CHLOE'S POV
"CARDS,Cardenia,ama,ina,kuya,keo---"
"ATE CHLOE!!!" -napabalikwas naman ako sa higaan ng marinig ang malakas na sigaw ni zoey. Bakit palagi ko yung binabanggit sa panaginip ko? Ang wierd talaga. Kasing wierd ko.
"Oyy ate chloe. bumangon ka na dyan. naghihintay na si ate ayanna at si ate elise sa baba. mala-late na tayo sa school ATE!!!" -bulalas ni Zoey kaya napatakip nalamang ako sa aking mga tenga.
Ang lakas sumigaw parang masisira yung eardrum ko.
" anong oras na ba?" -tanong ko rito.
"seveen pm na po ate chloe at start ng pasok ay seveen fifteen ka----"
"pumunta ka na sa baba maliligo na ako" -pagputol ko sa sasabihin nya at agad ng tumakbo papasok sa banyo.
"Magic kwentas. RELEASE!!" -sigaw ko. Agad namang lumitaw ang kwentas ko at naging baton.
Mamaya nalang ako mag-eexplain nagmamdali kasi ako eh.
"slowmotion card. dinggin mo ang tinig ko at ngayun ay lumabas ka" -sigaw ko ulit at iwinasiwas ang baton. hanggang sa lumabas na yung spirit ng slowmotion card.
"slomotion Start now" -ani ko at ayon nag-slowmo na yung buong paligid kasama na dun ang oras. kaya naligo na ako. pagkatapos ay nagsuot na ako ng school uniform. maiksi yung palda kaya nagsusuot ako ng Cycling.
"Ayan na tapos na. slowmotion end at bumalik ka na sa baton" -ani ko kaya bumalik na yung card sa baton at yung baton naman ay naging kwentas na at bumalik na sa leeg ko. kinuha ko na yung bag ko at yung phone at agad ng lumabas.
"Chloe anak kumain ka na. kanina pa naghihintay sila ayanna at elise sayo" -pagsalubong ni mama sakin pagkababa ko.
"Tulog mantika kasi si ate e." -rinig kung reklamo ni Zoey. Kaya tumabi na ako sa kanya at siniko yung tagiliran nya.
"Blehhhh" -dinilaan nya ko at umatras.
"Cge ganyan ka na sakin. bahala ka hindi na kita isasama sa paglipad mamayang gabi" -pananakot ko. Yup alam nila na may powers ako. Pero sila papa, mama, zoey at yung dalawa kung kaibigan.
"Ehhh ate nagbibiro lang ako. Love you ate chloe" -paglambing nya kaya ngumiti nalamang ako.
"O sya kumain ka na chloe bilisan mo" -ani mama. Sabay lapag ng plate na may kanin at ulam sa tapat ko. Sinimulan ko namang kainin yun.
"Bilisan mo chloe mala-late na tayo nito eh" -ani Ayanna.
"sinabi na kasi namin kagabi na wag ka ng mag-over time eh. pero nag-over time ka padin" -napatingin naman sakin si mama dahil sa narinig nya kay elise. si elise naman ay napatutop sa labi nya.
"Totoo ba yun chloe?" -ani mama.
"Ikaw kasi lis e" -napa-peace sign naman sya.
"Chloe anak. Sabihin mo nga sakin.nagtatrabaho ka padin ba sa resto?" -mahinahong tanong ni mama.
"O-opo Ma. gusto ko lang naman kasing makatulong sainyo ni papa eh" -sagot ko. Mahirap lang kasi kami eh. Tapos si Zoey hinihika pa minsan, ako naman ay malapit ng mag-graduate. At mag-collage Kaya gusto kung makatulong kila mama sa gastosin.
"Anak ayaw namin ng papa mo na nagtatrabaho ka at shaka meron naman tayong karenderya eh" -sabi ni mama.
"Pero Ma ayaw kung kayo lang ang napapagod. Gusto kung makatulong sainyo. Dahil kayo na nga ang nagpalaki sakin tinuring nyo na akong tunay na anak. kayo ang gumastos sakin kaya sana Ma. Pagbigyan mo akong magtrabaho" -pagpapacute ko kay mama.
"Anak kung gusto mong magtrabaho.tulungan mo na lang kami ng papa mo sa karenderya" -sabi ni mama.
"cge po ma" -sagot ko at binilisan na ang pag-ubos ng pagkain.
hanggang sa maubos ko na ang pagkain ko. ay agad na akong nag-tootbrush. kinuha ko na rin yung baon kong pera at nagpa-alam na.
"bye ma. alis na kami" -pagpapa-alam ko at humalik sa pisnge ni mama..
"Bye po mama" -pagpapa-alam ni Zoey at humalik din sa pisnge ni mama.
"Mag-ingat kayo" -habilin ni mama.
"ok po tita/mama" -sabay naming sagot ng mga kabigan ko at ni Zoey. Pagkatapos ay agad na kaming naglakad.
"ZOEY!!" -napalingon naman kami sa tumawag kay zoey. yung bestfriend lang pala ni Zoey na si jake habang tumatakbo palapit samin.
"Oh jake. di ka ba ihahatid ng papa mo?" -tanong ko kay jake.
"Busy daw po kasi sya ate chloe e. Kaya hinintay ko nalang kayo na dumaan" -sagot nya.
"ahh ganun ba
Oh cge tayo na" -sabi ko. kaya sumabay na si Jake kay Zoey sa paglakad..
"May assignment ka ba zoey?" -rinig kung tanong ni jake kay zoey.
"yup ako pa" -sagot ni zoey.
So habang naglalakad kami ay magpapakilala muna ako. Hmmm ako nga pala si ariel. Tumakas lang ako sa karagatan at pumunta dito sa lupa. Charrooot!! So ito na yung totoo. Ako si Chloe ann yan yung pinangalan ni mama klara sakin nong inampon nila ako ni papa nicolas siyam na taon na ang nakalipas. Nakita lang daw kasi nila ako nun sa kagubatan. Sa may malaking puno 'daw' sabi ni mama parang magic daw ang nangyari bago nila akong makita. E kasi lumiwag daw muna yung malaking punong kahoy bago ako makita ni mama dun na walang malay. Gumising ako nun na nasa bahay na nila na walang ma-alala kahit ang sarili kung pangalan. Kaya inampon nalang nila ako. Si zoey naman ang baby nila noon pero ngayun ten years old na sya at ako naman ay seventeen. Shaka pala meron ang sasabihin pero wag nyong sabihin sa iba ha. This is My secret kaya itikom nyo yang mga mata nyo---heheh! Di biro lang.
So ito na nga ang sasabihin ko. Hindi ako normal na tao. Dahil meron akong powers. Kaya kung lumipad. Nalaman ko ito noong nine years old ako.
Umakyat kasi ako nun sa puno ng mangga para makuha ang sarangola namin nila Ayanna at elise. Pero nadulas ako. Kaya napapikit nalamang ako nun. Para hintayin ang pagmagsak ko sa lupa. Pero laking gulat namin ni ayanna at elise ng lumutang ako. Mabuti nalamang walang tao nun sa buong paligid walang nakakita maliban saaming magkaka-ibigan.
at shaka meron pala akong magic kwentas. Isa pa meron din kong mga magic cards. Kapag nakahuli ako ng isang card. Pumapasok iyon sa magic kwentas ko.
Nahuli ko yung unang card ko noong ten years old palamang ako. Akala ko nanaginip lang ako nun. Pero hindi pala. At sa bawat paghuli ko sa mga cards ay meron akong naa-aalala na iwan. Mukang ala-ala sa nakaraan ko na matagal ko ng gustong malaman.pero di ko ma-aninag ng mabuti ang mga ala-ala dahil malabo ang mga mukhang nakikita ko. Ganun din sa mga panaginip ko. Lahat ay hindi ko ma-aninag ng mabuti.
"HOY CHLOOOOE!!!"
Nabalik nalang ako sa aking sarili ng sinampal ako ni Elise.
Si elise ang anak ng kapitbahay namin na laging nagpapahiram ng mga damit noon. Hanggang sa naging kaibigan ko nlamang sya.
"arrayy" -huling pag-daing ko sabay hawak sa pisnge na sinampal nya.
"Bat ka nananampal lis?" -inis na tanong ko sa kanya.
"Tulala ka eh. Ni hindi mo na namalayan na dito na tayo sa gate ng school nila Zoey" -ani nya. Kaya napatingin nalamang ako kay zoey.
"Pasok ka na Zoey baka ma late ka pa"
"bye ate" -pagpapa-alam nya sabay halik sa pisnge ko.
"Bye din at Jake wag mong iwan yung kapatid ko hah" -habilin ko.
"Masusunod po ate Chloe" -sagot ni jake at agad na silang pumasok sa gate.
"Tayo na baka masarhan pa tayo ng gate nito eh" -reklamo ni Elise.
"oo na tayo na" -sabi ko kaya nag-umpisa na naman kaming naglakad.
Si elise ay matapang, palaban, madaldal at napaka-sumbongira minsan. Si ayanna naman ay mahinhin,iyakin at napaka-tahimik. Ako naman ay--hmmm iwan. Lahat naman yatang ugali ay andito sakin eh.
"MANONG ISKO TIGIIIL!!" -biglang sigaw naming tatlo ng makitang isasara na sana ni Manong isko[ang guard ng school] yung gate ng school.
"palagi naman kayong huli eh. Kaya pasok na" -ani manong isko.
"thank you po manong isko" -pagpapasalamat naming tatlo at agad ng tumakbo papasok.
Ilang saglit pang paglalakad sa corridor papuntang first subject namin ay nag-bell na. ibig sabihin start na ng classe.
"TAKKKBO!!" -sigaw naming tatlo at agad ng tumakbo papuntang first subject. pagkarating namin ay agad na kaming pumasok. kaya napatingin samin ang mga kaklase at shaka yung english teacher namin na pupunta na sana sa blackboard.
"were sorry were late ma'am" -hingal naming paghingi ng sorry kay ma'am Jessiel. [english subject teacher]
"That's ok. Kaya pumasok na kayo para makapag-discuss na ako" -nakangiting saad ni ma'am kaya pumasok na kami at nagsi-upo na sa mga upuan. At nagsimula na sa pagtuturo si ma'am jessiel.
"pstt" -sitsit sakin ng katabi kong lalaki. Babae,lalaki kasi yung arrangement ng upuan namin. Yung katabi ko namang to ay si clyde. Palagi yang nagpapansin sakin. Maganda daw kasi ko. Brown hair,brown eyes,kissable lips,pinkish cheek, pointed nose, maputi at shaka super bait daw. Pero hindi lang naman si clyde ang nagpapansin sakin dahil meron pang iba. Hindi ako assumera. Dahil nagsasabi ako ng totoo. Wag kayong ano dyan baka magalit ako sainyo---charr biro lang naman kaya peace.
"Pstt, Chloe" -napalingon naman ako sa kanya.
"Bakit?" -mahinang tanong ko.para naman hindi kami marinig ni ma'am jessiel.
"Pwede bang sabay tayong mag-lunch mamayang lunchbreak?" -ani nya.
"Palagi naman tayong kasama nila elise at Ayanna diba?" -kunot-noong tanong ko sa kanya.
"hyyst! Hindi na naman ako makaka-diskarte kay chloe mamaya. Dahil makakasama na namin si elise sungit"-basa ko sa isipan nya.
Yup nakakabasa ako ng isipan. Ang galing diba?
"Yung gusto ko sana yung tayong dalawa lang" -ani nya. Takot kasi sila kay elise. Kasi nga kapag nagpapansin o dumidiskarte sila sakin. Binubulyawan sila ni elise---hahahah!
"nope di pwede. Baka kasi magalit yung mga kaibigan ko eh" -ani ko.
"ano ba naman yan, hyyyst"-basa ko sa isipan nya. Soweey ka, dahil mas gusto kung kasama ang mga kaibigan ko kaysa sainyo.
"Ahh ok fine" -ani nya. Ngumiti nalamang ako at ibinalik na ang attention kay ma'am na nagdi-discuss sa harap.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
"ok class Dismiss" -ani ma'am jessiel. kaya nagsitayo na kaming lahat at kinuha na yung mga bag.
"chloe bilisan mo" -tawag sakin nila Ayanna at elise.
"Andyan na" -ani ko sabay sukbit ng bag sa likuran ko at lumabas na kami.sumunod naman samin si clyde.
"Hi Chloe. good morning" -pagsalubong sakin nila Sam at Glen. Yan pang dalawa na yan.nagpapansin din yan sakin. Ang haba ng hair ko noh? Charrot---ang harot mo talaga self--hehehe 'peace'
"Good morning nyo yang mga mukha nyong dalawa at ikaw din clyde.lumayo ka sa kaibigan namin" -bulyaw ni elise sa mga lalaki.kaya napatawa nalang ako ng mahina at maikli.
"Elise kahit kailan napakasungit mo.Kaya nga siguro wala kang boyfriend eh.dahil kahit maaga pa ay nagiging dragon ka na" -ani Clyde.
"yeah totoo yun" -pagsang-ayon ni Sam at Glen.
"E, ‛ano naman kung masungit ako hah?" -sarkastikang tanong ni Elise sa kanila. kaya ayon nagsi-bangayan na naman. Hyy naku! Self mag-isip ka ng joke para matigil na sila.
"Ahmmm guys anong tawag sa isda na ginagata?" -pagsingit ko sa pagbabangayan nila. napatingin naman sila sakin.
"hohh mabuti naman huminto na sila sa pagbabangayan" -basa ko sa isip ni ayanna.
Ayaw nya talaga ng maingay eh.
"Ano?" -tanong nila Elise,Clyde,sam at glen.
"Edi ginataang isda" -sagot ko at tumawa. Tumawa naman si Clyde,sam,glen at Ayanna sa corny kung joke. pero si Elise kunot-noong tumingin samin. Corny na kung corny alteast tumawa.
"Tumigil na nga kayo sa kakatawa.Dahil papasok pa tayo sa second subject" -ani elise at lumakad na kaya sumunod na kami sa kanya. Classmate naman namin sila Sam at glen sa second subject hanggang last e.kaya sabay na kami.
Mga ilang saglit pang paglalakad ay narating na namin ang room ng Second subject namin Math. kaya agad na kaming pumasok. hindi pa naman kasi nagdi-discuss yung teacher namin na si Sir Aljon. Kaya agad na kaming umupo sa mga upuan namin. katulad ng kanina sa first subject katabi ko parin si clyde. Parang nakatali na yung upuan nito sakin eh. Lahat kasi ng subject namin palaging kaming dalawa ang magkatabi. Ayyy maliban pala sa last subject namin sa hapon. Di kasi kami magkaklase dun. Dahil sila ni elise ang magkaklase.
"Class kompleto na ba kayong lahat?" -tanong ni sir aljon saamin. kaya lahat kami ay nagpalinga-linga para tignan kung kompleto na ba. pagkatapos ay tumingin na ulit kami kay sir.
"Yes sir" -sagot naming lahat.
"Good. So our topic today is all about blah blah blah blah blah.." -Pag-discuss ni Sir. pagkatapos ay pinasulat nya kami ng lecture note. Tapos pinapa-answer nya sa mga kaklase namin ang mga equation na nakalagay sa Blackboard and then---
"Get One half shet of paper" -ani sir aljon. kaya nagsikuha na kami ng papel sa mga bag namin.
"And answer this equation in 5 minutes" -ani ulit ni sir. habang tinuturo ang natirang equation sa blackboard na hindi na answeran ng mga kaklase ko. Ang dali lang naman nyan eh. Tapos di pa na answeran. Hindi sa nagmamayabag ako hah. Pero kahit hindi ko pakinggan ang mga discussion ni sir. Lagi ko namang nakukuha ang mga tamang sagot sa mga pinapasagutan nya samin. Dahil isang tingin ko lang sa mga katanongan ay may nakalagay na sagot agad sa isipan ko. Siguro part of my ability's yun. Diba ang galing?. Pero kahit magaling ang ganun. Parang pakiramdam ko nagche-cheat ako sa klase.
"pstt, Chloe may sagot ka ba?" -mahinang tanong ni Sam sakin. nasa likuran kasi namin sila. katabi nya si Ayanna.
"Always naman e" -sagot ko..
"pa-copy" -ani nya.
Hyy naku!
"Oy sam. gusto mo bang pagalitan si Chloe ni sir aljon mamaya?" -tanong ni ayanna kay sam.
"Hindi" -ani sam.
"Yun naman pala e. so wag ka ng mang-hingi ng answer sa kanya baka makita ni sir. mapapagalitan pa sya" -ani ayanna.
"Hyyst Ok! pa-copy nalang ng answer mo. magkatabi naman tayo eh" -sabi ni sam kay ayanna.
"Hyyyst Ok" -napipilitang saad ni Ayanna. Hyy naku! Bagay talaga kayong dalawa. Isang mahinhin at isang madaldal na lalaki. Ako naman bagay kay---hmmm WALA!! Wala akong gusto ni isa sa kanila. Family is my priority eh. Kahit hindi ko sila tunay na pamilya sila padin ang priority ko.
"Ok class pass your papers" -ani sir aljon. kaya ipinasa na namin ang mga papers namin sa unahan.
"lahat na ba nandito?" -tanong ni sir.
"yes sir" -sagot naming lahat.
"Ok good so Copy this assignment at kailangan lahat kayo merong assignment bukas. Dahil kapag wala.hindi kayo makakapasok dito sa classe ko" -ani sir aljon.
"copy po sir" -sagot naming lahat. kinuha ko na yung notebook ko at Kinopy na yung assignment. Pano ko masasagotan to mamaya? E may trabaho pa ako. Hyyst gagamit na nga lang ako ng card mamaya para mapadali ang pagsagit ko. Pero---hyy naku! Pandaraya yun eh. Bahala na. Sasagotan ko mamayang gabi pagkatapos ng trabaho. Ok lang kahit magpuyat ako.
mga ilang minuto pa ay nagbell na ibig sabihin lunchbreak na.
