ZAKIERO's POV
SIMULA ng makita ko yung mukha ng babaeng nakabangga kay Keono kanina. Parang nakaramdam ako ng pag-alala,Pagkasabik sa yakap sa babaeng yun. sya na nga ba ang mahal kung kapatid? Ngunit chloe ang kanyang pangalan hindi Claudielle at yung mga hibla ng buhok nya hindi tulad sa kapatid kung Kulay Rosas. At wala namang Sinabi si Ama,ina tungkol sa kapatid ko eh. ang tanging sinasabi lamang nila ay Nasa kamay ng tamang tao ang iyong mahal na kapatid kaya wag kang mag-aalala.Yan lamang ang sinasabi ni ina at ama. ngunit bakit? Bakit ganun na lamang ang pag-aalala ko sa babaeng yun?.
"Zak. May nararamdaman ka din ba na kung ano sa chloe na yun?" -tanong ni Fawn gamit ang ang aming mga isipan.
"Oo fawn. ngunit hindi maari na sya ang mahal kong kapatid. Dahil kapag sya iyan ay makikilala nya tayo. Ngunit sa nakikita ko ay hindi nya tayo nakikila"-ani ko.
"Maari ring maging sya si claudielle. Dahil kahit kulay lupa ang mga hibla ng kanyang buhok o hindi nya tayo nakikila. Magkamukhang-magkamukha padin sila" -ani firo.
"isa lamang ang makakapagpatunay na sya si claudielle o hindi" -ani Leafa.
"Ano yun?" -sabay naming tanong nila fawn at Firo.
"Si claudielle ay may markang butuin sa kanyang kaliwang braso. Kapag napatunayang may marka ang babaeng iyan. Ibig sabihin sya nga si claudielle" -malamig na mungkahi ni keono.
Naging ganyan sya simula ng mawala ang mahal kung kapatid sa cardenia. Mahal na mahal nya kasi ang kapatid ko.
"kung gayon ay dapat maging malapit tayo sa kanya" -ani ko at tinignan ang babae sa upuan nya na nakikinig sa Guro naming Si ma'am Jessiel 'daw'. Bigla naman syang napatingin sakin sabay ngiti ng napakatamis. Ganyan na ganyan talaga ang mahal kung kapatid. Kapag alam nyang nakatingin ako sa kanya. Lilingonin nya ko sabay ngiti ng napakatamis.
CHLOE's POV
NAPANSIN kong nakatingin sakin si zakiero 'daw' kaya nilingon ko sya sabay ngiti ng napakatamis.
Pakiramdam ko. Miss ko sya. Pero pano naman nangyari yun?
Hyy naku! Nakakaloka ka self. Ginagawa mo na kong baliw--hyyst!
"Oyy chloe" -agad ko namang nilingon si clyde.
"Bakit?" -tanong ko sa kanya. Pero mahina lang. ayaw kung magalit samin si ma'am jessiel eh.
"Bat mo nginitian yun?" -tanong nya habang nakasimangot.
Selos ka??
"tumingin sya eh. kaya nginitan ko nalang" -sagot ko.
"Tumingin lang. Nginitian agad"-napa-iling-iling naman ako ng dahil sa nabasa ko sa isipan nya.
Nagseselos! Eh wala namang tayo--tsk.
"Ahh ok" -ani nya at nakinig na kay ma'am. Nagkibit balikat naman ako at itinuon ang tingin kay maam jessiel na sa kasulukuyang nagdidiscuss sa unahan.
"OK class dismiss" -ani ma'am jessiel ng matapos na ang Discusion kaya tumayo na kaming lahat.
"Chloe tara na!" -tawag sakin ni Elise at ayanna. kaya isinukbit ko na ang bag sabay lakad palapit sa kanilang dalawa. Sumunod naman sakin si Clyde at yung mga transfer naman ay lumapit samin.
"Ahmm Chloe diba?" -nakangiting tanong ni Leafa 'daw' nakangiti naman akong tumango.
"Kilala nyo na rin naman kami diba? Kaya pwede ba kaming maki-sabay sainyo?" -tanong ni Fawn 'daw'
"Kung Maari lang naman. Ngunit kung ayaw nyo naman. makikisama nalang kami sa iba nating kaklase.Para mai-ilibot kami sa paaralang to" -ani firo 'daw'
"Ahmm Ok lang na makisabay kayo samin. Kahit araw-araw pa nga eh.kaya tayo na. para makapasok na tayong lahat sa second subject" -Nakangiting saad ko. ngumiti naman sila maliban sa lalaking si keono 'daw'. pero di ko na pinansin yun at lumabas na kami nila elise,ayanna at clyde. sumunod naman yung mga transfer samin.
"May assignment ka ba Chloe?" -tanong ni Ayanna habang naglalakad kami.
"Syempre Oo yan. Ayan pa! eh yan ang palaging nangunguna"-ani elise.
"kaya nga crush ko to eh" -ani clyde sabay akbay sakin.
"Crush pero di na crushback" -pagpaparinig ni elise.
"inggit ka lang. wala kasing nagkaka-crush sayo" -ani Clyde. maganda si elise at ayanna pero wala pading mga jowa. Takot kasi yung mga lalaki kay elise. Mukang dragon daw kasi sya. Si ayanna naman ay napakahiya-in at takot magtapat ng feelings kaya ayan wala din. Ako naman---ahmm ahh basta ang manhid ko eh. Kaya wala pading jowa.
"wala kung pake. Atleast may mahal akong isang lalaki" -ani elise.
"At ikaw yun tang*na ka" -nanlaki naman bigla ang mga mata kung napatingin kay elise ng mabasa ko ang isipan nya.what the? Crush ni elise si clyde? Wahhhh---ohmygod kaya pala nagsusungit. Eh nagseselos pala-yieee
"Tama ba yun lis?" -exited na tanong ko kay elise. dahilan para magtaka silang lahat maliban kay ayanna. si elise naman ay nahiya bigla.
"Ano yung tama?" -takang tanong ni clyde.
"tamang mahal k--"
"Tamang may mahal akong lalaki" -pagputol ni elise sa sasabihin ko. Sabay hawak nya sa kamay ko ganun din kay ayanna.
"CR muna tayo" -pagyaya ni elise sabay hila nya samin.
"Clyde. pakisabi kay Sam at Glen Na mauna kayo sa second subject. mag-CCR lang kami at shaka yung mga transfer wag mong iwan. baka maligaw" -sigaw ko hanggang tuluyan na kaming makalayo sa kanila.
Ilang saglit pang paghila samin ni elise ay nakarating na kami sa CR ng pambabae.
Alangan namang sa CR ng panlalaki kami papasok diba?
"Ano ka ba chloe?" -tanong ni Elise sakin ng mabitawan na nya ang mga kamay namin.
"Edi Taong may powers" -pampipilosopo ni ayanna kaya tinignan sya ng masama ni elise.
"Ayanna Keep your mouth Close" -ani elise.
"wow english yun ah. nosebleed ako" -pagpapatawa ko.
"Ehh Chloe namn eh. Ayan tuloy nalaman mo. sana naman kasi hindi mo nalang binasa yung iniisip ko" -ani nya. kaya napatawa nalang ako ng mahina at maikli.
"So ibig sabihin totoo?" -natatawang tanong ko sa kanya. Tumango naman sya na parang nahihiya.
"Ehhh Wag kang mahiya lis.tutulungan kita na maging kayo" -ani ko. Dahilan para manlaki ang mga mata nya.
"Wag chloe please. ayaw kung mapahiya. kaya please wag mong sabihin" -pagmamaka-awa nya.
"bakit ka naman mapapahiya? E aamin ka lang naman sa kanya diba?" -kunot-noong tanong ko sa kanya.
"ikaw yung gusto nya chloe. kaya siguradong mababasted nya ako At kapag nangyari yun. mapapahiya ako" -mangiyak-ngiyak nyang sagot. kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.
"Ok secreto nalang natin. Pero wag kang mag-alala hah. wala akong gusto sa kanya kaya wag kang magselos kung palagi syang lumalapit sakin" -nakangiting saad ko.
"Alam ko naman yun Chloe. Kaya nga love kita eh" -an nya at niyakap ako.
"Pasali naman oh" -pagsingit ni ayanna. Kaya nagkatinginan kami ni elise at agad syang niyakap.
This is what we called. Bestfriend!
"O sya! Punta na tayo sa second subject natin" -ani ko ng matapos ang yakapan. tumango naman sila at akmang aalis na sana ng may maramdaman akong umupo sa balikat ko.
"Chloe ok ka lang?" -takang tanong ni ayanna at elise.
"Chloe mag Sabi ka ng Oo para makalabas na sila at makapag-usap na tayo" -bulong ng umupo sa balikat na walang iba kundi si Lily. Yung bagong card ko.
"Ahmm Guys pakilock ng pinto may ipapakita ako sainyo" -ani ko kila elise at ayanna. kaya ayon nilock na nila ang pinto.
"Chloe anong ginagawa mo? Sinong ipapakita mo sa kanila? ako ba? Naku! chloe wag" -Tarantang saad ni lily.kaya napatawa nalamang ako ng mahina at maikli.
"Lily Wag kang mag-alala dahil katulad din sila ng kapatid kung si Zoey. mabait din" -pagpapakalma ko kay lily.
"Sinong lily chloe? Teka YUNG BAGONG CARD MO BA?" -pasigaw na tanong ng dalawa.
"Shhh Tumahimik kayo" -saway ko sa kanila. kaya napatakip sila ng baba.
"O sya lily magpakita ka na" -utos ko kay lily. kaya ayon nagpakita na sya.pero naka-upo padin sa balikat ko.
"Wow Ang cute nya" -manghang saad ng dalawa at hahawakan na sana nila si lily ng biglang humarang ang Mga tutubi ni Lily.
"Wag nyo akong hawakan" -ani lily.
"sorry ang cute mo kasi" -ani ng dalawa.
"So lily ano ba ang pag-uusapan natin?" -umalis naman si lily sa balikat ko at humarap sakin.
"May nararamdaman ka bang kakaiba ng makita mo ang Mga bagong kaklase nyo?" -tanong nito. Dahilan ng pagkanunot ng noo ko.
"Oo pero bakit?" -kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Kailangan mong makisama sa kanila chloe" -pag-iba nya sa usapan.
"Huh? pero bakit naman? At shaka kagaya ko ba sila? kaya ganyan ka makapag-react?" -takang tanong ko sa kanya.
"OMG" -gulat na saad ni elise at ayanna.
"iwan Chloe. basta makisama ka lang sa kanila At kapag kailangan mo ako.tawagin mo lang pangalan ko" -ani nya at naglaho na. Ano bang pinagsasabi nya? Di ko sya maintindihan. Aishh bahala na nga!
"Anong pinagsasabi nyang yun chloe?" -tanong ni elise. nagbikit balikat lamang ako sabay unlock na ng pinto ng CR at lumabas na. Sumunod naman sila sakin.
"anong oras na?" -tanong ko sa kanila.kaya tinignan nila ang phone nilang dalawa.
"shit. Five minutes na tayong late" -tarantang saad ni Elise. kaya agad na kaming tumakbo. hanggang sa makarating na kami sa math classroom. agad naman kaming pumasok. Kaya napatingin samin si sir na kanina ay nagdidisscuss.
"Were sorry were late sir" -paghingi namin ng tawad kay si aljon.
"Why are you late?" -tanong ni Sir.
"Nag-CR po kasi kami sir. kaso nalock yung pinto. mabuti nalang po may dumating na studyante at nabuksan ang pinto" -Pagsisinungaling namin. Alangan namang sabihin kong nakipag-usap kami sa isang card. Diba ang Wierd naman nun. At baka sabihin nya pang baliw kami eh. Kaya wag na!
"Ok so may Assignment ba kayong tatlo?" -tumango naman sila elise at ayanna.
"You Ms.Chloe ann santos. May assignment ka ba?" -tanong ni sir sakin.
"Assignment ba sir? hmmm. ano ba yun?" -pambibiro kung tanong.
"Ayan ka na naman Ms.chloe nagbibiro ka na naman" -natatawang saad ni sir.
"Alam na alam ni sir ah---hehehe.Syempre sir may assignment ako. ako pa ba" -pagmamayabang ko. kaya napatawa nalamang si sir pati yung mga kakalase namin. Maliban sa mga tarnsfer.
BINABASA MO ANG
The Cardcaptor Princess
FantasíaSya Si Chloe Ann, Ampon Ng mag-Asawang 'Santos' na sila Klara at Nicolas. si chloe ay isang babaeng walang Maalala sa nakaraan nya ngunit Meron Itong Tinatagong Kapangyarihang walang sino man ang nakaka-alam maliban sa kanyang dalawang pinagkakatiwa...
