CHAPTER 09

5 0 0
                                        

LILY's POV
NG biglang bumagsak si chloe ay napatingin sakin ang mga prinsessa't prinsepe..kaya bigla nalang akong kinabahan...ano ang sasabihin ko sa kanila?..Pano ko mapapaliwanag ang nakita nilang pagpula ng mga mata ni chloe?..pano?..mahal­ na goddess alhea tulungan mo ako..paki-usap.
"Anong ibig sabihin nun Lily?" -seryusong tanong ni Princess Fawn...
"Bakit namula ang kanyang mga mata?" -takang tanong ni Prince Firo...
"Sure ka bang hindi sya kampon ni Reyna Nightelia?" -malamig na tanong ni prince keono..
"Hindi mga mahal na prinsessa't prinsepe...hindi sya kampon ni reyna nightelia..dahil kagaya nyo sila at hindi iyon magbabago" -mahinahong sagot ko..hindi ko alam pero kusang sumagot ang mga labi ko..
"Pero bakit namula ang mga mata nya?" -mahinahong tanong ni Princess leafa..
"Dahil may ginamit syang card na galing sa fire kingdom..edi ba yung ibang mga cards ng iba't-ibang kaharian sa cardenia ay napunta rito sa mundo ng mga tao" -sabi ko...Di ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang lumalabas sa aking mga labi..Ngunit isa lamang ang aking nalalamang may kontrol sakin walang iba kundi si goddess alhea..
"Kung ganun..Bakit sya bumagsak?" -tanong ulit ni Princess Fawn..
"Dahil nagalit sya sa ginawa ni Prince keono..Mahal ni chloe ang kapatid nya..At ang mga magulang nya..Kaya kung sino man ang gagawa ng kung ano sa isa sa kanila Ay labis na ikakagalit ni Chloe..kaya siguro sa galit nya ay hindi nya na-kontrol ang kanyang Nagamit na Card..At agad ng nawalan ng malay" -sagot ko...Kaya napabuntong hininga nalang sila at napatingin ng seryuso kay Prince keono..dahilan para ngumisi si Prince keono..
"Ang sama mo keono pagdating kay chloe" -sabi ni Prince Firo sa kapatid...si prince zakiero naman ay binuhat si Chloe at pinahiga sa higaan..
"Wala akong paki-alam kung masama ang pakikitungo ko kay chloe" -malamig na saad ni Prince keono at dumaan na sa bintana para lumabas..
"Tayo na Zak..Umalis na tayo..kakamustahin nalang natin sya bukas sa paaralan" -sabi ni Princess Fawn...
"ngunit paano ang kapatid ni chloe?" -Tanong ni prince Zakiero...ng makitang hindi parin gumagalaw si Zoey..
"Aalisin din ni Keono ang Ginawa nyang yan sa kapatid ni Chloe..sa ngayun ay umalis na tayo..baka makita pa tayo ng mga magulang ni chloe" -sabi ni princess Fawn..Kaya lumapit na si prince Zakiero sa kanila.
"Pa-alam Lily..Aalis na kami" -pagpapa-alam nila saakin...
"Mag-ingat kayo Mahal na prinsessa't prinsepe" -habilin ko..ngumiti naman sila at dumaan na sa bintana..ilang saglit pa ay bumalik na sa sarili nya si zoey..
"MAMA PAPA" -wala sa sariling sigaw ni zoey..yan sana kasi ang isisigaw nya kanina..
"Zoey Natutulog ang Ate mo..kaya paki-usap matulog ka na" -nakangiting saad ko sa kanya..nagtaka naman sya..
"Nasan na yung mga kagaya ni ate Chloe?" -takang tanong nya..
"Umalis na" -nakangiting sagot ko..ilang saglit pa ay may naririnig akong yabag ng paa na papunta rito sa silid kaya agad na akong bumalik sa pagiging invisible..
"Zoey...nandyan na ba ate chloe mo?" -rinig kung tanong ng nasa labas ng pinto..at yun ay ang mama at papa nila..
"Opo Ma..Pa" -sagot ni Zoey...at pumasok na ang mama at papa nila..at agad ng lumapit sa higaan ni Chloe..
"Chloe sana hindi mo kami iiwan"-mangiyak-ngiy­ak na saad ng mama nila Habang hinahaplos ang pisnge ni chloe..
"Ma anong pinangsasabi mo?" -takang tanong ni Zoey..
"Napanigipan kasi ng mama mo anak si ate chloe mo..na babalik na daw sa tunay nyang mundo" -sagot ng kanyang papa....Siguroy gawa iyon ni goddess alhea..dahil malapit na ang Labing walong kaarawan ng mahal na princessa...
"Ma Pa..wag tayong pumayag..dahil hindi ko kayang wala si ate chloe sa tabi ko..palagi akong pinapangiti ni ate chloe..kaya kapag umalis sya palagi na akong malulungkot" -mangiyak-ngiyak na saad ni Zoey..at niyakap ang walang malay nyang ate na si chloe..
"ate chloe wag mo kaming iwan hah" -sabi ni zoey habang umiiyak..
"Pero nak...kung anong dicisyon ng ate mo..Pumayag tayo....Dahil yun ang makakabuti sa kanya...para ma-alala nya ang lahat ng nakaraan nya..at kung sino ba talaga sya" -sabi ng papa nila..kaya napangiti nalang ako..
"tama ka nga pa..Dicisyon ni chloe ang hintayin natin..Hindi yung dicisyon natin" -sabi ng mama nila..
"Cge na Zoey..matulog ka na..dahil may pasok pa kayo bukas" -sabi ng papa nila..
"Dito nalang ako matutulog pa..sa tabi ni ate" -sagot ni Zoey..kaya ngumiti ang mag-asawa at hinalikan sa noo si zoey at chloe..at agad ng umalis..kaya natulog na si zoey sa tabi ng ate nya..

The Cardcaptor PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon