...

312 8 0
                                    

“ Makukulong ba ako pag hindi ko nasagot ang telepono?”

tanong nya sa sarili. Napailing iling sya at mabilis na sumunod sa matanda. Iginiya sya nito sa play room kung saan naroon si Macky. Nakaupo ito sa mumunting upuan at may maliit ding mesa kung saan may mga drawing book at color pencils. Kulot ang buhok nito na medyo mahaba na at natatakpan ang mukha, namumula ang mga pisngi, mahahaba ang pilik mata at binagayan ng cute na ilong. Seryoso ito sa pagdo drawing at
                                                
may natira pang maliit na piraso ng cookies sa labi. Halos matunaw   ang puso nya nang mapagmasdan ang anim na taong gulang na anghel. Napaka adorable nito at napa cute. Hindi nya lubos maisip na anim na nanny na ang napapa alis at sumurender dahil sa batang to.

“ Jana, pwede mo na syang lapitan at magpakilala ka”
anang matanda. Hindi maalis sa mukha ni Jana ang ngiti ng lapitan nya ang bata.

“ Hiii Macky..”

malumanay ang boses na saad nya. Nagtaas ito ng ulo at tiningnan sya. Inosente itong nakatitig at napakurap kurap. Pinipigilan nyang yakapin ito at pupugin ng halik dahil a kakyutan nito.
"
...my name is Jana..but you can call me your guardian Angel Jana”  Binigyan nya pa ito lalo ng pagkatamis – tamis na ngiti.

“ Guardian ..Angel?
Puno ng kakyutang tanong nito sa kanya.

“Yes..i am yor guardian Angel Jana”.

“ But how? Guardian Angel only fall from heaven and they have wings, and you dont have..how can you be my guardian Angel?
Curious na tanong ng bata. Aba! Matalinong bata to ah! Agad syang naghagilap ng isasagot.

“ Because there are two kinds of Angels. Angels from heaven who have wings and Angel living in the land. Angel who lives in the land has no wings. They’re the one who are doing good to their neigbors,making kids happy, protecting kids from bad people and playing with them..and im the one of them.”

“ Really? Like my uncle Luc? ”

Napanganga sya. Di nya kasi alam kung sino ang tinutukoy nito pero agad syang napasagot ng “oO”

“ My uncle Luc always make me feel happy and play with me..”

tsaka tumigil ito ng pagsasalita at nag pokus sa pagdo drawing. Lumingon sya sa kinaroroonan ng matanda at sumenyas ito na lalabas muna. Tinanguan nya ito bilang tugon. Inilabas nya sa bag ang biniling laruan..
                                              
“ Look Macky.. i have something for you..”
tiningnan nito ang nasa
kamay nya.

“ A horse..” 
sabay tingin sa kanya.

“ Yes, a horse!

Nakangiti nyang saad sabay abot.

“ If there are  guardian Angel,there should be a horse kasi ito ang sinasakyan ng guardian angel. Do you know Perseus? He is a son of one of the Gods, and he is an Angel like your Uncle Luc, Perseus has a horse friend with wings.
Pagpapaliwanag nya dito. Nakita nya kung paanong nag ningning ang mga mata ng bata..tila naging interested sa sinabi nya. Nang biglang mag ring ang telepono. Nabalisa sya at agad tinakbo ito at pinindot at ibinigay sa bata. Bigla nya kasing naalala na twing alas nuwebe may taong importanteng tatawag ke macky.

Masayang sinagot ito ng bata at naroon parin ang ningning ng mga mata nito habang nagsasalita. Ikinuwento sa kausap nito ang lahat ng sinabi nya. Tinanong din nito kung kailan babalik ang kausap at miss nadaw nito. Nakinig lang sya sa bata at maya- maya ay nagpaalam na ito na naiiyak..at biglang nag iba ang mood. Medyo naalarma sya ngunit hindi nagpahalata.
Ginuhit guhitan ang kanina’y drawing nagsimula ito sa mabagal ngunit bumilis di nagtagal at itinapon ang mga color pencil at drawing book. Lumakas ang iyak at pinagpupunit na ang mga drawing. Agad niya itong nilapitan at mahinahong tinanong.

“ Macky..Macky whats wrong baby? Pero ayaw paring huminahon nito.

“Baby, listen to me..diba ako ang guardian Angel mo? Sabihin mo sa akin, anong problema? What’s wrong? What do you like?"

Wala paring tigil sa pag iyak. Hanggang sa pumasok na si Nanay Ledia. Ipinaliwanag nya ang nangyari. Sabi nito baka nagalit dahil hindi sya napagbigyan ng tito nito ang hiling ng bata na umuwi na ito. Panay parin ang suyo nya dito..

“ Nay Ledia, iwan nyo nlang po muna kami. Ako na po munang bahala sa kanya.” 
Saka lumabas ang matanda na nag aalala parin.

“ Macky listen to me, diba may horse tayo? Uutusan natin na sunduin ang uncle Luc mo..”
Bigla itong napatigil..basa ang buong mukha ng luha at panay ang hikbi.

“ How?”

malungkot parin ang hitsura nito. Sa pagkakataong yun ay awang- awa sya dito. Hindi nya lubos maisip na sa edad nyang yun ay wala na itong mga magulang at wala pa sa tabi ang ang lolo at tito nito o sino mang mga kamag anak merong ito.

Hindi sapat ang yaya lang o kung sino mang taong babayaran kasi iba parin ang pagnmamahal ng pamilya. Naalala nya ang mga magulang at kung paano sya lumaking nangungulila sa pagmamahal at aruga ng mga ito na kahit manlang litrato ay iisa lang. Hindi sapat na hahalikan at yayakapin nya lang ang litrato ng ina sa tuwing nangungulila sya dito.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon