..

401 10 0
                                    

iwan sya ng sariling ina at ipamigay sa tiya Ebyang nya na nanay ng pinsang si Mhae. Ang tangi nya lang alam ay na depressed ang ina nya nang iwanan ng lalakeng nakabuntis dito at sya ang naging bunga nito.
Ang pinanghahawakan nya lang ay litrato ng kanyang ina at ang paborito nitong kantang  kanina’y pinapakinggan.
At di nya lubos maisip kung bakit nya ito iniiyakan sa tuwing napapakinggan nya ito. A tila ba’y kumikirot ang kanyang puso. Siguro marahil ay malambot lang ang kanyang puso.

First day ni Jana sa trabaho bilang call center agent. Dati syang elementary teacher sa bayan din ng Antipolo ngunit para sa kanya ay mababa ang sahod. Napaka ganda na ng trabaho nya at mahal nya ang pagiging guro, ngunit may isang bagay syang gustong gawin..ang mahanap ang mga magulang kaya gusto na agad makaipon ng pera. Medyo malaki laki din ang sahod ng isang call center agent kaya kahit di nya gaano gusto ay pinasok nya. Gusto nyang umupa ng imbestigador  para mahanap ang mga magulang. Yun lang naman ang tangi nyang hangad simula bata pa lang.

“Paano insan diretso kana ng Cubao at ako dito na sasakay ng katipunan.”

Paalam ni Mhae. Manila ang trabaho nito at nagi Lrt lang tuwing umaga at  P. tuazon Cubao naman ang trabaho nya..dun sila lagi naghihiwalay sa katipunan.
Naging matagumpay ang kanyang unang araw sa trabaho. Anya sa sarili, matutunan din nyang mahalin ang trabaho sa paglipas ng panahon at kapag may sapat na syang perang naipon babalik sya ulit sa pagigigng teacher kung saan mas masaya syang kapiling ang mga bata at nagtuturo.

Pinag isipan nya din ng mabuti ang sinasabing part time job sa boss ng pinsan. Kailangan nya ito upang makadagdag sa pag iipon nya ng pera.
Bagaman alam nyang malaking problema ang kakaharapin nya basi sa kanyang mga narinig sa pinsan ng sitwasyon ng bata ay sususbukan nya.

Wala nman sigurong mawawala. Bahala na si Batman anya sa sarili. Magiging pang gabi sya at 11pm shifting nya at sakto lang yun sa umaga ang part time job nya bilang nanny at tutor.
Agad nyang tinext ang pinsan bago sya umuwi. Ipinaalam nya dito na kukunin nya na ang trabaho. Agad naman ito nagreply at sinabing ipapaalam sa boss ang pinag usapan nila.
Sa bahay na sila nagkita kinagabihan at agad pinag usapan ang resulta ng pakikipag usap nito sa boss tungkol sa offer.

“Insan, paki prepare nalang ng resume mo kasama ng job summary mo. Sasama ka sa akin bukas at gusto kang ma meet ng boss ko. Sabi nya perfect daw para sayo ang trabaho kasi teacher ka daw pala. Pero kailangan ka daw muna interviewhin” kuwento nito.
                                                
“ Talaga?
Masayang saad nya.

“ sige! Sige! Maghahanda na ako para bukas. Ok naman na ang resume ko..so gagalingan ko nalang sa interview!”
Nakangiti nitong saad. Masaya syang pumasok ng kwarto. Natupad na ang kanyang gusto na magkaroon pa ng  isang trabaho at makaipon agad. Malaki din ang magiging sahod nya dito sapagkat hindi pipitsugin ang magiging amo nya.
Kailangan nya lang ang kanyang expertise sa mga bata with good attitude and determination.

“Fighting”

anya sa sarili bago sya makatulog.
Kinabukasan nga ay kasama na sya sa trabaho ng kanyang pinsan. Ipinakilala sya nito sa personal secretary ng pinaka big boss dun. Iniwanan sya ng kanyang pinsan sa desk ng secreatry na si Ms. Krissie. Inoperan sya ng kape or tea at pinili nyang mag tea para ma relax ang kanyang katawan dahil kinakabahan sya sa magiging kakahinatnan ng interview.

“Ms. Bautista, pa antay antay lang si Boss Leon may meeting pa kc sya with Mr. Charismatic”
nakangiting saad nito.

“ Charismatic? Apelyido ba yun Ms. Krissie? Natatawa nyang tanong dito.

“Hindi, funny kasi yun at kahit sa edad na 75 ay makarisma padin sa mga tao kaya Mr. Charismatic tawag sa kanya. Matalik na kaibigan ng magiging boss mo”

sagot nito na nakangiti parin. Napatango nalang sya. Pakiramdam nya ay magiging mabait naman magiging amo nya at sana kung matatanggap man sya ay hindi sya mahihirapan sa bata dahil wala syang balak sumuko, para sa kanyang ultimate goal..ang mahanap ang kanyang mga magulang.

Inabot ng dalawang oras ang inantay nya bago sya dalhin ng personal na secretary sa big boss nito. Pumasok sila sa isang napakalaking opisina na halos kasinlaki na ata ng bahay nila. May mga wood  chairs na kakaiba ang design..na parang ipinasadyang gawin at hinding hindi mo makikita sa kahit na saang furniture shop or store. Namangha sya, pero sinarili nya nalang baka isipin ng makakita sa kanya ay ngayon lang sya nakakita ng mga ito..which is totoo naman talaga.                                                           

Nakita nya ang isang matandang halos nasa almost 80 years old na ngunit matikas parin ang pangangatawan sa edad nito. Matangos ang ilong, puting- puti ang buhok at matangkad na tao. Si Richard Gere ba to? Anya sa sarili.

Para syang nakakita ng hollywood actor at pinoy version ni Richard Gere na matanda. Siguro ang gwapo gwapo nito nung bata pa sya. bulong nya sa sarili.
May kausap ito sa telepono at sumenyas sa secretary na paupuin sya. Agad naman syang tumalima  at umupo sa napagandang  wood chair para sa bisita. Narinig nya rin kung paano ito magsalita at magpaalam sa kausap. Sa tono nitong malambing at

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon