"Ok, akin na ang phone mo at ilalagay ko ang
number ko. Sempre yung number mo kukunin
ko din. Tatawagan kita pagkailangan na kita."
Sabi ni Yeona at inabot ko ang phone ko.Nahawakan nya ang kamay ko. Napansin atang
mainit ako."May lagnat ka pala.. Dahil ba yan sa
pagkakahulog mo sa pool?" Ngiting sabi nya."Hindi. Hindi to dahil don."
"I'm sorry.." Sabi nya at yumakap sakin.
Ano nanaman bang ginagawa nya? Inalis ko
sya sa pagkakayakap sakin."Ano bang ginagawa mo?"
"Mahal mo ba si Lica?" -Yeona
"Oo. Mahal na mahal.."
Bigla syang tumawa. May mali ba sa sinabi
ko?"Dahil sayo, hindi na nya pakakasalan ang
kapatid ko. Kaya nandito ako para
paghiwalayin kayo. Tandaan mo, selosa si
Lica. Mag-ingat kang magkamali sa harapan
nya.." -yeona"Hindi ako magkakamali. Hindi ko sya
lolokohin." Sabi ko at bigla nanaman sumakit
ang ulo ko.Pakiramdam ko, Baka dito pa ako ma-block-
out. Hindi pwede. Kailangan ko ng makaalis
dito at makapagpahinga. Hindi nato maganda."Magpahinga ka na. Ang init-init mo na kasi
e.. Tatawag na lang ako pag ok ka na." -YeonaPagkasabi nya nun, tinalikuran ko na sya at
muling lumabas. Babalik na ako sa kwarto ko
para makainom ng gamot. Sa daan,
nakasalubong ko si Lica."Jimin!!" Sabi nya at sabay yakap sakin.
Nagtaka sya at tumingin sakin.
"Ang init mo. May lagnat ka ba? Halika.
Kailangan magamot ka na." -licaHinawakan nya ako sa kamay ko para
pumunta kami sa clinic."Hindi na kailangan. Iinom lang ako ng gamot
at magpapahinga ng konti.""Kailangan kang magamot agad. Nag-aalala
ako para sayo.." -licaPumasok kami sa clinic. May nakaupong
doktora."Good morning po. May lagnat po kasi ang
boyfriend ko, pakitingin po para mabigyan na
po sya ng gamot." Sabi ni Lica.Nahiya ako nung pinakilala nya ako bilang
boyfriend nya.
Lumapit sakin ang doktora at
tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
Naiilang
at nahihiya tuloy ako kaya hindi ako
makatingin."Pakitanggal ang maskara mo" sabi ni doc.
Dali-dali ko namang sinunod ang utos
nya.Hinawakan ako ni doktora sa noo at leeg."Sobrang taas ng lagnat mo. Buti nakakaya mo
pang maglakad? Nahihilo ka ba?" -Doc"Opo"
Binigay sakin ni doktora ang gamot na iinumin
ko. Pagkatapos kong inumin, pinagpahinga
nya muna ako sa bakanteng kama."Salamat po" sabi ko.
Nahiga na ako. Napatingin ako kay Lica ng
hawakan nya ang kamay ko."Pagaling ka.." -lica
"Salamat, Lica.."
"Wala yun. Normal lang mag-alala ang
girlfriend sa kanyang boyfriend^^" Sabi nito at
ngumiti.Matagal ang pagkakatitig ko kay Lica. Naalala
ko kasi ang sinabi ni Yeona na may
pagkaselosa si Lica."Lica, may tanong ako."
"Ano yon?" -lica
"Totoo bang selosa ka?"
"Ah? A-e.. Oo naman. Kung pagmamay-ari ko
naman, may karapatan akong magselos noh.
Eh bakit mo naitanong?" -lica"Wa-wala naman"
Totoo palang selosa sya. Hindi dapat ako
magkamali lalo na sa harapan nya. Ayokong
dahil sa selos, mawala sya sakin."Tabi tayo. Sasamahan kitang matulog dito.
