...

311 5 0
                                    

                          Chapter 5

“ Ahmmm..Sir..kung makakabuti sa bata..i dont mind po.”

Ang tanging naisagot nya. Dinig nya na napabuntunghininga ito sa kabilang linya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Alam nya kung gaano kaimportante dito ang kaligayhan ng bata..hindi man sya sang ayon sa kadahilanang ayaw nyang masanay ito, sapagkat hindi lahat ng oras ay na andyan sya para maging nanay nito..dahil isa lang syang nanny at tutor na hindi magatatagal ay aalis din para harapin ang sariling buhay.

“ Bahala na..”

saad nya sa sarili at napabuntunghininga ng malalim. Napasubo na sya at paninindigan na lamang nya ito. Ibinalik nya ang telepono sa bata at kita nya kung paanong nagliwanag ang mukha nito na kanina lang ang nalilito.

Nadinig nya ang pagsabi nito ng “ i love you” para sa daddy Luc nya at biglang yumakap sa kanya.

“ You’re my mommy now! Yeheyyyy!” 

Hindi maipaliwanag ang kasiyahan nito sa mga oras na yun. Niyakap nya ang bata at pilit na kinukumbinsi ang sarili na kaya nyang panindigan ang napagpasyahan.
Whats the big deal anyway? Tatawagin lang naman sya mommy nito at kailangan nya lang pagbigyan. Hindi naman ibig sabihin nun na magiging asawa din nya si Luc. Natigilan sya bigla. “ Wait! Asawa? Ano ba tong iniisip ko. Kung saan saan na napupunta ang imahinasyon ko.” Bulong nya sa sarili. “ may asawa na yung tao..asa kapa!” kastigo nya sa sarili.
Nang maidlip ang bata ay bumaba sya para makatulong naman ke nanay Ledia sa pagpupunas  ng mga gamit sa kitchen. Ito ang ginagawa nito araw araw imbes na mag utos na nalang sa ibang kasambahay. Nadatnan nya itong kausap ang cook..mukhang mas busy ang mga ito ngayon keysa sa mga nakaraang araw. “ nanay Ledia, ano po bang maitutulong ko sa inyo? Tulog po kasi si Macky eh.
                                         
Gusto ko naman samantalahin ang free time ko para makatulong”  Anya sa mga ito.

“ Hay naku Jana! Salamat..talagang kailangan namin ngayon ng tulong at matapos ito ng maaga kasi may bisita tayo.”
Balisang sabi ng matanda. Hindi alam kung anong uunahin sa mga ginagawa. Nagpupunas ng mga pinggan at nakikipag usap sa coom kung  ano- ano ang mga dapat lutuin.

“ Ay ganun po ba, may mga bisita po pala mamaya?”

“ oO Jana, dito maghahapunan yung matalik na kaibigan ni Don Alejandro na si Mr. Buenavista at pamangkin nitong si Jason”

“ ahmm ganun po ba, sige po sabihin nyo nalang po ang gagawin ko para matapos na ito bago magdilim."

Nag volunteer narin syang magluto ng mechado dahil ito ang laging niluluto dati ng tiya Ebyang nya. Paborito daw kasi ito ng nanay nya kaya naman kinarer nya para makuha ang lasa nito at dun manlang ay mapalapit sya sa ina. Sya narin ang naggawa ng coolslow na paborito ni Luc. Teacher sya pero isa sa mga talent nya ang hilig sa pagluluto.

At masaya syang nagamit nya ang kakayahan sa pagluluto ngayon..mas gusto nya pa itong ma inhance balang araw at gusto nyang mag aral ng culinary pag nakaipon na sya ng pera at naayos na ang paghahanap sa mga magulang nya.
6:30 ng hapon at tapos na silang magluto. Nag set up narin si nanay Ledia ng mesa sa  harden kung saan magaganap ang hapunan. Sya naman ay umakyat para e check si Macky..gising na ito pero nakahiga padin sa kama at hawak hawak ang toy na binili nya.

Binuhat nya ito mula sa higaan at sinabing darating na ang daddy Luc nito kaya napilitang bumangon. Binihisan nya ito at pakatapos ay nag ayos di sya. Bago pa sila nakababa ay dumating na ang mag amang Luc at Don Alejandro. Habang palabas ng guest room sina Jana at Macky..nakasalubong nila si Luc sa hallway at paliko na sana sa kanang bahagi kung saan naroon  ang kwarto nito.

“ Daddyyy!”

Patakbong sinalubong ito ni Macky at nagpakarga sa tiyuhin. Hinalikan nito ang magkabilang pisngi ng bata at ibinaba ulit.

“ Jana, mauna na kayo sa baba. I’ll just change my clothes then we’ll have dinner together with some friends” .

Anito na halatang pagod. Tumango sya bilang pag sang ayon..saka bumaba sila ni Macky. Sinalubong sila sa baba ni Don Alejandro at iginiya sila sa harden.

“Jana  come and had dinner with us. I want you to introduce to my amigo and his nephew. They’re on their way.”  Nakangiting saad nito sa dalaga.

“ Naku..nakakahiya naman po”

Gusto nyang tumanggi pero kailangan nyang bantayan at pakainin si Macky na kasabay ng pamilya.

“ Bakit naman?

Wag kang mag alala Jana..pamilya ko narin ang mga bisita natin ngayon at madalas din sila dito bago kapa dumating.”
Paliwanag nito. At hindi na nga sya tumanggi pa nang dumating ang mga bisita. Masayahin si Mr. Buenavista at mukhang napalapit agad ang loob nya dito. Biniro sya agad nito nang marinig na tinawag syang mommy ni Macky. 
Tila nailang sya, pero tinawanan nalang nya nnag sabihin nitong para silang mag ina..buti at wala pa si Luc. Naupo sila sa kanang bahagi ng mesa..napapagitnaan ng mga upuan nila ni Luc si Macky at katabi naman ni Luc ang ama. Sa katapat naman naupo sina Mr.Buenavista at Jason. Kanina pa ito nakangiti at panay ang sulyap sa kanya.

Hinanap ng mga ito si Luc dahil hindi pa bumababa. Maya- maya lang ay nagpakita na ito. Agad na bumati sa mga bisita at niyakap ang mga ito.

“Sorry to keep you waiting..i just made a call.. lets eat now”.

Tila napansin nyang nag iba ito ng tono. Bukod sa halatang pagod ay hindi din maganda ang mood nito sa mga oras na yun.

Pinapakinggan nya lang ang kuwentuhan ng dalawang matanda tungkol sa negosyo ng mga ito. Si Jason naman ay kinakausap sya habang inaasikaso nya ang pagkain ni Macky

“ You know..you remind mo of someone i met.”

At pilit nitong inaalala kung sino at saan..

“.. i just cant  remember when or where ”
anito..nginitian nya lang ito.

“ Hmmm baka isa sa mga nakasalamuha mo na minsan akala natin talagang kamukha.”

“ Or maybe..she looks like one of your women?”
Sabad ni Luc na seryoso. Saglit na natigilan si Jason at umikot ang mga mata..at napahagalpak ito ng tawa. Kanina lang mukha itong maamong tupa dahil sa kagwapuhang taglay, pero ngayon napansin nya ang kabilang side ng pagkapilyo nito.

Tiningnan ito ni Luc at napailing.

“Common buddy! Matagal na akong nag retire dyan...im already 39 and i wanna settle down soon ” at muli itong bumaling kay Jana.

“ Seriously Jana..may kamukha ka talaga na nakita ko na dati”.

bigla itong nag isip na hindi nya masabi kung seryoso ba ito o parte parin ng pagka palekero ang inaasta nito.
“ You wanna settle down soon? Who’s the unlucky girl Jason?”

may himig pagbibiro na tanong ni Luc..ngunit andun padin ang seryosong tono nito. Bumaling ang tingin ni Jana sa kaharap. Mukhang nag isip muna ito ng isasagot bago nagsalita.

“ Yes Luc..and she’s making me crazy and playing hard to get!”

Biglang sumeryoso ang mukha nito na parang disappointed. Gustong matawa ni Jana sa hitsura ng kausap.

“ Pinapahirapan nya ako..pero ang totoo may gusto naman sya sa akin”

Pagyayabang nito sabay ngisi.Napakibit balikat naman si Luc sa naging reaksyon ng kaibigan.Natapos ang gabi ng maayos. Kinamayan pa sya ni Mr.Buenavista at matiim na tinitigan ang kanyang mukha.

Napakunot noo pa sya nang sabihin nitong gusto pa nya makilala ng lubusan ang dalaga.
Nagpaalam ang mga bisita sa mag amang Leon..at pagkatapos nun ay kinarga ni Luc si Macky at iniakyat sa taas sa kwarto nito..ngunit ayaw pa nitong matulog at nag request na manood silang tatlo ng  cartoons sa kwarto nito.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon