Maaga akong nagising sa tunog ng alarm ko kaya naman tumayo na ako para maligo. Nang matapos ay nag ayos na ako ng sarili ko. After class ay work immersion na namin kaya magiging busy na naman kami. Matapos kong kumain ay nag chat na agad ako kay Kurt.
To: Love
Good morning love! Otw:))Naglakad na ako palabas ng gate, as usual sa kanto kami nagkikita.
"Good morning love" bati niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko
"Mamaya na work immersion ko, antayin kita before ka maglunch"
"Okay love" nakangiting sagot niya
Nakarating na kami sa school, at may mga nakapila na sa court para mag flag ceremony. Pumila na ako sa pwesto namin at ganon din si Kurt. Halos magkatabi lang kami since yung pila ng boys ay nasa kaliwa naming mga pila ng girls.
Matapos mag flag ceremony ay umakyat na kami sa kanya kanya naming classroom. Maya maya ay dumating na din ang teacher namin at nag discuss na about sa work immersion namin. Since half day na lang kami ay after lunch ang schedule ng work immersion namin. After mag discuss ang adviser namin ay wala na kaming ginawa kung hindi ang antayin ang oras para umuwi. Nang mag lunch na ay nagchat muna ako kay Kurt before lumabas ng room. Maya maya din ay lumabas na ako at nakita si Kurt pababa ng hagdan."Uuwi ka na?" tanong niya
"Oo kakain muna ako tapos aalis din agad" sagot ko
"Sige love update mo ako ha" bumaba na kami sa court bago magpaalam
"Mag lunch ka na una na ako"
"Ingat love, i love you"
"I love you too" kumaway pa ako bago talikuran siya at saka lumabas ng gate
Nang makauwi ay kumain na agad ako at nag ayos ng sarili.
To: Gab
W r u na?From: Gab
OtwKinuha ko na agad ang bag ko at saka bumaba at nagpaalam na kay mama na aalis na. Nang makalabas ng gate ay nakita ko na agad si Gab sabay kaming pupunta sa school na ipapag work immersion namen. Since ayaw rin naming lumayo ay sa dating school na lang namin ni Gab naming napagdesisyonan na mag work immersion.
Nang makarating sa school ay inantay na muna namin sila John at Christine.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Christine ng makalapit siya sa amin
"Kararating lang den" sagot ko
"Nasaan na si John?" tanong ni Christine
"Otw na daw" sagot ni Gab
Maya maya din ay nakarating na si John
"Tara pumasok na tayo" aya ko sa kanila at pumasok na kame sa gate ng school
Maya maya pa ay nagtanong na kami sa isang teacher doon at pinaaantay sa amin ang maghahandle sa amin for work immersion.
After mag antay ng ilang minuto ay dumating na din ang hahawak sa amin for work immersion maya maya din ay binigyan na kami ng paperworks at agad naman naming sinimulan iyon para matapos agad. Since first day pa lang naman ay kaunti lang ang binigay saming gawain.
Nang matapos namin ang paperworks maya maya din ay dumating na si ma'am at pinauwi na kami kahit hindi pa oras ng out namin.
Nang makauwi ako ay nag chat agad ako kay Kurt na nakauwi na ako.
Matapos kong kumain ay nag half bath na muna ako bago humiga sa kama.
From: Love
Kumusta work immersion mo?To: Love
Ayos lang, kakaunti lang naman ang ginawa naminNag chat pa kami ng ilang minuto bago natulog.
After a week, November na so I decided na mag asikaso na for my debut party. Birth month ko na and excited na akong mag 18. Since Saturday ngayon ay ililista ko na muna ang mga iinvite ko sa birthday ko.
18 roses ,
18 candles ,
18 shots ,
18 gifts ,Ang ininvite ko lang ay mga close friends and relatives ko lang, ayoko ng madaming bisita (hindi naman lahat sila tunay lol)
Since hindi ko pa naaayos mga 18th's ko ay nag hanap muna ako ng debut ideas. Inisip ko ang gusto kong theme, invitation, souvenir, cake and gown.
Naging busy ako this month sa pag prepare ng birthday celebration ko. Nag hanap kami ng gown ni mama, after non nagpagawa ako ng souvenir, at pumunta kami sa isang bake shop para magpagawa ng personalized cake.
Gumawa na din ako ng invitation ko at ako mismo ang nag design non. At tinapos ko na din ang mga nasa 18th's ko at na print ko na din. Nag booked na din ako ng catering and photo booth.
Before a week of my birthday, sinend ko na via messenger ang mga invitations ko."Happy birthday to you .. happy birthday , happy birthdaaaaaay" napamulat ako ng mata ng makita si mama na kumakanta at ginigising ako ng halik niya
Thursday na pala ngayon at birthday ko na pero ang celebration ng debut ko ay sa Saturday pa.
Matapos kong mag almusal ay tinignan ko ang phone ko kung may chat na si Kurt.
From: Love
Good morning bb! Happy legality! Happy birthday!❤️ See you later!Napangiti ako ng makita ang chat niya kaya agad naman akong nag reply
To: Love
Good morning! Thank you love!❤️Agad naman akong naligo at nag asikaso. Papasok pa ako at after non ay work immersion na naman.
"Happy birthday love!" bati ni Kurt ng sunduin niya ako sa labas ng gate namin
"Thank you love"
Nang makarating sa classroom ay binati agad ako ni Queenie
"Happy birthday Athena!" sabay yakap sa akin
"Thank you!" kami pa lang dalawa ni Queenie ang tao sa classroom
Maya maya ay nagsisidatingan na ang iba naming classmates may mga bumati din sa akin at kinantahan pa nila ako nakakahiya gosh!
After ng class ay umuwi na kami agad para kumain at pumasok na din sa work immersion. Kakaunti lang din ang paperworks na pinagawa sa amin kaya maaga aga uli kami nakauwi.
Kinabukasan ay monthsary namin ni Kurt napag desisyunan kong dito na lang kami sa bahay nakakatamad lumabas ngayong araw. Kumain lang kami sa bahay at nagkwentuhan about sa school pati na para bukas.
Nang mag dinner ay tinawag kami ni mama upang kumain bago umuwi si Kurt. Nang matapos kaming mag dinner ay nagpaalam na si Kurt na uuwi na.
"Ingat thank you happy monthsary uli" ani ko ng makarating kami sa gate
"Happy monthsary din love. Bye" paalam niya at saka ako kumaway
Nang makapasok sa bahay ay umakyat na ako sa kwarto ko. Excited na ako para bukas, tinignan ko ang checklist ko kung kompleto na ba ang mga need ko para bukas. Masiyado akong na stress sa pag peprepared ng birthday ko kaya sana ay maging worth it ito.
to be continued ...
━━·。° ☆:*.☽.*: ☆ 。° ━━
(sorry super short update muna hehe)
YOU ARE READING
CHASE YOUR DREAM
RomanceMasaya at simple lang ang buhay ni Athena, sa huling taon niya sa highschool ay dadating si Kurt Cedric Alcantara sa buhay niya. Isang bagong estudyante sa Bright Academy. Maraming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan nito ngunit isang mahilig sa...