District Meet 1

20 2 6
                                    

CHAPTER 6: DISTRICT MEET 1

Chase your dream by glydelantonio.


ATHENA'S POV

Pumito na ang referee at hudyat na para magsimula na ang laro. Lumapit ang dalawang team sa gitnang court. Private Vs Public School ang maglalaban. Ganon na rin sa amin, at sa iba. Hawak na ng referee ang bola at kinakausap na ang dalawang player na kukuha ng bola. Maya maya lang ay nag ready na ang dalawang team at hinihintay ang hudyat na paghagis ng bola sa ere.

*prrrrrrrrtt*

Ang public school ang nakakuha ng bola at nag simula na silang tumakbo. Naging madali para sa umang team ang makashoot ng bola sa ring. Kaya agad itong naka 1 point. Naging maingay ang crowd may mga nag c-cheer sa kani kanilang team. Kulay green ang public team at dark blue naman ang private team.
Maya maya lang ay tumunog ang phone ko kaya naman tinignan ko iyon.

*ting*

From: Love
Good morning love
Nasa school na ako:) Ingat ka

Napangiti naman agad ako sa chat niya

To: Love
Study well

From: Love
I love you <3

To: Love
I love you too

Napaka sweet niya kaya naninibago ako. Hindi kasi akong sweet na tao depende siguro sa mood. Pero mas madalas ang hindi.

"Nakakagutom" ani ni Scarlett
"Tara kain" sabat ko
"Ayoko pa mag rice eh" nakabusangot na sagot niya
"Biscuit?" tanong ko
"Ayoko non"
"Bananacue? Turon? Ayon oh" turo ko sa gawi ng likod namin na may maliit na tindahan
"Sige tara" aya niya kaya naman ay tumayo na kami at nagpaalam na muna kay Sir

"Pabili po" ani ko at saka lumabas ang manang
"Ano gusto mo?" tanong ko kay Scarlett
"Turon" si Scarlett
"Turon nga po apat" ani ko
Maya maya lang ay binigay na sa akin ang turon binigay ko naman kay Scarlett ang dalawang turon at saka nag bayad
"Pabili nga rin po ng buko juice" tinuro pa ni Scarlett ang buko juice na naroon may tsokolate ren
"Dalawa na" ani ko
Maya maya lang ay nakabili na din kami at saka pumasok na sa court.

Nang makaupo kami ay kumakain na kami ni Scarlett ang ibang players naman namin ay bumili rin ng makakain.
Maya maya lang ay naging mainit na agad ang laban, lamang ang public school. At ilang points na lang ay matatapos na ang laban.

*prrrrrrrrtt*

Pito ng referee at nanalo ang public school. Nagsigawan naman ang mga cheerer ng team na iyon 23 points ang lamang. Bago nag simula ang sunod na laro ay nagkaroon pa ng kalahating oras bago ule simulan ito. 

Maya maya lang ay nag ready na ang pangalawang mga manlalaro. Public Vs. Private paren iyon. Lumapit na ang dalawang team sa gitna ng court. Kinausap ule sila at ng okay na ay nag ready na ang lahat at inaantay ang hudyat. Maya maya pa ay inihagis na ng referee ang bola at nakuha iyon ng private school nagsimula ng tumakbo at habulin ng kabilang team ang bola. Hindi naging madali para sa public team ang makuha iyon sa private team. Kulang blue ang jersey ng public school at yellow naman ang kalaban nila. Nag hiyawan na ang ilan at unang puntos ay napunta sa private school. Ng nasa kabilang team na ang bola ay mabilis na napasa iyon at nashoot sa ring. Maya maya pa ay nagiging mainit na ang laban. Nagiging mas mabilis na ang public team kumpara kanina na chill lang sila. Nagiging mabagal naman iyon sa kabilang team na mukhang pagod na ang ilan sa kanila. Nagsisigawan na ang crowd maski kami ay naeexcite sa laro nila kumpara sa unang mga naglaro. Magagaling ang mga ito. Mukha mga sanay talaga na maglaro at halos lahat sila ay mga totomboy tomboy talaga kung gumalaw parang si Payne. Hindi tulad namin na babaeng babae kung gumalaw. Naging mabilis ang laban ng mga ito kumpara sa naunang team.

CHASE YOUR DREAMWhere stories live. Discover now