KLARA'S POV
KASULUKUYAN kaming nakasakay ngayun sa taxi ng Asawa kung si Nicolas. Kasama ang isang taong gulang naming anak. kakagaling lang kasi namin sa hospital. hinika na namn kasi ang anak namin kanina kaya sinugod namin sya sa hospital.
Habang nasa byahe ay bigla nalang napahinto ang taxi dito sa kagubatan.
"My problema po ba?" -tanong ni nicolas sa driver ng taxi na sinasakyan namin.
"iwan ko po sir. bigla nalang huminto eh"
"bababa nalang po muna ako" -dagdag pa ng driver at bumaba na. pumunta na sa harapan ng taxi at binuksan na nya titignan nya siguro kung may sira o wala.
"Bababa muna ako Ma. tutulungan ko lang si manong. Para mapadali ang pag-alis natin" -Pagpapa-alam nya.
"Cge Pa" -sagot ko kaya bumaba na sya at lumapit na sa driver.
habang nandun sa unahan ang asawa ko at yung driver. bigla nalang akong nakakita ng biglang pagliwanag dun sa kagubatan. Ano kaya yun?
"Pa! Hali ka muna dito" -tawag ko kay nicolas. agad naman syang lumapit sakin...
"Bakit ma?" -tanong nya.
"bantayan mo muna yung anak natin..iihi lang ako saglit" -sabi ko.
"pero ang dilim na dito baka mapano ka pa" -nag-aalalang saad nya...
"Kaya ko na yung sarili ko Pa. Kaya bantayan mo muna si Zoey. saglit lang naman ako eh" -sabi ko. kaya wala na syang magawa kundi ang pumasok dito sa taxi. kinuha na nya sakin yung anak namin.
"Mag-ingat ka sa mga ina-apakan mo ma hah" -habilin nya. tumango nalamang ako at bumaba na.pagkababa ko ay agad na akong pumunta dun sa nakita kung liwanag.
Mga ilang saglit pa ay narating ko na ang biglang lumiwanag kanina. nakita kung nanggagaling ito sa malaking punong kahoy rito kaya napanganga nalamang ako.
"Ang ganda" -manghang-mangha kung saad. habang nakatingin sa malaking puno. Ilang saglit pa ay biglang nawala ang liwanag at meron ng isang batang babaeng nakahiga sa tabi ng malaking puno. maganda sya,Maputi,Brown yung buhok At nakasuot sya ng kasuotang parang pang-princessa.kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa taxi.
"Ma anong nangyari sayo? Bakit ka tumatakbo?" -tanong ng asawa ko.
"Pa sumama ka sakin bilis" -tarantang saad ko.
"Pero pano tong anak natin? alangan namang iwan natin sya" -sabi nya.kaya dali-dali akong lumapit sa driver.
"Manong Pwedi nyo po bang bantayan yung anak ko? paki-usap" -sabi ko sa driver.
"Cge po ma'am" -sagot nya at agad na syang lumapit kay nicolas. At binuhat yung anak ko.
"Wag nyo po syang iwan msnong hah" -habilin ko sa driver at agad ng hinila si nicolas papunta dun sa nakita ko.mga ilang saglit pa ay nakarating na kami dun..ñ
"Pa tignan mo may bata" -sabi ko sa kanya sabay turo sa batang babaeng nakita ko.
"Jusmeyo! Sino naman ang nang-iwan ng bata dito sa gubat? Ang dilim dito.wala ba silang awa sa bata?" -pagtaranta ng asawa ko at agad ng lumapit sa batang babae.
"Dalhin natin sya sa bahay Pa" -sabi ko. tumango naman sya sabay buhat ng bata. At agad na kaming bumalik sa taxi.
"Sino po yan ma'am.ñ,sir?" -tanong ng driver.
"iwan po manong. Basta nakita lang namin sya dun sa kagubatan" -sagot ko at kinuha na sa kanya ang anak ko.
"Kawawa naman ng batang yan.Parang mabait naman eh.pero bakit nila yan iniwan sa gubat" -umi-iling na saad ng driver.
"Ayusin nyo na po yung sasakyan manong para maka-alis na tayo" -utos ni nicolas sa driver at agad ng pinasok sa loob ng taxi yung bata. Hindi pa nga nakakalapit sa harap ng taxi yung driver ng bigla itong umandar.
"Pano nangyari yun?" -kamot batok na tanong ng driver sa sarili.
"Mabuti na po yan manong. Kaya bilisan nyo na para maka-alis na tayo" -sabi ko at agad na akong pumasok sa loob habang buhat-buhat yung anak ko. yung asawa ko naman ay pumasok na dun sa passenger seat. yung driver naman ay dali-daling isinara ang binuksan nya kanina at agad ng pumasok sa driver seat at nag-start ng mag-drive. Sino kaya ang batang babae na to? Bakit sya nandun sa malaking puno na yun? Para talagang magic ang nangyari. Di talaga ako makapaniwala sa mga nakita ko. Sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ang batang babae.
"Ang ganda nya talaga" -nakangiting saad ko.
mga ilang minuto pa ay huminto na yung taxi. ibig sabihin nakarating na kami. kaya agad ng bumaba si nicolas at pumunta dito sa back seat para buhatin ang batang babae.
"Tayo na ma" -pagyaya sakin ng asawa ko. kaya bumaba na ako. binayaran ko na yung driver at agad na kaming pumasok sa bahay. maliit lang yung bahay namin. di kasi kami mayaman.mahirap lang kami at tanging karenderya lang namin ng asawa ko ang negosyo namin.
Pagkapasok namin sa bahay ay agad ng dinala ni nicolas yung bata sa kwarto namin at pinahiga yung bata sa kama. ng mahiga na yung bata ay bumalik na kami sa sala at sya naman ang nagbuhat sa anak namin...
"Kumain ka na muna Ma" -sabi nya.tumango nalamang ako at kumuha ng pagkain sa kusina. at kumain na.
mga ilang saglit pa ay may naririnig na kaming halinghing na nanggagaling sa kwarto. kaya napatigil ako sa pag-kain ko si nicolas naman ay pinahiga sa kuna yung anak namin. At sabay na kaming pumunta sa kwarto. pagkapasok namin sa kwarto. nakita naming gising na yung batang babae kaya lumapit na kami sa kanya at umupo na ako sa tabi ng bata. Sya naman ay napatingin samin na para bang inu-usisa nya kaming dalawa.
"S-sino kayo? At Nasan ako?" -tanong ng batang babae.
"Kami yung nakakita sayo sa kagubatan at nandito ka sa bahay namin" -nakangiting sagot ko.
"Ahmm bata anong pangalan mo?" -tanong ni nicolas sa bata.
"H-huh? P-pangalan?" -utal na tanong ng bata.
"Oo pangalan. Bakit? di mo ba alam ang pangalan mo?" -tanong ko.napahawak naman yung bata sa kanyang ulo.
"Wala po akong ma-alala. s-sino ba a-ako?" -tanong ng bata kaya napatingin nalamang ako kay nicolas. ganun din si nicolas napatingin din sya sakin.
"Wala ka bang na-aalala kung bakit ka napunta sa kagubatan?" -tanong ko sa bata umiling na lamang sya.
"E yung pamilya mo? alam mo ba kung sino sila?" -tanong ni nicolas sa bata. umiling ulit ito. Baka may amnesia.
"Cge magpahinga ka muna dyan hah.baka ma-alala mo" -sabi ko at tinignan na si nicolas simbolo ng lumabas na kami. tumango naman sya kaya agad na akong tumayo at lumabas.nagtungo kami sa sala at umupo.
"Pano na to ma? kawawa naman yung batang yun. walang ma-alala. kahit pangalan nya lamang" -sabi ni nicolas.
"Hmmm Amponin nalang natin sya Pa. para may ate si Zoey paglaki nya" -sabi ko.
"pero mahirap lang tayo Ma. baka hindi nya makaya yung pagiging mahirap natin. dahil mukang mayaman yun e" -sabi nya.
"Kahit na Pa. kawawa naman kasi sya kung ibabalik natin sya sa kagubatan diba? At kahit mahirap tayo. kaya naman natin syang ituring na tunay na anak eh At tuturuan natin sya ng tamang Asal kaya ito na yung disisyon ko. aamponin natin yung batang babae. at bukas aayusin natin ang papelis para sa pagpapatunay na inampon natin sya At para naman matulungan natin syang bumalik ang kanyang ala-ala" -mahabang salaysay ko.
"Hyyy cge Ma. papayag ako sa Disisyon mo. para naman makatulong tayo sa bata" -sabi nya kaya napangiti nalamang ako.
"Mama" -rinig naming sabi ng aming anak. Isang taon na kasi yung anak namin. kaya unti-unti na syang nagsasalita.
"Oyy gising na yung baby ni papa"-lambing ni nicolas sa anak namin.
"Papa" -sabi ng baby namin.
"Baby may meron ka ng ate. Maganda sya" -sabi ko.
"Pa. May naisip na akong e-pangalan sa batang yun" -nakangiting saad ko kay nicolas.
"ano?" -nakangiting tanong nya.
"Chloe. Oo tama. Chloe ann yun yung magiging pangalan nya" -sabi ko.
"Chloe ann Santos. Ang ganda Ma. cge yun yung e-pangaln natin sa kanya" -masayang saad nya. Exited na akong maging mama ng batang yun. Kapag naging ansk na namin sya. Tuturuan namin sya ng mga mabubuting asal at pagiging mabait na bata.
BINABASA MO ANG
The Cardcaptor Princess
FantasySya Si Chloe Ann, Ampon Ng mag-Asawang 'Santos' na sila Klara at Nicolas. si chloe ay isang babaeng walang Maalala sa nakaraan nya ngunit Meron Itong Tinatagong Kapangyarihang walang sino man ang nakaka-alam maliban sa kanyang dalawang pinagkakatiwa...
