"MEETING THE BIG BOSS"

325 7 0
                                    

                          CHAPTER 3

Kinaumagahan ay halos sabay silang dumating ng pinsan nya sa trabaho.Dahil wala pa syang ligo ay nagtungo sya ng CR upang maghilamos at mag toothbrush at nagpalit narin dun ng panloob at damit. Inayos ang sarili at nagpabango, para hindi halatang di sya naligo.
Tinatawanan pa sya ng pinsan nya dahil inantay sya nito sa loob ng CR. Doon na sya mamaya magpapaalam makiligo sa bahay ng mga Leon. Nang matapos ayusin ang sarili ay dumiretso sya sa opisina ng secretary at doon inantay si Benjie.

Maya- maya lang din ay dumating na ito at gumayak na sila para ihatid ang dalaga.Panay ang biruan nila sa byahe at puro patawa si Benjie.

“Para tayong mag boyfriend nito eh! Pinamilugan nya ng mata ang lalake at tinaasan ng kilay.

“ oppssss! Dina man to mabiro oh! Eh kasi naman hatid- sundo kita eh” Sabay humalakhak!

“ Hoy! Pwede naman akong mag commute noh! Walang problema yun sa akin, keysa pagbalakan mo pa ako ng masama!” Pabirong tugon ng dalaga.

“ Hoy! For your information! Mabait ako noh!Gentleman pa! Nakangiti paring saad nito.

“.. tsaka gwapo..”

Sabay dumagundong ang tawa nito sa loob ng sasakyan. Nakitawa na rin sya. Sa pangalawang araw ng pagkakakilala ay marami na silang napagkwentuhan. Ramdam nyang mabuting tao ito at masayahin. Binata,may itsura at matulungin.

Hindi nya akalaing magkakaroon sya ng kaibigang ganito.Aminin man nya sa hindi ay maraming babaeng magkakagusto dito at siguradong swerte ang magiging girlfriend nito. Pero para sa dalaga..bagong kaibigan nya ito..magiging mabuting kaibigan.
Agad syang sinalubong ng mainit na yakap ni Macky..at agad na iginiya sya nito sa play room. Ipinakita sa kanya ang bagong drawing.
Dalawang lalake,isang bata, isang matandang babae may tungkod at isang babaeng mahaba ang buhok na hula nya ay sya. Natuwa sya sa
nakita kaya hinalikan nya ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Gumanti din ito ng yakap.

“ Is this me Macky?

Tumango ang bata at ngumiti.

“thank you so much! you included me to your family tree, im so touch!"

Hindi nya akalaing ganun ka sweet ang bata at mapapaamo nya agad ito. Kung anong ginawa nila ng unang araw ay ganun din maghapon ang naging routine nila. Naglaro, nag aral, natulog at sya na rin ang nagpaligo sa bata.

Nagpaalam na rin sya kay nanay Ledia na makiligo at sa CR ng kwarto mismo ni Macky sya pinapaligo ng matanda. Naikwento nya kasi dito na wala na syang time umuwi sa Kanila. Baka sabado’t linggo lang syang makauwi.
Sa pangatlong araw nya sa bahay ng mga Leon ay binigyan na sya ng kwarto ni nanay Ledia, yun daw ang utos ni Don Alejandro para makapag pahinga sya at maayos na makaligo. Sa guest room sya pinatulog. Para syang mayaman. Ang laki laki ng kwarto at kumpleto sa gamit.

Mas lalo pang naging close ang bata sa kanya sa mga nagdaang araw at halos ayaw na humiwalay sa kanya. Minsan isang gabi ay wala itong tigil sa pag iyak nang magising ito at naka alis na sya. Nahirapan ang lolo nito pati si aling Ledia kung kaya’t nagpasya C Don Alejandro na operan syang maging full time nanny ni Macky.

Bagaman napamahal na sya sa bata sa maiksing panahong nakilala nya ito ay hindi muna nya tinaggap ang offer, sa halip sinabi nyang pag iisipan nya ito.
Biyernes ng umaga nang ihinatid sya ni Benjie,ngunit di pa sila masyadong nakakalayo mula sa Leon’s Corp.ay biglang pumutok ang gulong ng sasakyan. Dali daling tumalima si Benjie palabas upang tingnan ang sasakyan. Tsinek ito at may pakong natusukan ang gulong kaya na flat.

Bumaba narin sya nang kunin nito ang mga gamit at gulong na pamalit. Nagulat nlang sya nang bigla itong maghubad ng uniform at tumambad sa paningin nya ang halatang maskuladong pangangatawan nito. Muntik na syang mapamura ng di inaasahang pangyayaring yun. Ngunit mas pinili nyang magpatay malisya at sa halip tinulungn nlang ito mag abot ng ilang gamit na kailangan sa pagpapalit ng gulong.               
Nang matapos ay agad itong nagbihis at bumalik sila ng sasakyan.

“ Pasensya kana at mali late ka ng konti. Pahamak itong mga ganitong disgrasya.”
Paghingi nito ng despensa.

“ Ok lang, wala namang may gusto nun. Ang importante makarating parin tayo. Ok lang ba kung iidlip muna ako? Wala pa akong tulog eh” Nahihiya nyang saad.

“ Ay! Walang problema.sige lang, gisingin nalang kita pag andun na tayo sa mansion”

Pagkasabi nun ay agad syang  umidlip.halos isang oras din ang inabot nila papuntang Dasma Village. Ang sarap ng pagka idlip nya at kinailangan pa syang tapikin sa balikat ng binata para magising.Naalimpungatan sya at nagpalinga- linga para tingnan ang paligid. Doon lang nya napagtanto na nasa mansion na pala sila. Nakangisi lang si Benjie habang natatawa sa hitsura nya.

“ Mukhang ang sarap ng tulog natin ah! Pasensya kana at kailangan kitang gisingin” Natatawang saad nito.

“ Sorry din, at salamat sayo Benjie”

Nahihiya nyang sagot dito sabay hagilap ng bag at lumabas na ng sasakyan.

“ Pano, mauna na ako sayo, balik na ako ng opisina”.

Paalam nito. Muli namang nagpasalamat ang dalaga at kinawayan ito nang paalis na.

Gaya ng nakagawian sa unang araw ay binati nya ang mga kasambahay sa mansion na sila Lita at Mylene na busy sa harden sa paghahanda ng mga pagkain. First time nyang makitang may mga pagkaing nasa labas.
Baka doon nag breakfast si Don Alejandro. Sa isip isip nya.Hay naku! Ang mayayaman talaga kailangan pang pahirapan sa paghahanda ng pagkain ang kanilang mga katulong..at sabay na napailing.
Dumiretso sya ng kitchen nang marinig ang boses ni nanay Ledia. May binibilin ito sa cook na si Sonia. Binati nya ito at tinanong kung gising na ang kanyang alaga. Tulog pa raw ito kaya sinabihan syang maligo muna at mag almusal.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon