CHAPTER_9

6 4 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na nagkahalikan
kami. Lalo na ng magtapat siya ng
nararamdaman nito para sakin. Siya ang
naging dahilan kung bakit napakabilis ng
pagtibok ng puso ko ngayon. napuno ng
pagtataka ang isip ko..

Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat
niya para ilayo ito sa pagkakahalik sakin.
Muling nagtama ang aming paningin. Halata
ko na nadadala lang ng sobrang kalasingan si
Lica kaya kung anu-ano na lang ang nasasabi
at nagagawa nito.

Minabuti kong tumayo mula sa pagkakaupo sa
kama niya.

"Lasing ka lang Lica. Magpahinga ka muna.."

"Manhid ka nga talaga kahit sinabi kong mahal
kita..hik! Hik!" Sabi niya at nagsimulang
umiyak ng parang bata.

Lumapit ako para patahanin siya. pinunasan ko
ang mga luha niya. Bigla niya akong niyakap
na para bang ayaw na niya akong pakawalan
pa.

Bigla siyang nasuka sa damit niya pati sa
damit ko.

"Opss, I'm so sorry.. Hik!" -Lica

"Na-naman? -___-"

Pumunta kami sa banyo.

Patuloy na sumusuka si Lica sa toilet bowl.
Samantala, sinimulan ko ng tanggalin ang
pagkakabutones ng damit ko para haw-hawan
ito .

Napatingin siya sakin habang nagtatanggal ako
ng damit ko.

Napangiti siya at tila may kalokohan nanamang
naiisip.

Binuksan niya ang shower at nabasa ako.
Tumingin ako ng masama sa kanya. Siya
naman ay tawa ng tawa sa tabi. Sinubukang
niyang tumayo para puntahan ako. Pero
nadulas siya na agad ko namang naalalayan
bago pa tumama ang ulo niya sa sahig.

Napahiga kami sa sahig at muling
nagkatinginan habang nababasa kami ng tubig
galing sa shower.

Amoy sa hininga niya ang bango ng alak na
ininum niya. Pakiramdam ko para na din
akong nalalasing sa bango ng alak na
nagmumula sa kanya. Nakatitig lang siya sa
akin. Pinagmasdan ko naman ang mga mata
niya hanggang sa matuon ang atensyon ko sa
labi niya . Lumakas muli ang pagkabog ng
dibdib ko na di ko mawari kung bakit. Inilagay
niya ang dalawang kamay niya sa batok ko at
hinalikan ako sa labi ko. Sa pagkataong ito,
hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya at
gumanti sa pagkakahalik niya. Dahan-dahan
ang aming paghalik hanggang sa nadala na
kami sa init ng aming katawan at kalasingan..

Naglakbay ang kamay niya sa katawan ko at
isa-isang binuksan ang pagkakabutones ng
damit ko. Samantala, hawak ko ang bewang
niya at naglakbay ang kamay ko sa likuran niya
upang ibaba ang pagkaka-zipper ng dress
niya.

Patuloy kami sa pagpapalitan ng mga halik at
tila wala na kami sa aming mga sarili..

Hanggang sa matapos ang gabi..

............

𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Tinanghali ako ng gising .

"Aray ko, ang sakit ng ulo ko"

Tinanggal ko ang kumot ko. Nahinto ako ng
mapansin ko na wala akong panloob at
tanging manipis na white dress lang ang suot
ko.

"Bakit ganito? Saan ang mga damit ko? Anong
nangyari sakin kagabi?"

𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon