KEONO's POV
NAI-inis na ako sa mga kaibigan ng chloe nato kanina. Dahil inu-una pa nila ang Pagtatanong kaysa dalhin sa pagamotan si chloe kaya minabuti ko nalamang na buhatin sya. dahil nakakaramdam na ako ng pag-aalala.Di ko alam kung sino ang chloe nato ngunit labis ang pag-aalalang nararamdamam ko sa kanya. E di pa nga namin alam kung si claudiellena nga ba to o hindi eh.
"ahmm, Mr.Transfer pwede mo na akong ibaba" -napatigil na lamang ako sa paglalakad at tinignan ng malamig itong buhat ko.
"Nasan ba Ang paga--- Clinic pala.nasan ba yun?" -malamig kung tanong rito.
"dun pa sa bandang dulo. Pero pwede mo na ako---" -di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil ipinagpatuloy ko na ang paglalakad.
"Sabing pwede mo na akong ibaba eh" -rinig kung reklamo nya. ngunit di ko na yun pinansin bagkus ay ipinagpatuloy ko parin ang aking paglalakad."Mr.Transfer ibaba mo na ako" -nai-inis na ani nito.
"Sabi ng guro dadalhin kita sa clinic.kaya tumahimik ka dyan"
"Ehhh di naman masakit yung tiyan ko eh. kaya please ibaba mo na ako.pinagtitinginan na tayo ng mga student oh. di mo ba nakikita ? nakakahiya na" -napangisi nalamang ako sabay higpit pa ng pagkabuhat sa kanya."Ang gwapo ng transfer oh"
"Ehhhh, Sila ba ni Chloe?"
"Myyyghod, Transfer sya pero mukang gusto ko na sya. kyahhh !!! "
"Ang cute nya. Bagay sila ni Chloe"Mga naririnig kung bulungan ng ibang mga mag-aaral rito. Ngunit hindi ko na iyun inalintana.
"Hoy Mr.transfer kung ayaw mo akong ibaba. Dalhin mo nalang ako sa garden" -ani chloe. Ngunit hindi ko iyon pinansin."Ahmmm, Hi"
Biglang paglapit ng isang babae saamin. Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at tinignan ng malamig ang babae.
"Transfer ka ba?" -kinikilig na ani nito.
"Kyahhh!! Ang gwapo nya sana maging boyfriend ko sya, mygod makikipaghiwalay talaga ako sa boyfriend ko para sa kanya, ehhh"-Napangiwi naman ako dahil sa nabasa ko sa kanyang isipan. Ang landi naman nito, kaya nya ba papatol ako sa tulad nya? Tskk!!!"Ako nga pala si Natasha, e ikaw?" -nakangiting tanong nya.
CHLOE's POV
Hyy nako natasha di ka parin talaga nagbabago. simula Middle school hanggang ngayun malandi ka parin.Si natasha ay kaklase namin nila elise at ayanna noong middle school. Pero ngayun bumagsak sya sa last section. Malandi na kasi, bobo pa. Hindi sa nanglalait ako hah. Nagsasabi lang talaga ako ng totoo, dahil lahat talaga ng lalaki gusto nya mapasakanya. Hyyyst!!
"Arrraayy" -napatingin naman si keono sakin ng marinig ang pekeng daing ko.
"Hala Chloe! may masakit ba sayo?" -pekeng pag-aalala ng natasha na to.
"ang arte-arte naman ng chloe na to. Halata namang nagpapansin lang eh, hyystt!!" -basa ko sa isipan nya.
Oh diba? Sabi na nga ba e..... Plastik."Excuse, pwede ka bang tumabi?" -Cold na pagkasabi ni Keono the transfer sabay patuloy sa paglalakad na buhat parin ako. si Natasha naman ay tinignan ako ng masama kaya nginisian ko sya.
ilang saglit pa ay nakarating na kami sa clinic kaya ipinasok na nya ako sa loob.
"Hala chloe anong nangyari sayong bata ka?" -tarantang tanong ni tita Hazel yung nurse dito. Tita na yung tawag ko sa kanya dahil ang bait-bait nya.
"Wala po tita hazel" -nakangiting sagot ko sa kanya.
"E bakit ka nya binubuhat? at shaka iho transfer ka ba?" -tumango naman si Keono.
"Sabi kasi ng guro dalhin ko sya dito.dahil sabi nya sumasakit daw ang tiyan nya" -aniya habang saakin nakatingin.
"Chloe totoo ba yun?" -ani tita hazel.
"Ehhh tita Kasi" -kinakabahang saad ko.Ngayun ko lang talaga kasi nagawang magsinungaling dito sa school eh. Kaya kinakabahan ako sa magiging reaction nya.
"Chloe, Nagsinungaling ka ba sa teacher nyo hah?" -Taas kilay na tanong ni tita hazel. Kinakabahan naman akong tumango.
"aba't bata ka. Isusumbong kita sa mama mo. Napakabait mo pero Nagawa mong magsinungaling" -sermon ni Tita Hazel. Kaya't napapikit nalamang ako.
"Tita. Wag pls"
"O sya iho ibaba mo na yan" -utos ni Tita kay Keono na agad nya namang sinunod.
"at sama bumalik na kayo sa Classroom nyo" -dagdag pa ni tita hazel.
"Opo tita. basta po wag mong sabihin kay mama na nagsinungaling ako hah" -nagpapacute na ani ko.
"Hyyy bata ka O sya cge. Basta bumalik na kayo sa classroom" -nakangiting saad ni tita. Agad ko naman syang niyakap.
"thanks tita hazel" -sabi ko sabay ngiti ng napakatamis. pagkatapos ay lumabas na ako sumunod namn sakin si keono. pagkalabas namin, agad kung hinarap si keono. ngumiti muna ako saka nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/239804569-288-k48212.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cardcaptor Princess
FantasíaSya Si Chloe Ann, Ampon Ng mag-Asawang 'Santos' na sila Klara at Nicolas. si chloe ay isang babaeng walang Maalala sa nakaraan nya ngunit Meron Itong Tinatagong Kapangyarihang walang sino man ang nakaka-alam maliban sa kanyang dalawang pinagkakatiwa...