CHAPTER 08

5 0 0
                                        

FAWN's POV

LIMANG araw na kaming nandito sa mundo ng mga tao, limang araw na rin naming kasama sila chloe. alam naming hindi sya si claudielle. Ngunit patuloy parin kami sa Pakikisama sa kanya, dahil di pa namin alam kung Kakampi ba sya naming mga puting cardian o Kakampi sya ng Itim na cardian.
"(Fawn..May nararamdaman na naman akong sumusunod satin)" -sabi ni Leafa gamit ang aming mga isipan..limang araw na din kasi syang nakakaramdam ng Parang may sumusunod saamin tuwing gabi..at ngayun ay gabi...kaya Hindi namin Pinapalabas ang tunay naming anyo..at nagpapanggap na parang walang nararamdaman..
"(Pabayaan mo lang Leafa)" -sabi ko..
"(Ngunit limang araw na nya tayong sinusundan)" -sabi ni leafa..
"(Hyy nako leafa..Wag mo na nga lang syang pakiramdaman)" -sabi ni Zakiero..
"(Tama nga yun leafa..Wag mo nalang pakiramdaman ang sumusunod satin)" -pagsang-ayon ni firo kay zak..
"(Ngunit isa akong Fairy..Hindi ko maiiwasan ang mga nararamdan ko..alam nyo naman yun diba)" -sabi ni leafa..Tama naman sya..isa syang fairy kaya kahit anong gawin nyang pag-iwas ay mararamdan at mararamdaman nya parin na may nagmamatyag samin..
"(gayahin mo nalang ako Leafa..sinasawalang- bahala ko lang..kahit naaamoy ko ang Kanyang Enerheya)" -sabi ko.. kaya ko kasing ma-amoy ang mga enerheya ng kung sino man....kahit tao pa ang nasa paligid..
"(Susubukan ko Fawn)" -sabi ni leafa kaya napangiti nalang ako..hanggang sa nakarating na kami sa pupuntahan namin...Sa may parke. dito kami pumupunta kapag gabi..wala kasing katao-tao rito...
"Ma-upo na tayo sa damo" -pagayaya ni firo kaya nagsi-upo na kami sa damuhan..at pinagmasdan ang Mga butuin sa kalangitan..
"(Sayang hindi tayo pwedeng lumipad)" -sabi ni leafa
"(Oo nga e..namimiss ko tuloy ang lumutang sa himpapawid..Ngunit may nagmamatyag kaya hindi pwede)" -sabi ni Firo....
"Arrayy" -rinig naming daing ng kung sino man kaya napalinga-linga kami kung saan galing ang daing na yun...
"Chloe bakit ka nandito?" -rinig kung tanong ni Zakiero..Kaya nanlaki ang mga mata ko ng makitang si chloe ang tinanong nya...
"(Anong ginagawa ni Chloe dito?)" -tanong ko..
"(Hah?..Anong si chloe?..nasan?)" -tanong ni leafa..Keono at firo...kaya tumayo na ako at tumakbo..papalapit kila Zakiero..sumunod naman sakin yung tatlo..malayo-layo kasi sila keono..

CHLOE's POV
LIMANG araw ko ng sinusundan ang mga bagong kaibigan namin, pinapaliban ko muna ang trabaho ko sa Resto..para masundan lang sila....pero wala parin akong makitang Proweba na kagaya ko sila..Dahil di manlang nila ako maramdaman....Kaya ngayung gabi ang huling pagsunod ko sa kanila..dahil Nagtataka na sila mama at papa pati na rin si zoey dahil nagpapaliban na ako sa paborito kung trabaho tapos lumalabas ako ng gabi....E dati daw kasi Lumalabas lang ako kapag gusto kung ilipad si Zoey..pero ngayun hind na...
"Ma-upo na tayo sa damo" -rinig kung sabi ni firo..ng makarating sila dito sa park...kapag gabi dito talaga sila pumupunta..(Siguro..­Uuwi nalang ako)sabi ko sa isipan ko at dahan-dahang umalis sa punong pinag-tataguan ko..At dahan-dahang lumakad..habang naglalakad ay bigla nalang akong natapilok..
"Arrayy" -daing ko..kaya agad akong napatutop sa bunganga ko..(sana di nila narinig)
"Chloe bakit ka nandito?" -biglang sulpot ni Zakiero sa likuran ko..sa boses nya palang alam ko ng sya si zakiero(pano na to Narinig nya ko..Anong isasagot ko?)
"Chloe?" -patanong na sabi ni Leafa ng makalapit sila...kaya dahan-dahan akong napalingon sa kanila at ngumiti ng alanganin.
"Kayo pala...anong ginagawa nyo dito?" -pagpipilit kung hindi ma-utal..
"Nagpapahangin" -sagot ni Firo..
"E ikaw anong ginagawa mo dito? at bakit ka nandito?" -tanong ni Fawn..
"Sinusundan mo ba kami?" -cold na tanong ni Keono...(Lily..Tulong)paghingi ko ng tulong kay lily gamit ang isipan at ilang saglit pa ay naramdaman kung may umupo sa balikat ko..
"(Sabihin mo Namasyal ka lang)" -utos ni lily..
"Hindi no..Namamasyal lang ako..nabobored na kasi ako sa bahay e" -sagot ko at ngumiti..para di halatang nagsisinungaling..si­ Zakiero naman ay tinignan ang mga mata ko..
"Nagsisinungaling ka ba?" -mahinahong tanong ni Zakiero(hala lily..pano na?..Mukang napapansin nya sa mga mata ko na nagsisinungaling ako)
"(Ngumiti ka lang at sabihin mong hindi dahil namamasyal ka lang talaga)" -utos ni lily..
"Hindi no..Namamasyal lang talaga ako" -nakangiting sagot ko..
"Gabing-gabi na to....kaya wag mo kaming lokohin..." -inis na saad ni Keono..
"Lily lumabas ka na..Dahil nararamdaman ko ang enerheya mo.." -nanlaki nalamang ang mga mata ko ng binanggit ni leafa yun(Lily..Anong ibig sabihin nito?..bakit ka nya kilala?)tanong ko sa isipan ni Lily..pero hindi sya sumagot..
"Ano bang pinagsasabi mo Leafa?.sinong lily?" -tanong ko..na parang kinakabahan..pero di nya ko pinansin at tumingin ito sa balikat ko na kung saan naka-upo si lily
"Lily..Kahit anong gamitin mo..Mararamdaman parin kita..dahil galing ka sa KAHARIAN ko" -sabi ni leafa at idiniin pa ang salitang kaharian(Wtf!...kaharian..ibig sabihin..omg..tama ako ng hinala)
"Leafa anong sinasabi mong kaharian?" -gulat na tanong ko kay leafa..
"Wag ka ng magpanggap chloe..dahil simula una palang..nararamdaman­ ka na namin..kaya sabihin mo..Alipores ka ba ni Reyna Nightelia?" -galit na tanong ni Fawn..kaya napa-atras ako dahil sa sinabi nya..
"A-anong A-alipores?...S-sino­ng R-reyna N-nightelia?" -takot kung tanong(lily natatakot na ako sa kanila..Tulungan mo naman ako...anong pinagsasabi nilang alipores?..lily please sumagot ka)
"Halatang halata ka na chloe...Kaya wag ka ng magpanggap...Dahil alam namin ang pasikot-sikot nyong kampon ng mga itim na cardian" -Galit na saad ni keono..
"tanongin nyo ng maayos si chloe..wag nyo syang takotin" -pagtatanggol sakin ni Zakiero...
"Oo nga..Baka kasi nagkakamali lang kayo ng mga sinasabi" -sabi ni firo..
"Ano ba kayo..alam nyo namang magaling magpanggap ang mga itim na cardian diba..so bakit nyo sya pinagtatanggol?" -galit na tanong ni Fawn..
"W-wala a-akong a-alam s-sa m-mga s-sinabi n-nyo" -pagpipigil ko sa mga luha galing sa mga mata ko(natatakot na talaga ako sa kanila)
"Chloe...sino k----"
"Wag nyo syang Pagsabihan ng ganyan dahil kung alipores sya ni reyna nightelia bakit ako sumasama sa kanya hah?..Sorry princess Leafa dahil sumasagot ako..ngunit kailangan e..dahil sinasibahan nyo ng kung ano-ano si Chloe..na hindi naman totoo" -pasigaw na saad ni Lily..(thank you lily)sabi ko sa isipan ni lily kaya napatingin sya sakin at lumaki ng kasing laki ko sabay yakap sakin..dun nalang ako umiyak...
"Bakit ka sumasama sa kanya lily?..di ba card ka ng mahal kung kapatid?" -tanong ni Zakiero kay lily..(mahal na kapatid?..parang narinig ko na yun ah..Merong tumawag sakin ng ganyan sa panaginip ko)
"Dahil nahuli nya ko...prince zakiero ng cardenia" -magalang na sagot ni lily..(Cardenia?..so­ ibig sabihin galing sila sa kaharian na sinsabi mo sakin lily?)

The Cardcaptor PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon