" LUCIFER HOKAGE MOVE"

314 9 0
                                    


                       CHAPTER 8


“ Hmmm..”

Napaungol sya kasunod ang paggalaw ng katawan. Malamig pero parang ang sarap matulog. Mas lalo nyang hinigpitan ang ang yakap ke Macky para hindi ito lamigin.

“ Napabuntunghinga sya ng malalim at sa pagkakataong ito ay mahigpit ding yumakap ang kamay ni Macky na nakapulupot sa beywang nya.

“ Hmmm.." .

Napaungol ulit sya. Pero wait! Nasa kaliwa ko si Macky..at yakap ko syang paharap. How come na may kamay sa right side ko naka akap?! Napasigaw sya ngunit sa isip lang nya at ni walang boses na lumabas sa bibig. Tumigil sya pinakiramdaman..mabigat ang kamay! Oh my gulay! At this moment..mukhang alam na nya kung kaninong kamay ang nakapulupot sa kanya.
Kumabog ng malakas ang dibdib nya at dahan-dahang inalis ang kamay na nakahawak sa kanya ngunit bigla itong ipinulupot sa  beywang nya. Kung kanina’y lamig na lamig sya..iba na ang pakiramdam nya ngayon..feeling hot na sya!

My gulay! Bakit kami magkatabi? Hindi ba dapat nasa kabilang side sya? Nalasing ba sya? May ginawa ba sya habang natutulog  ako? Sinubukan nya ulit alisin ang kamay ng lalake pero napaungol lang ito at sa halip ay hinawakan ang dalawa nyang kamay.
Aba! Sinasamantala mo ang kahinaan ko ha!  Nag ipon sya ng lakas at sabay sabi..

“ Luc, bitawan mo ako ngayon din at lilipat ako sa guest room.”

Mariin nyang sabi ngunit halos pabulong para hindi magising si Macky.

“ I love holding you this way..”

Nagulat sya sa sinabi nito. Hindi nya ngayon sigurado kung magagalit ba sya o nanghihina. Sa sexy ng boses nito parang gusto na nya bumigay. Sira ka Jana! Wake up! Anang kabilang isip nya.

“ Hindi ka naman siguro nanaginip diba? "

Tanong nya dito..sinisigurado nyang gising nga ito.

Ilang segundo bago ito sumagot.

“ Nope honey! Still sleepy but i know what im doing”

Pabulong na sabi nito.

“ Kung ganun biti...”

saad nya sabay pagpupumiglas para makawala dito.

“ Ssshhhh..magigising ang bata.”

Saway nito na parang normal lang ang lahat ng nangyayari.

“ Ano ba!..bakit sinasamantala mo ang kahinaan ko?"

“..Ano bang gusto mong mangyari ha?”

Naiinis nyang saad. Pilit parin syang kumakawala dito pero kahit anong pilit nya..alam nyang walang mangyayari at nakakulong parin sya sa mga bisig nito.

“Hmmm.. i just wanna hold you this way.Wala akong gustong mangyari..unless may gusto kang mangyari? "

Mahinahong saad nito..na tila ba’y para bang musika sa kanyang pandinig ang bawat salitang binibitawan nito. Hindi sya nakaimik..

“ Hmmmm..Jana?”

Para syang tuod..hindi na sya makagalaw. Feeling nya nalasing na sya sa boses ng lalake.Napapikit nalang sya.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon