CHLOE's POV
NANDITO kami ngayun sa park na malapit sa school..dito kasi ako dinala nila Fawn..Wala naman kasing mga tao dito...maaga pa kasi..
"Ahmmm..guys Ano ba yung pag-uusapan natin?" -tanong ko sa kanila...
"E kasi Chloe...Ahmm..Babalik na kami sa cardenia" -matamlay na sagot ni fawn..
"Huh?..Bakit? E di ba hindi nyo pa nahanap yung kapatid ni Zakiero?" -gulat na tanong ko kay Fawn...
"Hindi pa nga..Ngunit yung goddess ng Cardenia kasi namin ang nagsabing bumalik na kami" -si Leafa ang sumagot sa tanong ko..(goddess ng Cardenia?..ibig sabihin si..si goddess alhea)
"Si Goddess alhea ba?" -Tanong ko sa kanila..agad naman silang tumango..maliban kay keono sungit..
"At shaka pinapasabi ni ina na..isasama ka daw namin" -sabi ni leafa..
"Bakit naman?" -tanong ko..ayaw kung mawalay kay mama at papa..Ayaw ko.
"Baka mapahamak ka daw kasi dito sa mundo ng mga tao..Lalo nat Maraming Itim na cardian ang Pinadala ni reyna nightelia dito" -sagot ni Firo..
"Chloe maaari ka bang sumama?" -tanong ni Zakiero..
"Pero..Kasi..Yung pamilya ko..pano?" -di siguradong tanong ko..di ako sigurado dahil dawala ang pagpipilian ko..Ang pamilyang nag-alaga sakin o ang Tunay kung mundo..Gusto kung bumalik ang ala-ala ko..pero pano sila ni mama at papa pati na si zoey..Tapos yung mga kaibigan ko pa.
"(Chloe Sumama ka..Dahil iyon ang Paraan para bumalik ang iyong ala-ala..Ang bumalik sa tunay mong mundo)" -Sabi ng kung sino man sa isipan ko..Kaya nagpalinga-linga ako..Nagbabakasaling nandyan lang sa tabi ang nagsabi..
"Chloe" -napatingin nalamang ako kila fawn,leafa,Zakiero,Firo..dahil tinawag nila ang pangalan ko..
"H-huh?" -wala sa sariling tanong ko..
"Ok ka lang?"-alalang tanong nila maliban kay keono na kanina pa tahimik..
"Oo o-ok lang ako..May parang bumulong lang sakin" -sagot ko..
"Ahh ganun ba..so ano na..sasama ka ba?" -tanong ni Fawn..ng biglang nag-sink in sa isipan ko ang sinabi ni goddess alhea sakin sa panaginip...
("Lahat ng iyong tanong chloe ay Nasa iyong ala-ala At ang makakatulong lamang saiyo na bumalik ang iyong ala-ala ay ang iyong sarili..At ang pagbalik mo sa Cardenia")
Pagbalik sa cardenia
Pagbalik sa cardenia
Pagbalik sa cardenia
"Oyy chloe" -nabalik ako sa sarili ko dahil niyugyog ako ni Fawn..
"B-bakit?" -tanong ko kaya tumigil sa pagyugyog sakin si fawn..
"Sasama ka ba o hindi?" -sabay nilang tanong..maliban kay keono ulit..kaya napabuntong hininga ako at agad ng sumagot..
"Oo sasama ako..Dahil dun ako Nararapat" -seryusong sagot ko...
"Yes" -sabay nilang sabi..
"(Good job chloe)" -biglang puri ni Lily na nasa balikat ko na naman..feel na feel palagi ni lily yung balikat ko e.
"So Chloe punta na tayo sa mga guro natin para sabihin na magta-transfer ka na sa ibang paaralan kasama kami" -sabi ni Fawn..magsasalita pa sana ako pero bigla nila akong hinila..pabalik sa gate ng school..ilang saglit pa ay nakabalik na kami at nandun pa din yung mga kaibigan ko..
"Oh tapos na ba yung pinag-usapan nyo?" -tanong ni elise ng makalapit na kami sa kanila..tumango naman ako...kaya humawak na si Ayanna at elise sa magkabilang kamay ko..
"Arat na..baka ma-late tayo" -sigaw nilang dalawa at sabay na kaming lahat na tumakbo...kasama na dun sila Clyde..(Mamimiss ko talaga tong mga kaibigan ko)..
"(Ganun din ako Chloe..mamimiss ko din yang mga kaibigan mo")-biglang saad ni Lily na Nasa balikat ko ulit..pero naka-invisible..
"(Sasama ka ba..Sa pagbabalik sa mundo nyo..esti sa cardenia?)"-tanong ko..
"(Yep chloe..Dahil card mo na ako)"-sagot nya..at agad ng nag-bell..sakto naman dahil nandito na kami sa pinto ng classroom ni Ma'am jessiel..kaya pumasok na kaming lahat..
"Good morning Classmate's and Ma'am jessiel" -bati namin pagkapasok sa classroom..
"Nagsama-sama pa talaga kayong magkaka-ibigan" -natatawang saad ni ma'am.
"Syempre ma'am..ito na kasi yung huling oras na makikita ko sila" -biglang sagot ko..kaya nagulat yung mga kaklase at yung mga kaibigan ko..ganun din si ma-am jessiel..
"Anong ibig sabihin nun chloe?" -seryusong tanong ni elise at ayanna..
"E kasi---"
"Tatransfer na sya sa ibang paaralan kasama kami" -pagputol ni Fawn sa sasabihin ko..
"Ano?" -Gulat na tanong nilang lahat..
"Chloe bakit naman?"
"iiwan mo na ba kaming lahat chloe?"
"Chloe wag naman..ikaw lang naman ang nagpapasaya sa aming lahat e..tapos magta-transfer ka sa ibang school"
"Di na ba kami masayang kasama bilang kaklase?"
"Ang daya mo naman chloe"
Sari-saring saad ng mga kaklase namin..
"Chloe..iiwan mo kami..tapos sasama ka sa bagong kaklase natin..ang daya mo" -sabi ni elise habang pinipigilan ang mga luha sa mga mata nya..
"Elise gus----"
"Gusto mong lumayo na saamin..dahil may bago ka ng kaibigan" -pagputol ni elise sa sasabihin ko at agad ng tumakbo palabas ng classroom..sumunod naman si ayanna palabas..Kaya napaluha nalang ako.
"Clyde,Sam,Glen" -tawag ko sa tatlo..agad naman nila akong niyakap...
"Sundan natin sila" -sabi ni clyde at pinunasan ang luha ko..agad naman akong tumango..
"Ma'am--"
"Cge na..sundan nyo na..Ok lang sakin yun..basta't bumalik kayo rito" -pagputol ni ma'am jessiel sa sasabihin ni Sam..kaya agad na kaming tumakbo nila Clyde,sam at glen..sila fawn naman ay hindi na sumunod....ilang minuto pang pagtakbo ay nakita na namin sila elise at ayanna na papunta sa likuran ng School kaya sumunod na kami..
"Lis..Ayanna" -humihikbing tawag ko sa kanila..ng maabutan namin silang huminto sa paboritong lugar na kinakainan namin..
"Bakit ka sumunod?..Diba may bago ka ng kaibigan?" -galit na tanong ni Elise habang yung mga butil ng mga luha nya ay patuloy parin sa pag-agos...ganun din si ayanna..
"Lis..Magpapaliwanag ako" -sabi ko.
"MANG-IIWAN KANG KAIBIGAN KAYA WAG KA NG MAGPALIWANAG" -galit na sigaw ni elise..habang si ayanna ay nakayakap sa kanya..
"Please elise Pabayaan mong sabihin ni Chloe ang dahilan nya sa dicisyong pag-tatransfer sa ibang school" -sabi ni Clyde..
"Tama nga si clyde elise..pabayaan nyong magsabi ng dahilan si chloe" -pagsang-ayon ni Sam kay Clyde..
"Cge..Sabihin mo Chloe..ang dahilan ng pagiging mang-iiwan mong kaibigan" -galit pa ding saad ni Elise..
"Lis sa Comfort room tayo mag-usap wag dito" -sabi ko..at hahawakan ko na sana sya pero bigla syang umiwas..
"Dito ka magsabi ng dahilan...Wag yung Pa-comfort-comfort room ka pa" -sabi nya..kaya napabuntong hininga nalang ako..at tumingin kila clyde..
"Clyde,Sam,Glen..pwede nyo ba muna kaming iwan?" -tanong ko sa kanilang tatlo..
"Cge chloe..sana magka-ayos na kayo" -sabi nilang tatlo at agad ng umalis..ng makalayo na sila ay humarap na ako kay elise at ayanna..
"Oh ano sabihin mo na" -sabi ni elise..
"E kasi Elise..(*sight*)..E kasi babalik na ako sa kung saan ako nararapat" -sabi ko..
"So saan naman yun?..Sa Feeling ng bago mong kaibigan?" -tanong nya..
"Elise Alam mo namang hindi ako kagaya nyo diba?..kaya yun ang dahilan kung bakit ako aalis..dahil iba ako..hindi ako nararapat dito..hindi ako nararapat na kasama ng mga tao..may mundo elise ang kagaya ko..At dun ako pupunta..sa tunay kung mundo..gusto kung malaman kung sino ako..gusto kung ma-alala ang mga nakaraan ko..gusto kung makilala ang tunay kung pamilya..gusto kung makita ang iba pang kagaya ko....simula noon..pinapaniginipan ko na ang pagiging tunay na ako..Pero malabo.. Kaya nawawalan ako ng pag-asa..pero ngayun may meron akong nakilalang kagaya ko..kaya sana pagbigyan mo ako elise..na makilala ang tunay na ako" -mahabang salaysay ko..habang yung mga butil ng luha ko ay patuloy sa pag-agos galing sa mga mata ko..sila elise naman ay napatutop sa kanilang mga labi..
"S-sorry chloe" -sabi ni elise at agad akong niyakap..
"ako din" -sabi ni ayanna at nakisali na din sa yakapan..
"Oh ano tapos na ba kayo?" -biglang pag-sulpot ni Lily..
"Lily magtago ka baka..may makakita sayo" -sabi ko..habang pinapahiran ang mga luha na natira sa mukha ko..ganun din sila elise..
"Sus..Walang makakakita sakin..Dahil na secure ko na ang paligid..walang nakarinig at walang mga student" -sabi ni lily..kaya napangiti nalang ako..
"Ahmm..Chloe sorry talaga kung nagalit agad ako..ayaw---"
"Alam kung hindi mo din gustong magkalayo tayong magkakaibigan" -pagputol ko sa sasabihin nya..
"Ganun na nga" -sabi ni elise at agad na nya kaming niyakap ni ayanna ng napakahigpit..
"Arrayy..Ang higpit naman" -sabi ko..dahil sa subrang higpit ng pagyakap nya..
"Soweeyy" -sabi nya at nag-peace sign..
"ehemm..chloe..Kailangan nyo ng bumalik sa Classroom nyo" -sabi ni lily at agad ng nawala..kaya kumapit na sa Braso ko Si elise sa kabila naman si ayanna..
"Tara na" -nakangiting pagyaya ko..tumango naman sila kaya naglakad na kami...ilang saglit pa ay nasalubong namin sila clyde kaya napahinto nalang kami..
"ok na kayo?" -nakangiting tanong nila..tumango naman kaming tatlo..
"payakap" -sabi ni clyde at naghanda na para yakapin ako..kaya napatingin ako kay elise na parang nagseselos..
"Ahmm..Cge..basta sabay-sabay hah...ikaw ayanna sa harap ni sam...ako kay clyde katabi ko si elise katabi naman ni clyde si glen.." -sabi ko..at ayon na nga humarap na si ayanna kay sam....nakaharap naman sakin si clyde..
"1..2.3..Hug time" -sabi ko...at yayakapin na sana ako ni clyde pero hinila ko si elise papunta sa harapan nya..kaya si elise ang nayakap ni clyde..si glen naman ang niyakap ko..si sam at ayanna naman nag-blush dahil magkayakap sila...
"Yieeeeee...Ayanna..Elise umamin na kayo" -sabi ko..
"A-anong a-aminin?" -nahihiyang tanong ni elise at ayanna..si clyde at sam naman ay nagtaka..
"Guys naman..aminin nyo na..bago ako magtransfer sa ibang school..pleaseeee" -sabi ko at nagpa-cute..pero napayuko si ayanna at elise..
"Hyystt..kung di nyo aaminin ako nalang ang magsasabi" -sabi ko..
"Ano ba aaminin nila?" -tanong ni clyde at sam..
"May gusto sila sain--"
"May gusto ako sayo clyde/Sam" -sabay na pag-amin ni elise at ayanna...
"Kyahhhhh..Naka-amin din sa wakas" -tili ko..si glen naman ay inakbayan ako..at ngumisi..
"Oyy wag kang ngumisi dyan..wala akong gusto sayo no" -sabi ko..
"Hahah..alam ko naman yun..kaya wag kang mag-alala..Hinahangaan lang naman kita e" -sabi ni glen...kaya napatingin na ako kila clyde..
"Ahmm..A-ayanna..d-di ka ba N-nagpa-prank?" -utal na tanong ni sam kay ayanna..
"hoyy sam..Hindi marunong mag-prank yan..maliban sakin" -sabi ko..
"So totoong gusto mo ako?" -tanong ni sam kay ayanna...
"Sinabi na nga dibang may gusto sayo..so bakit mo pa tinatanong?" -iritang tanong ko kay sam..
"Chloe naman e..si ayanna yung tinatanong ko tapos ikaw ang sumagot...hyyst" -reklamo ni sam..
"Ahmm..guys balik na tayo sa classroom" -biglang pagyaya ni clyde at nauna ng lumakad..kaya napatingin ako kay elise..na parang iiyak na..
"Lis..wag kang malungkot ..dahil dun" -sabi ko elise...kaya napatingin sya sakin at pilit na ngumiti..
"A-alam ko n-namang mababasted ako e..K-kaya wag kang mag-alala" -pilit na ngiting saad ni elise..
"Tara na" -dagdag nya pa at naglakad na..
"Oh ikaw sam..babastedin mo din ba si ayanna?" -seryusong tanong ko kay sam..
"Aba..no way" -sagot nya at inakbayan si ayanna dahilan para mamula ang mga pisnge ni ayanna..
"Edi ligawan mo na" -sabi ko at hinila na si glen..pa-alis..(sana binasa ko nalang yung isipan ni clyde kanina..para malaman kung may gusto din ba sya kay elise..pero siguro wala..masakit talaga yun para kay elise--Hyyyst)...mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa pinto ng room kaya pumasok na kami...
"oyy chloe nandito ka na pala..so ready ka na bang umalis?" -salubong agad na tanong ni firo...kaya nanamlay ulit ako..
"pwede bang bukas na lang" -sabi ko..umiling naman sila...
"Chloe...kailangan daw ngayun kayo aalis para bukas ma-eenroll ka na" -sabi ni ma'am jessiel....(siguro ginamitan nila ng kontroling card si ma'am)
"(Hindi no)" -biglang saad ni lily na nararamdaman kung nasa balikat ko na naman sya naka-upo..
"Mami-miss ko po kayo ma'am jessiel" -sabi ko at niyakap si ma'am..
"Kami rin chloe payakap" -sigaw ng mga kaklase namin at agad na silang lumapit samin..
"Ang dami nyo" -nakakamot batok na saad ko...
"Tatlo-tatlo muna" -sabi ng isa naming kaklaseng babae..ngumiti naman ako at tumango..Kaya ayon Niyakap ko sila..hanggang matapos lahat..
"Mamimiss ka namin chloe"
"Wag mo kaming kalimutan hah"
"Sana pagbalik mo mabait ka parin"
"Mamimiss namin ang Maamo mong mukha"
Sabi ng mga kaklase namin...(ang swerte ko..mababait ang mga naging kaklase ko)
"Mamimiss ko din kayo..at wag kayong mag-alala di ko kayo makakalimutan" -nakangiting saad ko..
"GROUP HUG!!" -malakas na sigaw nilang lahat kasama na dun ang mga kaibigan ko..at agad na nila akong niyakap..
"Hyyy ang Sweet nyong magkaklase" -puri ni ma'am jessiel kaya hinila na namin sya..para makasama sa group hug...
"Chloe..Mag-ingat ka dun hah..Wag na wag mong kakalimutan na maging mabait na student" -habilin ni ma'am ng matapos ang yakapan..
"Copy ma'am" -sagot ko..
"Saan ka ba magtatransfer chloe?" -biglang tanong ng kaklase naming lalaki..
"Sa--"
"Sa State" -pagputol ni fawn sa sasabihin ko..
"ANO?..STATE?" -gulat na tanong nilang lahat maliban sa mga kaibigan ko..
"Ang layo naman nun chloe..Sure ka bang magiging ok ka dun?"
"Makakasama mo ba yung mama/papa at kapatid mo?"
Tanong ng mga kaklase namin..
"Oo magiging ok ako dun..At shaka hindi makakasama si mama,papa at zoey..dahil wala kaming uuwian dun..Ako nga makikitira lang kila fawn" -pagsisinungaling ko..di naman talaga kami sa state pupunta e hahaha..
"Ahh ganun ba..Cge mag-ingat ka nalang dun.." -sabi nila..
"Chloe pumunta na kayo sa dean's office...at sasamahan ko kayo" -sabi ni ma'am...tumango naman ako at sila ni fawn..At lumabas na..Sumunod naman samin sila elise..
BINABASA MO ANG
The Cardcaptor Princess
FantasíaSya Si Chloe Ann, Ampon Ng mag-Asawang 'Santos' na sila Klara at Nicolas. si chloe ay isang babaeng walang Maalala sa nakaraan nya ngunit Meron Itong Tinatagong Kapangyarihang walang sino man ang nakaka-alam maliban sa kanyang dalawang pinagkakatiwa...