Buti malaki ang kama nila. Kasya tayo^^" sabi
nya at humiga sa tabi ko.Ngayon, halos magkapantay na kami sa
higaan. Nakatingin lang sa isa't-isa.Hinawakan nya ako sa pisngi ko habang
nakatitig sakin."Ingatan mo ang sarili mo, Jimin. Nag-aalala
ako para sayo.. Selosa ako lalo na kung ikaw
ang pinag-uusapan. Ayokong may ibang
kumuha sayo dahil sakin ka lang inilaan.." -licaNapangiti ako sa sinabi nya at hinawakan ko
sya sa mukha nya."Salamat,Lica. Magtiwala ka lang sakin ah?
Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at wala
ng iba pa." Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo
nya.Mahigpit na yakap naman ang iginanti nya
sakin.............
𝐋𝐢𝐜𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Ang sweet nya talaga. Nang halikan nya ako
sa noo ko, mahigpit na yakap ang isinukli ko.
Halos nakadikit na mukha ko sa dibdib nya
habang yakap ko sya. Ang init-init ng katawan
nya. Tinitiis nya ang sakit nya kanina pa.
Kuwawa naman ang mahal ko. Dito lang ako
sa tabi mo hanggang sa bumaba ang lagnat
mo..Ilang oras ang lumipas,
Nakatulog din pala ako. Napatingin ako kay
jimin, ang himbing ng tulog nya. Muli ko
syang niyakap, hindi na masyado mainit ang
katawan nya. Bumaba na ang lagnat nya.
Mabuti naman.Maya ay may humawak sa balikat ko.
Napalingon ako. Si doktora pala ang humawak
sakin."Oras na para pumasok ka sa klase mo. Ako
ng bahalang tumingin sa kanya"Ok. Dahan-dahan akong bumangon. Ingat na
ingat ako sa galaw ko para hindi magising si
Jimin. Nakalapag na ang mga paa ko sa sahig
at pinagmasdan ko ang boyfriend ko."Isang Maid guy ang boyfriend mo?" Tanong ni
doktora sakin."Opo."
"Galing ka sa mayamang angkan. Sa tingin mo
ba, papayag ang pamilya Killmer na
mapangasawa ng unica hija nila ay isang maid
guy? Sisirain lang nila ang buhay ng lalaking
to.."Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi
nya. Anong akala nya sakin? Hahayaan kong
gawin nila yon kay jimin? Ipaglalaban ko ang
mahal ko noh."Kaya ko silang talikuran kung kinakailangan
makasama ko lang ang lalaking magpapasaya
sakin."Napahingang malalim si doktora. Halata ko
yon e."Bata ka pa pero sana nga magawa mo syang
ipaglaban. Dahil wala syang laban sa pamilya
mo lalo na at isa lang syang maid guy.." Sabi
nito at umalis na.Hinawakan ko ang kamay ni jimin.
"Pagaling ka..jimin" sabi ko at pahakbang pa
lang para umalis ng marinig kong mag-ring
ang phone.Hinanap ko kung saan. Narinig ko na sa bulsa
ni jimin nanggagaling ang tunog. Kinuha ko ito
sa bulsa nya para tignan kung sino ang
tumatawag. Pero nagtaka ako sa nabasa ko."Si Yeona ang tumatawag kay jimin?"
Napatingin ako muli kay jimin ng may halong
pagtataka. Bakit may number sya ni Yeona?
Ano bang meron? Pinatay ko ang call at
muling ibinalik sa bulsa nya ang phone. Siguro
nagkataon lang to. Ayokong mag-isip ng
masama sa mahal ko. Ang mabuti pa,
papasok na ako sa klase ko.Nagkataon lang to..
..........
BINABASA MO ANG
𝑀𝑦 𝑀𝑎𝑖𝑑 𝐺𝑢𝑦: 𝐶ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡
Novela JuvenilCOMPLETED✔️ When you're different, sometimes you don't see the millions of people who accept you for what you are. All you notice is the person who doesn't. In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path yo...