PROLOGUE

22 2 0
                                        

Sa kaharian ng Cardenia Lugar ng mga Cards Sa kahariang ito ay may dalawang kambal na prinsesa. isang Itim ang card at ang isa naman ay Puti.

          Ang Princessang may puting Card na si Prinsesa Cardelia ay Mabait, May Respito, ­Maalalahanin, ­Magalang , Maganda at Mapagmahal. 

         Ang Princessang May itim na card naman na si  Prinsesa Nightelia ay maganda din subalit Kabaliktaran ang kanyang ugali kumpara sa kakambal.

Ngunit kahit ganun ay mahal pa din sya ng kanyang kambal na Si cardelia. Kaya sa panahong pipili na ng Reyna sa Cardenia si Goddess Alhea (God of The Goddesess) Pinili nya si Prinsesa Cardelia. dahil ito ay mayroong busilak na puso na kailangan sa pagiging susunod na reyna ng Cardenia. Kaya nong nalaman iyon ni Prinsesa Nightelia ay hindi nya matanggap na ang kanyang kambal ang susunod na maging Reyna. dahil gusto nya na sya ang maging reyna. ngunit hindi sya ang napili dahil sa kanyang masamang pag-uugali. Kaya ng Lumaki si prinsesa nightelia ay napuno ang kanyang puso ng pagka-inggit, galit.­ dahil attention ng lahat ay nakatuon kay prinsesa Cardelia ganun din ang attention ng kanilang mga magulang.

      Kaya sa subrang Pagka-inggit ay nagawa syang kontrolin ng Goddess ng Mga itim na si Goddess Arzola  at Hindi sya nagdalawang isip na paslangin ang kanyang ina at ama.  pinagtangkaan nya ring patayin ang kanyang kambal ngunit pinagtanggol ito ni goddess alhea kaya hindi nya napatay si Cardelia.

       
            Lumipas ang panahon at kinuronahan na si prinsesa Cardelia. naging masaya ang lahat ng kahariang nasasakopan ng cardenia ng malamang Reyna na ang kanilang Mabait na Prinsesa na si Cardelia. subalit may isang hindi naging masaya sa nangyari. iyon ay walang iba kundi si Prinsesa nightelia.

      Nagpakasal si nightelia sa anak ng Hari ng kadiliman. at naging reyna si nightelia ng mga itim na cards. Si Cardelia naman ay nagpakasal sa kanyang napakabait na Kasintahang si Prinsepe Zakier at nagpatuloy sa pagging mabait na reyna.

Simula noon ay naging magkalaban na ang magkapatid hanggang sa magsilang si Reyna cardelia ng isang Prinsepe. sumunod naman ay nagsilang sya ng napakagandang Prinsesa. Ngunit noong isinilang nya ang kanyang prinsesa ay bigla itong umilaw kasabay ng pagbaba sa kaharian ni goddess alhea at sinabing......

"Ang iyong Prinsesa Reyna Cardelia ay Ang Magiging Katuparan Ng Propesjya. Dahil sya Ang May Purong dugo ng pagiging isang Goddess. At ang syang susunod na hihiranging goddess ng cardenia. Sya ang tagapagligtas ng buong Kaharian ng Cardenia. Sya ang pag-asa ng  lahat. Sya lamang ang Makakahuha ng mga  Makapangyarihang Cards ng Cardenia. Sya Din ang  makakapagpabago sa iyong Kapatid na walang Kasing ubod ng sama. Ngunit mayroon din ito ng dugong pagiging Itim na Cardian. Kaya Pwedeng maging Kabaliktaran ang  Mangyayari sa Propesiya. Sana ay Inyong bantayan ng Mabuti ang  Prinsesa. Wag Nyo Syang Hayaang Makuha ng Mga itim na Cardian"

Yan ang katagang hinabilin ni goddess alhea kay reyna cardelia. ngunit darating ang araw na Kailangan nilang ipadala sa mundo ng mga tao ang prinsesa at kailangang syang alisan ng ala-ala makakaya nya kaya ang maging Mortal?

At sa panahong babalik na sya sa cardenia ano ang magiging Buhay nya? Ma-aalala pa nya kaya ang lahat? matutupad pa kaya nya ang nakatalaga sa propesiya? Hihirangin nga ba sya bilang ang susunod na Goddess ng buong cardenia?
.
.
.
.
.
.
.
.
****
©Jeji_Park05

Please kindly Follow, Vote, and Comment If you like it^ω^

Kamsahamnidaฅ'ω'ฅ

The Cardcaptor PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon