𝐉𝐢𝐦𝐢𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nabigla ako ng sampalin ako ni Lica. Ito ang
unang beses na ginawa nya sakin ito. Humarap
ako sa kanya at nakita kong walang tigil ang
pag-agos ng mga luha sa mukha nya. Ibig
sabihin nasasaktan sya. Pinilit kong lumapit
pero tinutulak nya ako palayo. Tinalikuran nya
ako pero hinawakan ko sya sa braso para
yakapin sya ng mahigpit."Please Lica.. Makinig ka sakin. Wala akong
ginagawang masama." Sabi ko pero
nagpupumiglas sya sa pagkakayakap ko."Bitawan mo ko!! Ayokong maniwala sayo!
Niloko mo ko!" Sigaw nya."Please.. Huminahon ka. Makinig ka sàkin.
Ayokong kamuhian mo ako dahil sa maling
akala. Hindi kita niloko."Nagsipagdatingan ang mga studyante at
pinaghiwalay kami ni Lica. Hinaharangan nila
ako. Ayaw nila akong makalapit kay Lica.
Tumakbo palayo si Lica. Inalis ko ang mga
kamay ng mga studyante na humaharang sa
dadaanan ko. Hinabol ko si Lica. Hindi ko
pwedeng palipasin ang araw na ito na hindi
kami nagkakaayos na dalawa.Kinakabahan na ako. Ayokong magkahiwalay
kami ni Lica.. Mahal ko sya..Nandito ako sa pinto ng kwarto nya.
Kinalampag ko ito at tinatawag ang pangalan
nya."Lica, mag-usap tayo.. Magpapaliwanag ako.
Lumabas ka na. kausapin mo ako.." Sigaw ko
pero ayaw nya akong pagbuksan............
𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Ansakit. Ansakit ng nararamdaman ko. Nang
makita kong hawak ni Jimin ang wrist ni
Yeona pati ang pagkakahalik nya, parang
nawasak ang puso ko. Bakit? Ano ba ang
kulang sakin at bakit di ka nakontento? Kaya
pati kaibigan ko ginusto mo."Lica, mag-usap tayo" sigaw nya at ayaw pa
din tumigil sa pagkalampag sa pinto ko.Ayokong makinig! Sapat na ang nakita ko.
Galit ako sayo! Umalis ka na!Umiyak lang ako magdamag sa kama ko
habang si jimin ay nasa labas pa din."Lica..lumabas ka na. Mag-usap tayo. Bigyan
mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag
sayo.." Sabi nya.Samantala ako, lutang ang isip ko habang
nakatingin sa kisame ng kwarto ko.Niloko mo ako, Jimin. Antanga ko na mahulog
sa katulad mo. Ayoko nang makita pa.
Masasaktan lang ako..At muli ko nanamang naramdaman ang init ng
mga luha ko.."Magda-drop na ako dito.." Bulong ko
hanggang sa nakatulog na ako..............
𝐉𝐢𝐦𝐢𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Hindi nya ako pinagbuksan. Malalim nadin ang
gabi para gambalain pa si Lica. Natatakot
akong mawala si Lica pero pakiramdam ko
malapit na syang mawala sakin..Nasasaktan ako pagnakikita ko syang umiiyak.
Pero umaasa akong magkakaayos pa kami.Bumalik na ako sa kwarto ko. Nahiga ako pero
di ako makatulog. Aagahan ko ang gising para
makipag-ayos sa kanya.KINAUMAGAHAN.,
Maaga akong gumising at nag-ayos.
Sisiguraduhin kong magkaka-ayos na kami ni
Lica sa araw na into. Papunta na ako sa
building ng mga studyante.May nakita akong itim na kotse. Naghahakot
sila ng gamit. Nakita ko si Lica na lumabas sa
building ng mga studyante at pumunta sa
magandang kotse. Pinagbuksan sya ng body
guard nya. May balak ba syang umalis? Bakit
pa?Bago pa sya makapasok, tinawag ko sya.
"Lica!!"
Napalingon sya sakin pero matamlay na
ekspresyon ang pinakita nya sakin."Bakit?" Malamig ang tanong nya sakin.
"Saan ka pupunta? Kailangan pa nating mag-
usap. Aayusin pa natin ang relasyon natin."
Sabi ko at humarap sya sakin. At tinignan ang
kabuohan ko bago muling tumingin sa mga
mata ko.Parang may nagbago sa kanya. Parang
bumalik sya sa dati nyang ugali.. Wag naman
sana.."Wala na tayong dapat na pag-usapan pa.
Isang pagkakamali na mahulog ang loob ko sa
isang maid guy na kagaya mo." Sabi nya.Hindi totoo ang mga sinabi nya. Nadadala
lang sya ng galit niya. Niyakap ko sya pero sa
pagkakataong ito, hindi sya nanlaban. Muli
syang nagsalita."Hindi ako nababagay sayo. Jimin, break na
tayo.."Natulala ako sa sinabi nya. Pinaghiwalay kami
ng body guard nya at sumakay na sya sa
kotse nya. Samantala ako, lutang pa din ang
isip ko dahil sa sinabi nya hanggang sa
maramdaman kong umagos sa mukha ko ang
luha ko."Ang sabi mo, hindi mo hahayaang umiyak ako
sa pangalawang pagkakataon dahil sa babae.
Pero sa pangalawang pagkakataon na ito,
umiiyak ako ngayon dahil sayo.. Lica.."
BINABASA MO ANG
𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡
Fiksi RemajaCOMPLETED✔️ When you're different, sometimes you don't see the millions of people who accept you for what you are. All you notice is the person who doesn't. In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path yo...