CHAPTER_30

2 1 0
                                    

Lumabas na din ako ng Del Grey Company at
umupo sa gilid ng parking area. Nag-aalangan
pa akong umuwi dahil diko pa alam kung
paano sasabihin kay Lica na hindi ako
natanggap. Hindi ko pa nasagot ang tawag
nya kanina dahil kausap ko si Yeol ng mga
oras na yun. Nakakatamad ang tumambay
dito.

Napatingin ako sa tatlong lalaki na
nakatambay din sa isang kotse. Antotoo nyan,
kanina pa sila dun e.

Biglang nag vibrate ang phone ko. Tumatawag
ulit si Lica. Ngayon, dapat ko na itong sagutin.

"Hello, Lica. Bakit napatawag ka?"

"Nangangamusta lang sa mahal ko^^. Kamusta
ang pag-apply mo? Nakapasa ka ba?" -lica

"Ang totoo, hindi ako natanggap."

"Pero bakit? Anong nangyari?" -lica

"Napag-initan lang ng Boss. Hahaha" sabi ko
para hindi na mapag-usapan pa.

"Ganun ba? Anong plano mo ngayon?" -lica

"Maghahanap na lang ulit. Kung hindi ako
sinwerte dito, baka sa iba palarin na ako"

Biglang natahimik si Lica sa kabilag linya.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nya. May
problema sya at nililihim nya lang ito sakin.

"Lica, may problema ba?" Tanong ko.

"Oo e. Malaki.. Pupunta na lang ako sa inyo
mamaya. Tatawag ako ulit. Bye muna. I love
you Jimin.."

"Sige. Hihintayin ko ang tawag mo. I love you
din, Lica.."

At naputol na ang linya. Parang alam ko na
ang problema nya. Ang kasal nila ni Yeol.

Tumayo na ako. Ready na ako para umuwi.
Ang konti ng mga tao dito sa paligid.
Nandoon pa din yung tatlong lalaki. Diba sila
napapagod tumayo at tumambay? Hayss..
Makaalis na nga.

Napalingon ako ng mahagip ng paningin ko
yung Boss ng Del Grey Company kasama ang
bodyguard nya. Patungo sila sa kotse na
kinatatayuan ng tatlong lalaki. Bodyguard din
nya siguro yon.

"Iba na talaga pag mayaman. Lahat nakukuha
ang gusto.." Sabi ko at sinimulan ko na ang
paglalakad.

"SINO KAYO?!! ANONG KAILANGAN NYO?!!!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko
yon. May masamang nangyayari.

Nilingon ko sila at nakita kong nakasandal sa
kotse yung Boss at napapalibutan ng tatlong
kalalakihan habang bagsak sa lupa ang
bodyguard nito.

Akala ko bodyguard din nya ang tatlong lalake
na 'yon?

Muli ko silang tinalikuran. Ayokong makielam.
Uuwi na ako. Isa pa, binagsak nya ako kaya
wala akong trabaho ngayon. May ibang
tutulong naman sa kanya d'yan.

"SINO NGA KAYO?!! BITAWAN NYO AKO?!!"

"TUMAHIMIK KA TANDA!! TATAMAAN KA ULIT
SAMIN!!"

rinig ko pa din ang pinag-uusapan nila. Pati
ang malakas na pagkalampag ng kotse. Muli
akong napalingon sa dereksyon nila. Duguan
na ang bibig ng Boss. Hindi na maganda to.
Ansama nila!!

Huminga ako ng malalim. At muling tumingin
sa kanila.

"Bahala na. Kailangan ko syang tulungan!"

Lumapit ako sa tatlong kumag nato.
Hinawakan ko sa balikat ang isa para humarap
sakin. Agad ko syang sinuntok. Ganun din sa
dalawa.

Kahit mabait ako, hindi pa din ako pahuhuli sa
bakbakan.

Pero dahil sa tatlo sila, nakakalusot pa rin ang
ganti nila.

Nasipa ako ng isa sa tiyan ko kaya napasandal
ako sa may kotse. Napatingin tuloy ako kay
Boss. Ganun din sya at nakatingin sakin.

Nakita kong papalapit ang suntok ng isang
lalake sakin. Agad akong yumuko at nabasag
ang bintana ng kotse ni Boss.

"Naku, sorry Boss ah. Sya ang may kasalanan
at hindi ako." Sabi ko.

Lugi talaga ako e. Tatlo laban sa isa?

Lumapit sakin ang isa at muling
nakibugbugan. Andaya pa ng pangalawa at
binato sakin mga bubog kaya napahawak ako
sa mata ko.

Pwersahan akong niyakap ng pangatlong lalaki
at napasandal kami sa kotse.

Naramdaman ko na lang ang pagbaon ng
matulis na bagay sa tiyan ko. Hindi lang isa,
kundi dalawa. Binitawan nya ako habang
nakahawak ako sa duguang tiyan ko.
Napatingin ako sa lalaking sumaksak sakin
habang hawak pa din nya ang duguang patalim
na ginamit sakin.

Napaluhod ako sa lupa dahil sa sakit ng tama
sakin.

Umatras ang tatlong lalaki ng mapansin ang
unti-unting pagdami ng mga tao.

Nakararamdam na ako ng hilo at pagdidilim ng
paningin hanggang sa bumagsak na ang buo
kong katawan sa lupa. Anskit ng tama
ko..namimilipit na ako sa sakit. Andaming
dugo ang nawawala sakin.

Lumapit sakin ang Boss. May sinasabi sya
pero diko na sya marinig.

"H'wag kang matutulog! Panatilihin mong
gising ang sarili mo!!"

Hindi ko talaga sya marinig. Hanggang sa ma-
blackout na ako..

...........

𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐉𝐚𝐫𝐮𝐳'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Agad naming dinala ang binata sa hospital.

Nawalan na ng malay ito at patuloy ang
pagdurugo ng sugat nito. Ipinasok agad ito sa
emergency room.

Maya ay lumabas ang doctor at nagtanong.

"Kayo po ba ang ama ng pasyente?"

Ama? Ako? Bigla kong naalala ang anak ko.
Kaya...

"Oo. Ako nga. Anong problema doc?"

"Kailangan namin ng dugo na ka-match ng sa
anak nyo."

"Ano po ba ang type ng dugo nya?"

"Type AB"

"Tamang-tama. Type AB ako. Ako na lang ang
kuhaan nyo.." Sagot ko.

𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon