Prologue

248 23 13
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance  to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

                                                                             ***

"Good Morning Miss Min." Bating naka ngiti ni Dani. Ang aking sekretarya. 

"Morning." Bati ko pabalik. Maaga akong nagising ng umagang ito upang umpisahan ang mga naiwan kong trabaho mula noong iniwan ko ang Pinas.

"Dani, anong schedule ko today?"tanong ko sakanya. 

"Miss, meron po kayong apat na meeting ngayong araw." Panimula nya, agad nang tumabang ang aking itsura sa nabanggit na meeting. Seriously apat agad? Ganun ba ko katagal nawala para agad agaran ang meeting ng mga kliyente? Ganun ba nila ko namiss? "May meeting po kayo kay Mr. Ivan Ong mamayang lunch, 3:00 po kay Architect Sanchez, ipapafinalize po yung design para sa mga new Villas na gagawin, and last po dinner meeting with Mr. Madrid and Martinez for the proposal po." Pag papatuloy ni Dani.

Tumango lamang ako habang nakatingin sa magandang tanawin na nakikita ng aking mga mata. Ang pinag halong asul at berde na kulay ng dagat ang nakabalot sa isla kung nasaan ako ngayon. Sumisilay saakin ang sinag ng araw na hindi ganon kataasan dahil maaga pa. 

"Dani kanino galing ang mga ito?" Pag puna ko sa mga bulaklak na nasa ibabaw ng lamesa. 

"Ay Miss, ipinadala po iyan dito. May note din pong nakalagay sa mga iyan". Naka ngising tugon ng aking butihing sekretarya. Agad kong kinuha ang maiksing sulat na nakalagay sa ibabaw ng bulaklak.

-Welcome back! Hope you're doing well now. I miss you so much, can't wait to see you Trix, kaya pinuntahan na agad kita dito nung nalaman ko ang balitang naka uwi kana. Wanna know who's this? Find me outside. I love you.

Napairap ang aking mata pagkabasa ng note. Daming alam ng nagpadala nito. Dali namang hulaan kung sino. 

"Kilala mo Miss? May I love you sa dulo. Galing po ba sa asawa nyo?" Pag uusisa ni Dani. 

"Shut up Dani. Im done preparing my things. Lets go outside and see how this resort works now since I'm gone."Ani ko dito. Kahit kailan talaga ang daldal nitong si Dani. 

"Nakuu si Miss. Di makapag hintay makita ang nagpadala at agad ng hahanapin gaya ng sabi sa sulat." Ani nya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin sa kanyang sinabi. Siya naman ay ngumiti lang at nakuha pang mag peace sign sa akin. Nauna akong maglakad palabas ng aking Villa na tinutuluyan dito sa resort. Hindi sa pag mamayabang pero makalipas ang pitong taon nang ako ay makapag tapos, nakapag pundar ako ng hindi kalakihang resort. Yes. Ako ang may ari nito. Swerte ko na lamang at nabili ko ito sa hindi kalakihang halaga. Matagal rin ang naging proseso bago ito naging ganto kaayos. Napapaligiran ng mga Nipa hut ang bandang kanan ng resort. 

Sa likod naman ay mga kainan, at iba pang maliliit na shop na mabibilhan ng kung ano anong gamit na konektado sa aking negosyo. Madami ding nag iinvest at nag tatayo ng mga kainan sa dito. Kaya naman malakas rin kumita ito hanggang ngayon. Nakikita daw nila na malaki ang potential nitong resort na lumago pa. Kaya di sila nag dadalawang isip na makipag sosyo saakin.

Sa kalayuan, napansin ko ang isang pamilyar na lalaki at batang babae na nag lalaro sa may buhanginan. Naka kulay itim na tshirt at short ang lalaki. Hawak nya ang batang babae sa kanyang braso. Halata naman na ang kasamang bata ng pamilyar na lalake ay kanyang anak. Napansin kong mas lalong naging pino at gwapo ang kanyang pisikal na itsura mula noong huli kong kita sakanya. Ito ay nag tatangi ng matangos na ilong, mahahabang pilik mata, hindi gaanong kaputian na mga balat at katamtaman na pangangatawan na bumabagay sa kanyang edad.  

"Daddy, where's mommy now? She's so tagal. Im hungry na". Sabi ng batang babae sa lalakeng kanyang kasama. 

"Mommy's gonna be here in a minute. I already told her that we're here. Don't worry ok. Kakain agad tayo pag andito na siya." Sabay haplos sa ulo ng batang kanyang kasama.

Hindi ko maalis ang tingin sa dalawang nasa aking harapan ngayon. Hindi ko rin namalayan na unti-unti na pala akong lumalapit sa kanilang dalawa. Iilang hakbang na lamang ang pagitan ko sa mag ama.

"Oh there is mommy!" Sabay linhon saakin nang may galak sakanyang mukha. "Myy what took you so long to go here? I miss you so much!!" Tugon ng batang babae habang tumatakbo sa gawi ko. Napahinto ako ng lakad ng mapansin ang hindi inaasahang ginawa ng batang babae. Sa bilis ng kanyang takbo ito ay nadapa sa aking harapan. Agad ko naman itong inalalayan patayo. "Ouch." Sambit nya at napansin kong namumula ang kanyang tuhod. 

"What took you so long mommy? Ang tagal mo po. Kanina pa kami dito. And I miss you somuch myy" tugon ng batang babae sabay yakap sa akin. Napangiti naman ako sinambit nyang mga salita at sa kanyang kilos. 

"Avery!" Tawag ng pamilyar na lalaki. 

"Avery." Tawag naman ng babae sa aking likuran. 

"Oh, mommy what are you doing there? Di po ba ikaw to--" naputol ang mga salita ng bata ng makita nyang ako ang nasa kanyang harapan. 

"I'm sorry Miss. Napag kamalan ka nya atang ako" natatawang sambit ng babaeng nasa aking likuran na ngayo'y nasa gilid ko na at ginagawi ang kanyang anak sakanya. 

"Miss Min!" Tawag ng aking sekretarya. "Akala ko po nauna na kayo. Andito pa po pala kayo."

"Ahh oo, may tinignan lang ako" sambit ko. 

"Trix" sambit ng pamilyar na lalaking aking binabanggit kanina. "Uhmmm Sorry Trix sa inasal ni Avery. Akala nya ikaw ang mommy nya."Ani nito. 

"It's fine. Nothing to worry. Namumula ang kanyang tuhod sa pag kakadapa. Baka lumala ang gasgas." Tugon ko naman ng may kaunting ngiti sa aking labi. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa puntong ito. 

"Patricia." Sambit ng may gulat sa boses ni Beatrice. Ang mommy at asawa ni Avery at ng pamilyar na lalake Ngayon pa talaga kami nagka harap-harap. Kakauwi ko pa lamang oh. Paawat muna sa sakit. Alam kong hindi maitago sa aking muka ang pagka pait ng aking nararamdaman. 

"Hi Beatrice. Nice to see you." Sambit ko nang may pilit na ngiti sa labi. "What a coincident. Andito pala kayo. Well, enjoy your stay here. Paki ingatan si baby. Kung kani kanino yumayakap." Sabay ngiti at dahan-dahan ng umalis sa kanila.

"Miss Min-----" si Dani. 

"Don't say a word Dani. Not now. Let's go". Pigil ko sa anu mang sasabihin ni Dani. Hindi ko maitatanggi ang sakit na naramdaman kanina hanggang ngayon. Akala ko ok na. Akala ko tapos na. Akala ko masaya na ko. Akala ko hindi na ko apektado. Pero bat ganito? Tinatraydor ako ng sarili kong emosyon. Ang lalakeng aking minahal ng lubos ay nandito sa aking resort kasama ang kanyang pamilya.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now