"Ok class dismiss" -ani sir aljon. inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na ng Classroom.
"Girls libre namin kayo" -pagyaya nila clyde,sam at Glen.
"No may pera naman kami eh" -pagtanggi namin nila elise at ayanna.at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang Cafeteria para maka-order na ng pagkain. yung mga boys naman ay sumunod na saamin.
"Ahmm Chloe!" -tawag sakin ni Glen habang naglalakad.
"oh bakit?" -tanong ko habang patuloy padin sa paglalakad.
"May joke ka pa ba?" -pabalik nyang tanong. Aba! Enterisado sa mga corny kung jokes.
"Oo naman" -sagot ko
"Cge mag-joke ka" -ani nya kaya napatawa nalamang ako ng mahina at maikli.
"ahmm Ikaw ay ABCDEFGHIJK?"-kumunot naman ang noo nya dahil sa tanong ko. ganun din sila sam at clyde.
"anong ibig sabihin nun?" -tanong nilng tatlo. Si glen lang naman ang tinatanong ko. Tapos tatlo ang---hyyst hindi talaga nagpapatalo.
"hmmm Attractive,Brilliant,Cute,Darling,Elegant,Funny,Gorgeous,Hot" -sagot ko. kinilig naman si glen lalong lalo na yung dalawa.
"Ehhh. My gusto ka na sakin no?" -kinikilig na saad ni Glen. habang papalit ng papalit sakin.
"Tsk. assumero ka glen. wala syang gusto sayo noh. Dahil sakin nya sinabi yun" -ani sam.
"ako yung gusto nya hindi kayo" -ani Clyde. Hahaha! Mga assumero.
"Di nyo manlang ba tatanongin kung ano ang IJK?" - napatingin silang tatlo sakin.
"di pa nga tapos si chloe. Kinikilig agad kayo. mga assumero" -mataray na saad ni elise.
"So ano yung IJK?" -tanong nilang tatlo.
"I'm Just Kidding" -sagot ko at tumawa. ganun din si Elise at Ayanna tumawa din. alam na kasi nila to eh.Kaya ayon yung mga boys parang nahihiya.
"Kala ko naman totoo" -sabay nilang tatlo. kaya lumakas pa ang pagtawa namin ng mga kaibigan ko.
"hyyst ! tama na nga yan. punta na tayo sa cafeteria" -inis na sambit ng tatlo. kaya lumakad na kami habang pigil parin ang pagtawa. hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. nag-order na kami ng pagkain at pumunta kami sa Garden.
Sa likuran ng school namin. may mga upuan kasi dito at meron ding punong kahoy. sa may ilalim ng punong kahoy kami palaging kumakain.
"Ahmm Guys apple gusto nyo?" -tanong ni Clyde samin.
"Wag na baka may lason pa yan e" -pagtanggi ni Elise.
"Ano ka si Snow white? napaka-assumera mo naman" -ani clyde.
"aba't Ginaga mo ba ako ? "-Galit na tanong ni elise. Suminghal naman si clyde.
"alam nyo bagay kayo? maging kayo nalang kaya? " - tinignan naman kami ni elise ng masama.
"No way! over my sexy body" -mataray na saad ni Elise. kaya nabulonan si Glen at Sam.
"Sam tubig oh" -ani Ayanna sabay abot ng tubig kay Sam.
"thanks yan" -ani Sam at nilagok na yung tubig. si Glen naman ay uminom na ng tubig. may tubig naman na kasi sa tabi nya.
"Sexy daw. Tsk mukang baboy na nga eh" -rinig kung bulong sa hangin ni Clyde. kaya kinurot ko yung tagiliran nya. malapit lang kasi sya sakin. At shaka hindi naman kasi totoong mukang baboy si Elise. Ang sexy nga nya eh.
"Bilisan nyo na nga lang ang pag-kain..para makapunta na tayo sa Science subject natin" -ani ko. tumango naman sila. kaya pinagpatuloy na namin ang pag-kain.
BINABASA MO ANG
The Cardcaptor Princess
FantasíaSya Si Chloe Ann, Ampon Ng mag-Asawang 'Santos' na sila Klara at Nicolas. si chloe ay isang babaeng walang Maalala sa nakaraan nya ngunit Meron Itong Tinatagong Kapangyarihang walang sino man ang nakaka-alam maliban sa kanyang dalawang pinagkakatiwa...