nakita ko na sya."Pumasok ka na sa kotse. May meeting pa
tayo!" sigaw ulit ng lalake.Muling sumakay ang babae sa kotse at umalis
na. Binasa ko ang calling card."Azalea del grey..?"
Hindi ako makapaniwala na makakakilala ako
ng napakayaman na tao. Kaya pala kakaiba
ang pakiramdam ko. Dahil pangalawa ang
pamilya nila sa pinakamayaman.Tumayo na ako at naramdaman ko nanaman
ang sakit sa katawan ko. Nabalian ata ako sa
tagiliran ko. Ansakit ! Pero wala pa rin tatalo
sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko..Umuwi ako samin. Kunwari walang nangyari.
Tapos na pala ang 1 week na pagleave ko sa
trabaho. Tikom pa din ang bibig ko sa
hiwalayan namin ni Lica. Kaso, halata ni Nanay
na may problema ako."Anak, alam ko may problema ka. Ikwento mo
sakin para gumaang ang loob mo."May point din si Nanay. Parang sasabog na
ang puso ko sa kakatago ng sakit nato.
Tumingin ako kay Nanay."Hiwalay na po kami ni Lica. Tama po kayo
noon. Dapat matagal ko ng tinapos ang
relasyon namin. Dahil sa huli, ako ang talunan.
Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako
ngayon..""Anak, wala kang kasalanan. Mapagmahal ka
lang talaga. Darating din ang araw na
makakalimutan mo din sya.."Ngumiti ako kay nanay.
"Sana nga po. Simula ngayon, kayo na ang
uunahin ko. Makakasama nyo na ako..""Hah? Anong ibig mong sabihin,anak?"
"Magreresign na ako sa pagiging Maid Guy.."
Buo na ang desisyon ko..
BINABASA MO ANG
𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡
Teen FictionCOMPLETED✔️ When you're different, sometimes you don't see the millions of people who accept you for what you are. All you notice is the person who doesn't. In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path yo...