...

304 5 1
                                    

aantay.
Napalingon ito ng maramdaman ang presensya nila. Bigla nitong binuhat si Macky at isinakay sa likod ng kotse..inantay din nitong makapasok sya sa loob katabi ni Macky. Wala itong driver at ito mismo ang magmamaneho ng sasakyan. Pinaandar nito ang sasakyan at bago umalis ay lumingon muna ito sa kanila.

“ Macky? Are you excited my Angel?  Nakangiting baling nito sa bata.

“ Yessss daddy!” 

Tiningnan nya ang bata, tapos si Luc. Bagay! Bagay mag daddy ang dalawa! Anya sa sarili.

“ Teacher Jana..are you excited too?

Inosenteng tanong nito sa kanya na hindi maitago ang excitement.

“ Ha! ? "

Tila nagulat na reaksyon ng dalaga..napabaling ang tingin nya kay Luc.nakangiti ito..

“ahmm..yes baby...”

napipilitan nyang sagot. Tahimik lang siya habang nasa byahe at panay naman ang kulit ni Macky sa daddy Luc nya. Ang daming mga tanong. Ma tyaga namang sinasagot ito ng lalake.
Biglang bumaling sa kanya si Luc..at binasag ang kanyang katahimikan.

“ Ms. Bautista..about sa nangyari earlier this morning..i want to apologize..i dont meant to enter the guest room..i thought there is no...”

Pagpapaliwanag nito na biglang pinutol ng dalaga.

“ Lets forget it Sir. Naiintidihan ko ang nangyari na hindi yun sinasadya       
na makita ang buong kaluluwa ko at malagay ako sa ganitong sitwasyong nakakahiya...”

Mahinahon ngunit mariing sabi nya na tila ba may pagkainis. Hindi nya malaman kung naiinis sya sa sarili dahil hindi sya naging maingat o dahil nakita ang matagal na niyang tinatago na sya lang dapat ang makakakita nito.

“ Next time..you should lock the door..”

dugtong pa nito na lalo nyang ikinainis. Tila ba’y sinasabi nito na kasalanan nya pa kung bakit sya nakitaan.

“ oO nga naman..kasalanan ko kung bakit nangyari yun. Nakalimutan kong hindi ko pala bahay yun at nakalimutan kong mag lock ng pinto.”

Pinipigil nya ang inis at napansin yun ng lalake.

“ Thats not what i meant Ms. Bautista. Either nasa sarili kang bahay o hindi you should be more careful..baka mamaya may nakapasok palang magnanakaw o rapist at andun ka sa pagkakataong yun..you know what i meant..”
Tiningnan sya nito sa salamin. May point naman ito pero hindi lang nya talaga matanggap ang nagyari. Parang gusto nyang magwala.

“ Actually..wala naman akong masyadong nakita..nakayuko kasi ako..”
Sabi nito na tila tinatansya kung anong magiging reaksyon nya.

“.. and you already wearing..”

“ Ok na Sir...kalimutan na natin yun. Ayoko nang maalala pa!

Tila napataas ang boses nya. Itinaas naman ng lalake ang kanang kamay tanda na ititigil na ang usapin tungkol sa nangyari.
Nakarating sila ng mall sa greenbelt. Kinaga nito si Macky, habang sya naman ay bitbit ang maliit na spider man bag ni Macky na may lamang pamalit at laruan.

“ Ms. Bautista..can you hold my jacket please”

Iniabot ito sa kanya at sya ang nagbitbit. Una muna nila pinuntahan ay ang timezone..naglaro ang dalawa sa Words Fastest Drum na ikinatuwa ni Macky. Naglaro din ang mga ito ng battle gear at Bowling habang sya ay nakaupo sa infinitea shop, hanggang mapagod at magutom ang dalawa.

Nagulat pa sya nang makita nyang sumisenyas ang mga ito sa labas ng pinto ng infinitea..lumabas sya at lumapit sa dalawa.

“ Lets have lunch ? Gutom na daw si Macky”
at kinarga ulit nito ang bata at naghanap ng restaurant.

Nang matapos mag lunch ay nanood sila ng sine pero pambata “SHERLOCK GNOMES”  gustong gusto ito ni Macky kaya sinamahan na nila. Mabuti nalang at sinuutan nya ng loongsleeve ang bata dahil sobrang lamig sa loob ng sinehan.

Ang problem ay wala syang dalang jacket. Hindi naman nya akalaing manonood sila ng movie. Wala pang 30 minutes ay nilalamig na sya kaya panay himas nya ng kanyang mga  braso. Napansin ito ni Luc. Agad hinubad ang jacket at inilapit ang mukha sa kanya.

“  Wear this..” 

Nagulat sya..at tumanggi pa sya dahil nahihiya.

“Hindi Sir.. ikaw na magsuot nyan baka lamigin ka din”

“ Dont be stubborn.. you’re cold. Ok lang ako” 
At ipinatong ang jacket sa likod nya. wala syang nagawa kundi mag thank you. Solve ang problema nya. Kaya lang bigla naman syang inantok. Hindi talaga sya mahilig sa cartoons at nahiya naman sya sa bata kaya pinilit nyang manatiling mulat ang mata at manood.

Napa thank you sya sa sarili nang matapos ang palabas. Binilhan lang nila si Macky ng laruan at pagkatapos  nagyaya na ang bata umuwi dahil sa pagod.
                                                 
Sa likod ng sasakyan ay nakatulog ang bata kung kaya’t ipinahiga nya
ito at ipinatong  ang mga paa sa kandungan nya at ipinaunan ang jacket ni Luc dito. Dahil sa wala pa din syang tulog simula kagabi ay hindi nya ring namalayang naka idlip sya habang nasa byahe pauwi. 

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon