𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Ayoko pang gumising. Ang ganda ng
panaginip ko e. Yakap ko daw si Jimin? Ih!!!
Kinikilig ako!! Kaso nakakahiya kung huli ako
magising. Dapat ang babae ang mauunang
gumising sa umaga. Eto na,Isa.. Dalawa.. Kaso nakakatamad dumilat e.
Anlabot pa ng kayakap ko at tinatandayan ko.
Hmm? Teka lang, May tandayan ba ako sa
papag? Parang wala akong matandaan. OK!
Didilat na ako.Isa -_- , Dalawa -.- ..Tatlo o.o
"Whuahht?!!--" agad kong tinakpan ang bibig ko
nang pagdilat ko kaharap ko si Jimin! Hindi
pala panaginip yon?Omg!!! Sya ang kayakap-yakap at tanday-
tandayan ko? Paano ako napunta sa sahig?
Nahulog ba ako? Nahulog nga T_T !!!Nahinto ako ng bigla syang gumalaw at
napahigpit ang yakap sakin. Gosh!!! Namumula
na pisngi ko. Magkaharap lang kami.Napansin ko lang, ang cute nya din pala kahit
natutulog. Pinagmasdan ko lang sya
magdamag. Ang gwapo nya talaga. Mukha
syang anghel.. Naku! Lumalakas nanaman ang
kabog ng dibdib ko. Nag-iinit na ang pisngi
ko.Nararamdaman ko nanaman ang paggalaw ng
pagkakayakap nya sakin. Nagulat ako ng
yakapin nya ako ng husto papalapit sa kanya.
Nakadikit na ang mukha ko sa dibdib nya.
Feeling ata nito unan ako e.Gumalaw ako ng konti. Dahan-dahan lang at
baka magising ko sya. Ayan at nakaharap na
ulit ako sa mukha nya. Anlapit ko talaga sa
kanya. Mga 1 inch lang ang pagitan. Ang sarap
nyang pagmasdan habang natutulog sya.
Parang ayokong matapos ang oras nato.."Sana bumagal ang oras habang kasama
kita..." Bulong ko sa harap nya.Natulala ako sa kanya ng dumilat sya at
tumingin sa mata ko. Whuah!!!! Kanina pa ba
sya gising?! Nakakahiya! Gusto kong matunaw
sa harap nya. Malay ko bang gising sya!!!Napangiti sya sakin habang ako tulala pa din.
Pumikit ako kasi nahiya ako sa sinabi ko e.
Siguro Alam nyang pinagmamasdan ko sya
kanina pa. ih!! Kahiya talaga!!Napadilat ako ng maramdaman kong hinalikan
nya ako sa noo ko. Napatingin ako sa kanya
habang nakahiga pa din kami.. Nakangiti sya
sakin..Hinawakan nya ako sa pisngi ko. Nakatulala
pa din ako sa kanya. Napansin kong nagtataka
na sya kaya napabangon ako. Hindi ako
makatingin e.Bumangon rin sya at tinanong ako.
"May problema ba?" -jimin
Naku wala! Puso ko may problema e. Lakas
ng tama sayo T_T.Hinawakan nya ako muli sa pisngi ko at
iniharap sa kanya. Lumapit sya sakin at dinikit
ang noo nya sa noo ko sabay bumulong."Ako rin.. Sana bumagal ang oras habang
kasama kita.."Oh my!! Kung nakamamatay lang ang kilig,
siguro kanina pa ako namatay. Ano ba, jimin!
Di ko na nga Alam ang gagawin ko pag
kaharap kita -////- tapos ganyan ka pa
magsalita!!!Maya ay tumayo na sya.
"Mauna ka ng maligo. Kakain muna tayo bago
umalis.." Sabi nito at lumabas na ng kwarto.Agad akong naligo para makaligo na din sya.
Nagsuot agad ako ng damit at palabas na ng
pinto. Pagkabukas ko, nakita ko syang
naghuhubad ng damit. Half naked na sya.
Humarap sya sakin na ganun ang itsura nya.
Napatingin ako sa katawan nya.ih!! may Abs
sya. Nanlaki mata ko don ah? Ngayon ko lang
natitigan este, napansin to e. Lumapit sya
sakin habang ako naman paatras. Bakit kasi
ngayon pa ako nakaramdam ng ilang sa
kanya. Napasandal ako sa pader ng banyo at
nacorner nya ako. Hinawakan nya ako sa ulo
ko. At ngumiti sya.
BINABASA MO ANG
𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡
Teen FictionCOMPLETED✔️ When you're different, sometimes you don't see the millions of people who accept you for what you are. All you notice is the person who doesn't. In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path yo...