CHAPTER 05

4 2 0
                                    

LILY'S POV
"MATULOG ka ng mabuti Princess Claudielle" -bulong ko ng makitang nakatulog na ang mahal na princessa.
Alam kung sya ang princess dahil ako ang kanyang fairy card na syang tagapag-bantay. Simula ng mapa-idala sya dito sa mundo ng mga tao. Sumunod din sa kanya ang ibang mga cards ng iba't ibang kaharian sa cardenia. Kasama na ang ibang mga royal cards nya. Matagal ko na rin syang binabantayan dito sa mundo ng mga tao. Kaya nasaksihan ko ang lahat ng nangyayari sa kanya. Lahat na kung paani sya pinalaki ng mabuti ng mga umampon sa kanya. At ang lahat na iyon ay binabalita ko sa mahal  naming Goddess na si Goddess alhea. Hanggang sa ini-utos nya saakin na magpahuli sa sarili kung princess para mabantayan daw sya ng mabuti. Dahil merong mga itim na cardian na naghahanap sa kanya dito sa mundo ng mga tao. Kaya kailangan nasa tabi nya ako. At ang ginawa ko kanina na sinabi kong hindi mabasa ang kanyang isipan ng kung sino mang kagaya nya. Isa iyong barrer. Ginawa ko iyon para hindi maramdaman ng kahit na sinong cardian ang kanyang malakas na enerhiya. Ginawa ko iyon Dahil iyon ang sinabi saakin ni goddess alhea na walang dapat maka-alam na sya ang princessa. Dahil merong mga itim na cardian ang nagpapanggap na mabait para lamang makuha ang itinakda.
"ina,ama" -rinig kung saad ni princessa claudielle habang sya'y nakapikit.
Siguro'y napapanaginipan nya uli ang kanyang tunay na mga magulang. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya ito maaaninag ng mabuti.
"Matulog ka ng mabuti mahal na princessa" -ani ko at pinaliparan sya ng fairy dust ko. para makatulog sya ng mabuti.

KINABUKASAN
CHLOE'S POV
"ATE chloe" -dahan-dahan naman akong napamulat ng maramdaman ang pagdotdot ng daliri ni zoey sa pisnge ko.
"Late na naman ba?" -humihikab kung tanong sa kanya.
"Himala ate chloe nagising ka Sa unang pagising ko sayo. sa pagkakatanda ko. nagigising ka sa anim na bisis kung pagyugyog sayo" -ani nya. kaya kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng unan at tinignan ang oras.
Aba! Nagising ako ng six am at shaka di ko na napanaginipan ang mga wierd dream ko---galing!
"Kakagising mo lang din ba?" -tanong ko kay Zoey. tumango naman sya.
"Ahh so sabay na tayong maligo?" -nakangiting tanong ko sa kanya.
"Geh ba" -sagot nya.
"Kung sinong huling makapasok sa banyo syang Pangit" -ani ko sabay baba sa kama at tumakbo. humabol naman sya. hanggang sa ako ang naka-unang pumasok sa banyo. Sino naman ang hindi mau-una kung ikaw ang naunang tumakbo---hahahha!
"Pangit si Zoey" -pambibiro ko at sabay tawa.
"So ibig sabihin ate. pangit ka din" -kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Pero bakit? eh ako ang nauna" -ani ko.
"Syempre ate nagmana lang naman ako sayo. so kung pangit ako. mas pangit ka" -ani nya sabay tumawa. Pilosopo din tong kapatid ko eh. Kaya kinuha ko na yung tabong my tubig. at ipinaligo sa kanya sabay tawa. Kaya kinuha nya rin yung isang tabong may tubig at binasa ako. kaya ayon nagbasaan kaming dalawa dito sa banyo.
"Zoey,Chloe. gisi­ng na ba kayo?" -napatigil naman kami sa pagbabasaan ng marinig si mama.
"Opo mama. gising na kami. nandito nga po kami oh. naliligo" -sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun.Magluluto muna ako ng agahan nyo" -ani mama. kaya nagpatuloy na kami sa paliligo ni zoey.
"Ahmmm ate chloe. narinig ko kagabing may kausap ka at sinabi mo pa na Lily pangalan nya at shaka Kagaya mong may powers. Totoo ba yun? o guni-guni ko lang?" -tanong ni zoey sakin habang naliligo kami. Narinig nya siguro ang pag-uusap namin ng bagong card ko kagabi.
"narinig mo pala yun" -taning ko.
"So totoo nga yun ate? pwede bang makita?" -exited nyang tanong. Napatango naman ako at hahawakan na sana yung kwentas ko na nasa leeg ng biglang ma-alala ko na hindi ko pala yun binalik sa baton.
"Ahmmm Lily" -tawag ko. dahil alam kong nandyan lang sya sa kwarto.
"Anong kailanga----" -di nya natuloy ang sasabihin nya dahil bigla syang nawala. Siguro dahil nakita nya si Zoey.
"Saan na ate?" -takang tanong ni zoey.
"Chloe bakit mo gustong ipakita ako sa kapatid mo?" -biglang bulong ni lily sa tenga ko. So ibig sabihin kaya nyang maging invisible?---WOW galing!
"Lily wag kang matakot sa kanya.dahil alam nyang Hindi ako tulad nila At shaka mabait sya" -ani ko.
"Totoo?" -tanong ni lily. tumango na lamang ako.
"Ate sino--- Wow ang ganda nya pala..at ang cute" -biglang saad ni Zoey. Kaya napalingon ako sa tabi ko. Napangiti naman ako ng magpakita na si lily.
"Ang liit nya ate Chloe.nPara syang fair--teka lang. mqy pakpak ka. maliit ka. iba ang suot mo kaysa samin. So ibig sabihin TOTOO KANG FAIRY?" - natawa naman ako ng palihim dahil sa biglang pagtalon ni zoey.
"Tama ka. isa akong fairy. dahil nakatira ako sa fairy kingdom. ngunit hindi ako tunay na fairy. tanging Card lamang ako" -sagot ni Lily sabay ngiti.
"WOW! totoo bang may palasyo? maganda ba? May mga magic din ba?" -sunod-sunod na tanong ni Zoey. Bata nga naman---hehehe!
"totoong may palasyo ngunit malayo rito. Maganda lahat at tama may mga mahika din" -sunod-sunod na sagot ni Lily.
"O sya tigil muna. baka ma late pa tayo mamaya eh" -pagsingit ko sa usapan nilang dalawa. kaya nawala ulit si lily.
"ayy sayang. marami pa sana akong itatanong eh" -paghihinayang ni zoey.
"Maligo ka na lang Zoey at wag kalimutan. walang pwedeng makaka-alam nito. maliban kila mama,papa,Elise at ayanna" -ani ko. Tumango naman sya kaya nagpatuloy na kaming dalawa sa paliligo.
         Mga ilang minuto pa ay natapos na kaming maligo kaya nagpalit na kami ng school uniforms at kinuha na yung mga bag namin At shaka yung phone ko at bumaba na.
"Good morning nak" -bati ni mama ng makababa na kami.
"Good morning mga anghel ni papa" -bati rin ni papa.
"Good morning din Pa,Ma" -bati namin pabalik ni  zoey at umupo na.
"Ang aga mong gumising ngayun Chloe ah" -di makapaniwalang saad ni papa.
"Anong meron? may crush ka na ba sa mga classmate mo? kaya maaga kang gumising" -dagdag pa ni papa.
"Wala no.Wala nga akong magustuhan sa tatlong mga lalaking nagpapansin sakin eh. tapos sasabihin mo Sakin papa na may crush ako" -pagtanggi ko.
Eh sa totoo namang wala akong crush eh!
"Suss totoo ba? o di kaya Meron na? Ayieee ang baby ni papa. dalaga na" -panunukso ni papa kaya napa-pout nalang ako.
"Ehhh Mama oh si papa. Sabing wala eh" -parang batang asta ko.
"Nicolas. Sinabi na nga ni chloe na wala eh. kaya tumigil ka na" -saway ni mama kay papa.
"Nagbibiro lang naman ako Ma eh" -ani papa sabay yakap kay mama na nagluluto.
"Ayieeee. Sweet ni mama at papa" -panunukso namin ni Zoey. Sana makahanap din ako ng lalaking katulad ni papa. Ang bait kasi ni papa, maaalahanin, at napaka-sweet.
"tumigil ka na nga dyan Pa.Hahandaan ko pa ng agahan yung mga anak natin. baka ma-late sila sa school" -ani mama. Agad naman akong tumayo.
"Wag na Ma. ituloy nyo lang yan. ako na ang maghahanda ng agahan namin ni zoey" -Pagprisinta ko sabay kuha ng pinggan.
"Oh diba meron na yang crush. kaya nagmamadaling mag-agahan para makita nya yung crush nya sa school" -panunukso ulit ni papa. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Papa. sabing wa--"
"Tao po" -naputol ang sasabihin ko ng may marinig na may tao sa labas ng bahay.
"Zoey pakitignan kung sino yung nasa labas pwede" -utos ko kay Zoey..
"Ako nalang. Zoey nak maupo ka lang dyan" -ani papa. Kaya bumalik na ako sa Paghahanda ng pagkain sa mesa.
"Tulungan na kita Ate" -pag-prisinta ni Zoey. tumango nalang ako kaya tumulong na sya.
"Chloe" -tawag sakin ni papa.
"Bakit pa?" -tanong ko.
"Hali ka muna dito" -ani papa. kaya napatingin nalang ako kay mama.
"Puntahan mo na. Ako nalang ang magpapatuloy ng ginagawa mo" -ani mama. kaya pumunta na ako kay papa na nasa pinto. Sino kaya yung taong nasa labas? Kapag si elise at ayanna naman kasi  pumapasok lang yun ng walang pasabi.
"Sino po ba yan papa?" -tanong ko kay papa ng makalapit na ako.
"Manliligaw mo" -natatawang sagot ni papa. kaya nanlaki ang mga mata ko at agad ng tinignan kung sino ang nasa labas.
"Anong ginagawa nyo dito Clyde,Sam,Glen?" -tanong ko sa tatlo ng makita kung sila ang nasa labas.
"Susunduin sana kita" -sabay nilang sagot. kaya napatingin sila sa isa't-isa.
"Ako ang nauna dito. kaya mauna na kayo sa school" -ani Glen.
"Hindi! Dahil ako ang nauna dito.sumunod lang namn kayo" -ani Sam.
"Ako ang nauna at hindi kayo. kaya alis na. Chupe!!" -pagtataboy ni clyde sa dalawa. napatingin naman ako kay papa.
"pinag-aagawan ang princessa ni papa ah" -natatawang saad ni papa..l
"Awatin mo nalang sila Pa. baka ano pa ang sabihin ng mga kapitbahay" -utos ko kay papa. kaya lumapit na sya sa tatlo.
"Boys Tumigil kayo. dahil kung hindi.ipapalipad ko kayo isa-isa" -napatigil naman sng tatlo sa pagtatalo ng marinig ang pagbabanta ni papa.
"Good. So pumasok muna kayo sa bahay. pag-pasensyahan nyo nalang dahil hindi kalakihan ang bahay namin" -anu papa.
"Ok lang po atleast maganda yung nasa loob ng bahay" -ani ng tatlo.
"Hyy naku! Pumasok na nga lang kayong tatlo. Ang dami nyo pa kasing satsat eh " -ani ko. Kaya pumasok na sila at pina-upo na namin silang tatlo.
"morning kuya clyde,kuya sam st kuya glen" -bati ni zoey sa tatlo.
"Morning din Zoey" -pagbati din ng tatlo.
"Sino sa kanila Nak?" -bulong na tanong ni papa at mama sakin.
"Ma,Pa. ano ba kayo. mga kaibigan ko lang sila" -ani ko.
"Gusto ko yung sam. Mulang bagay sila ng anak ko" -basa ko sa isip ni papa.
"parang bagay yung anak ko at yung glen na yun ah"-basa ko sa isip ni mama.
"Mukang masipag,matalino,mabait yung clyde. Sya nalang kaya ang para sa anak ko" -sabay na sabi ni papa at mama sa isipan nila. Kaya napangiwi nalamang ako sa inis.
"Ma,Pa" - napatingin naman sila sakin. At nag-peace sign.
Hyyy naku!!
"Tita,Tito. Gising na ba si chl--- bakit kayo nandito?" -gulat na tanong ni elise at ayanna ng makapasok sila sa bahay. O diba! Papasok lang talaga ang dalawa na yan ng walang pasabi.
"Bakit bawal ba?" -tanong ng tatlo kila elise at ayanna.
"Bago kayo mag-away dyan. maupo muna kayo elise at Ayanna. para maka-kain na kami ni Zoey at maka-alis na tayo" -ani ko. kaya umupo na yung dalawa. kumain naman kami ni Zoey. Habang sila papa at mama.namimili padin sa tatlo. Hyy naku! Sabing wala nga akong gusto sa tatlo na yan eh.
        Mga ilang saglit pa ay natapos na kaming kumain ni zoey kaya nag-tootbrush na kaming dalawa at nagpa-alam na.
"Ma, Pa. alis na ka---may nalimutan pala ako" -tarantang saad ko at dali-daling tumakbo papunta sa kwart at kinuha ko na yung pera sa ilalim ng unan ko shaka bumalik sa baba.binigay ko kay mama at papa ang kalahati ng sweldo ko at ang kalahati ay akin. Paglatapos ay umalis na kami.
"Chloe sakin ka sumakay" -pagyaya ni clyde.
"Wag ka sa kanya Chloe. sakin nalang" -ani Sam.
Halatang may gusto si ayanna kay sam kaya ayaw ko. Tapos si bagay sila ni clyde kahit mga aso't pusa silang dalawa. Kaya kay glen nalang pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko sya---NO!
"Kay glen nalang kami sasakay ni Zoey. Ikaw ayanna kay Sam at ikaw naman kay clyde elise" -ani ko sabay buhat kay zoey at isinakay sa motor ni glen. pagkatapos ay ako naman ang sumakay.
"Bye guys" -ani Glen at agad ng nag-drive.
"Bilisan mo kuya glen" -utos ni zoey.sinunod naman yun ni Glen. Kaya napahawak ako ng mahigpit sa balikat nya.
Kala nyosa bewang no? Blehh pwet nyo!
         Mga ilang minuto pa ay huminto na kami sa Harap ng school nila Zoey at saktong nandun naghihintay si Jake.
"Oyy Zoey" -tawag ni jake kay zoey.kaya ibanaba ko na si zoey.
"bye zoey" -pagpapa-alam ko at agad ng nag-drive si Glen. mga ilang saglit pa ay nakarating na kami sa school kaya pinark na ni glen yung motor nya at nag-stay muna kami. Para hintayin sila elise. Ilang saglit din ay.nakarating na sila. kaya pinark na ng dalawang boys ang mga motor nila at dali-daling bumaba si Elise sa motor ni clyde. Si ayanna naman ay tinulungan ni Sam.
"Thank you Sam" -kinikilig na pagpapasalamatni ayanna. Kaya palihim akong natawa.
"Pasok na tayo bilisan nyo" -ani clyde at binangga ang balikat ni glen..
Nyare dun?---hahah nabasa ko pa yung sinabi nya sa isip. Bago nya nabangga ang balikat ni glen. Sabi nya. Bakit kay glen sya sumakay nakaka-inis.
"Tara na chloe" -pagyaya ni ayanna at elise. kaya lumakad na kami.sumunod naman si glen at sam samin. Habang si Clyde nasa unahan. padabog na naglalakad.
"Ahmmm Nyare kay clyde?" -patay malisyang tanong ko kila elise.
"iwan" -sabay nilang sagot. Sabay tahimik ulit si ako naman ay agad ng lumapit kay clyde.
Mabait ako eh-hehehe!
"Ahmm Clyde" -sambit ko sa pangalan nya.
"Bakit?" -cold nyang tanong.
"Nyare sayo?" -natatawang tanong ko at lumakad ng nakaharap sa kanya.
"Umiwas ka" -ani clyde at hinawakan yung balikat ko at shaka iniwas sa mababangga ko sana.
"Soweeyyyy" -paghingi ko ng sorry sa mababangga ko sana. pero patuloy padin ako sa paglalakad na nakatalikod sa daang dinadaanan namin.
"Oyy chloe baka mabangga ka. kaya umayos ka na sa paglalakad" -ani clyde.
"dyan ka naman eh. diba best?" -ani ko. napasimangot naman sya at lumingon sya kila sam.
"oyy cly---" -di ko natuloy ang sasabihin ko ng may bigla akong mabangga kaya napapikit nalamang ako para hintayin ang pagbagsak ko sa sahig. pero parang may nakasalo sakin. dahil hindi ako bumagsak at meron akong nararamdamang kamay na nakapalupot sa bewang ko. kaya dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko. Pagkamulat ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang mukha ng lalaking sumalo sakin. Puti ang buhok nya at blue yung mga mata. Ngayun ko lang sya nakita dito sa School. Pero parang kilalang-kilala ko na ang mukha nya. Ang wierd!!
"Chloe" -sigaw ni Clyde at agad ng lumapit. Kaya pinatayo na ako ng lalaki.
"Miss Ok ka lang ba?" -tanong ng dalawang babaeng kasama ng sumalo sakin.
"Wala bang masakit sayo?"-tanong ng isa pang lalaki. na parang nag-aalala.brown na may pagka-yellow at shaka may pagkaputi rin ang buhok nya at yung mata nya naman ay green.
"Hi miss. ayos ka lang?" -tanong din ng isa pang lalaki. na red yung buhok at same ng mga mata sa nakasalo sakin. ngayun ko lang sila nakita dito..pero parang pakiramdam ko matagal ko na silang kilala at parang namimiss ko sila.
Hyyysstt----ang wieeeerrd mo self!
"Sorry sainyo kung nabangga kayo ng kaibigan namin. pero parang bago lang kayo dito ah. mga transfer ba kayo?" -tanong ni elise sa dalawang babae at tatlong lalaki.
"Ahmm Oo Transfer­ kami. Hinahanap nga namin yung Room ni Ma'am Jessiel daw. Tama ba guys?" -tanong ng babaeng dark brown ang buhok at matang may pagkapink. sa mga kasamahan nya.
"Oo tama ka" -sagot ng Babaeng Brown din yung buhok. pero violet ang mga mata.
"First subject namin si ma'am jessiel.kaya sabay nalang kayo samin" -pagprisinta ni Ayanna..
"Anong mga---" -di ko natuloy ang itatanong ko ng biglang nag-bell.
Hyy naku! Late na naman kami.
"anong ibig sabihin ng bell na yun?" -tanong ng lalaking red ang buhok. Hala! di nya alam kung anong ibig sabihin nun?
"it means nag-start na ang classe" -sagot ni Sam.
"Cool" -rinig kung bulong ng lalaki
Wierd!
"Sabay nalang kayo samin. Total sa Room din namin kayo pupunta eh.kaya tayo na" -ani Elise. kaya naglakad na kami. si clyde naman ay sumabay sakin sa paglalakad.
      Mga ilang minuto pa ay narating na namin ang classroom ni Ma'am jessiel.
"Clyde,elise,ayanna and specially chloe. Punta na kami sa first subject namin. Kita nalang tayo sa second subject" -pagpapa-alam ni sam at glen.
"Wag kalimutan yung Assignment para makapasok kayo" -pagpapa-alala ko sa kanila. tumango naman sila at lumakad na. Kaya pumasok na kami sa classroom pagkapasok namin ay napatigil si ma'am sa pagdi-dicuss at napatingin samin ganun din ang mga kaklse namin.
"were sorry were late ma'am" -paghingi namin ng tawad nila clyde pero yung mga bago hindi manlang nagsalita...
"Ok lang yun at kayong lima. Transfer ba kayo?" -tanong ni ma'am sa limang nasa likuran namin.
"Yes ma'am" -sagot nila.
"So come in and introduce your self too your classmate at kayong apat ma-upo na kayo sa mga upuan nyo" -mahinahong utos ni ma'am. kaya agad na kaming nagtungo sa mga upuan namin at umupo.
"Hi ako nga pala si Astre Fawn Sherlock, seventeen years old" -pagpapakilala ng babaeng darkbrown ang buhok at----ahhh basta nasabi ko na kanina.
"ako naman Si Leafa yuki Ramire, seventeen years old" -nakangiting pagpapakila ng isa pang babae.
"Ako naman si Firo sukie Peterson,eighteen years old" -pagpapakilala ng lalaking red ang buhok.
"Ako naman si Zakiero Chase Copper,eighteen years old" -pagpapakila ng lalaking parang nag-aalala sakin kanina.
"Keono katsukie Peterson,seventeen years old" -cold na pagpapakilala ng lalaking sumalo sakin.
Bakit parang narinig ko na yung mga pangalan nila. Parang familiar sila sakin. At yung zakiero at keono na yun parang gusto kong yakapin. Ano ko ba sila? Eh ngayun ko lang nga sila nakita. Pero hindi eh. Parang kilala ko talaga sila. Hyyyst! baliw na si ako.

******

The Cardcaptor PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon