CHAPTER 01

15 2 0
                                    


///QUEEN CARDELIA's POV///

"CLAUDIELLE anak"
tawag ko sa aking pitong taong gulang na prinsesa, na nasa loob ng kanyang silid.

"Array!!"
Nagmadali naman akong pumasok sa silid ng marinig ang daing nito.

"anak! anong nangyari?"
Nag-aalalang tanong ko rito ng makita ko syang naka-upo sa sahig. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Nag-eensayo ho kasi ako ng lightning Card ina" -saad nito habang tinutulongan Ko sa pagtayo.

"Subalit nawala ho ako sa aking konsentrasyon ng ako'y iyong tawagin" - aniya sabay kamot sa ulo.

"Patawad anak kung nagulo ko ang iyong pag-eensayo, kung alam ko lang sanang nag-eensayo ka 'di na sana kita ginulo pa" -Paghingi ko rito ng tawad.
Ngunit ngumiti lamang sya.

"Bakit ho ba kayo naparito ina? May, Problema ho ba?"

"Haha nako! Wala namang problema anak, naparito lang talaga ako dahil may nag-aantay sayo sa Harden" -natatawa kung saad.

"eh? Sino po ina?" -nakangiwi nitong pagtatanong.
Iniabot ko naman sa kanya ang aking kamay.

"Hali ka, para malaman mo kung sino"
inabot nya naman ang kamay ko, kaya naglakad na kami palabas ng kanyang silid.

ilang hakbang palamang ang aming ginawa sa labas ng kanyang silid ng bigla syang huminto kaya napatingin nalamang ako sa kanya ng may pagtatanong ng 'bakit?'.

"Teka lang ho ina! Nakalimutan ko kasi ang Lightning Card sa sahig. Hintayin nyo ho ako dito ina, Saglit lang" -aniya. Saka agad ng tumakbo.

Ilang saglit pa ay bumalik na sya sa kinatatayuan ko at humawak ulit sa aking kamay.

"tara na ho ina"
napatango naman ako. kaya naglakad na kami ulit.

"Magandang umaga Mahal na Reyna, Mahal Na prinsesa" -pagbati ng aming mga Tagapagsilbi dito sa palasyo.

"Maganda Umaga din ho sainyo"
balik bati ng mahal kung anak sa mga nadadaanan naming tagapagsilbi na bumabati.

Napakabait talaga ng anak ko, 'edi ba?

Mga ilang minuto ding paglalakad ay nakarating na kami sa harden.

"KEONO!!" - sigaw ng aking anak ng makita nya ang kanyang matalik na kaibigan at ang tanging minamahal nyang si Prinsepe keono//Kyono// anak ng kaibigan kung Hari ng Ice kingdom.

"CLAUDIELLE!!" - Balik sigaw din ng batang prinsepe at agad na syang niyakap ng aking anak.

"Kapatid ko! E pano kami? Si keono na lang ba palagi?"
Pagtampo ng aking walong taong gulang na prinsepe na si Zakiero.

"Oo nga pano ako?" -tanong ng anak ng hari ng Thunder kingdom si prinsepe Blaze.

"Ako Din?" -pagsingit ng anak ng Reyna ng Air kingdom. si Prinsesa Eira.

"oy aba! Kami din, baka nakakalimutan nyong nandirito kami" -pagsingit pa ng Prinsepe ng Fire kingdom, prinsesa ng water kingdom, at prinsesa ng Fairy kingdom.

The Cardcaptor PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon