" WHEN THE LOVE BEGINS"

293 6 0
                                    

                         CHAPTER 7

Pakiramdam nya ay para syang sinampal sa nakita. Inantay pa naman nya maghapon ang tawag o text nito..yun pala kasama nya ang Diane na yun. Lalong humilagpos ang mga luha sa kanyang mga mata. Magdamag nyang iniyakan ang unang heartbreak sa buhay nya.
Hindi nya namalayang nakatulog na pala sya sa sofa at hindi sa tabi ni Macky.
Naalimpungatan sya sa mahinang boses na tumatawag sa kanya. Iminulat nya ang mga mata. Si Macky umiiyak at parang nanaginip. Mabilis syang bumangon at tinabihan ito..niyakap nya.

Nagulat sya..ang taas ng temperatura ng bata. Nilalagnat ito. Yumapos ito sa kanya habang umiiyak. Nalito sya bigla habang pinapatahan ang bata. Nag isip sya ng paraan kung anong dapat gawin. Si Luc! Kailangan nyang gisingin ito at ipaalam dito ang kalagayan ng bata. Walang ano ano'y lumabas sya ng kwarto habang karga si Macky. Kinatok nya ng sunod sunod ang pinto nito.

Ilang segundo lang at pupungas pungas itong iniluwa ng pinto. Nagulat nang makita sya habang karga karga si Macky.

" Jana!? Whats wrong?" isinara nito ang pinto at tuluyang lumabas.

" Mataas ang lagnat ni Macky..tulungan mo ako..anong gagawin natin? Mangiyak- ngiyak na saad ng dalaga.

" Ha?!

Gulat na saad nito at hinipo ang noo ng bata na humihikbi.

" Mataas nga..halika bumalik tayo sa kwarto..iginiya siya nito pabalik sa kwarto ng bata..at kapwa nila hindi alintana na naka boxers lang ang lalake. Umupo si jana sa kama habang yakap paharap si Macky at ayaw nitong bumitaw.

" Wait here"!

Kamadong saad ni Luc. Lumabas ito at bumalik pagkaraan ng ilang minuto at may dala nang towel, malamig na tubig at thermometr. Inilagay ito sa kili kili ng bata at habang inaantay ang temperature ay napuna nito ang pag aalala ni Jana.

"Its okay. We'll observe Macky first.."

" Hindi natin dadalhin sa hospital? ..sobrang init nya"!

Biglang saad ni jana na hindi mapakali.

" Anong mga activities nya kanina?"

Tanong nito sa dalaga habang nakaharap sa kanya ang lalake.

" Usual things na ginagawa araw araw. Kanina naramdaman kong umiiyak sya at nang kapain ko ay mainit."
Paliwanag nya na hindi parin mawala ang pag aalala.

" Its okay, baka nanaginip na naman sya ng masama. It happens a lot of times before."

Kinuha nito ang thermometer sa kili kili ng bata at tiningnan..39.6 deg .celcius. Piniga ni Luc ang towel at pinunasan ang magkabilang braso nito. Sinubukan nilang ihiga ito para mapunasan ng maayos at para hindi mabasa ang dalaga pero ayaw bumitaw sa pagkakayakap. Pahirapan nila itong napunasan.

" Give me Macky and change your shirt."

Anito ng mapansing basa ang white blouse na suot nya. Bumakat ang suot nyang bra. Bigla syang nakaramdam ng hiya. Pinilit na kinuha ni Luc si Macky sa mahigpit na pagkakayakap sa dalaga. Umiiyak ito pero nang maramdamang yakap na ito ng tiyuhin ay tumahan din. Mabilis namang nagpalit ng suot si Jana sa guest room. Naka t'shirt syang puti at bumalik sa kwarto ng alaga. Nakatayo si Luc habang hawak hinihimas ang ulo ng bata. Napangiti sya sa nakita. Ang sarap tingnan ng dalawa, parang mag ama lang.

" Jana, can you check his temperature again?"
This time sya naman ang kumuha ng temperature ni Macky. Bumaba narin ito to 38 deg cel. Pinunasan ulit ni Jana ang bata habang yakap ito ng binata.

"Wew!"

napa iktad si Luc ng dumampi ang malamig na towel sa matitipuno nitong dibdib. Nagulat naman ang dalaga. Tsaka lang napansin na walang palang itaas si Luc. Napatigil sya at sandaling napatingin sa dibdib nito. Nagkatinginan sila at biglang binawi ni Jana ang tingin at marahang ibinalik sa ginagawang pagpupunas sa bata.

Bigla syang nakaramdam ng pagkailang ngayong naibsan ang kanyang pag aalala sa bata.

" Thank you.."

Marahang saad ng binata. Napatingin sya ulit dito. Napakunot-noo.

"Para saan?" matipid nyang sagot.

" For taking good care of Macky like your own son."
Nakangiting saad nito.

" Ginagawa ko lang ang trabaho ko..at tsaka hindi naman mahirap alagaan at mahalin ang cutie pie na to"

Napapangiti nyang saad. Maya maya' y nakaramdam sya ulit ng pagkailang nang hindi maalis ang titig sa kanya ng binata.

" May problema ba?" tanong nya dito.

" Pang ilang araw mo nabang hindi natulog" napakunot -noong tanong ni Luc sa dalaga.

" Ha"?

Maang na sagot nya.

" Napansin ko kasing bigla kang nagka eye bags"

napatigil sya..at biglang naalala ang dahilan kung bakit dalawang gabi na syang hindi nakakatulog na maayos. Nakaramdam sya ng inis sa lalake.

" May mga narinig kasi akong kalabog kanina habang natutulog ako. Sensitive kasi ako sa ingay..at nagigising agad. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga ingay na iyon."
Pagpaparinig nya sa lalake na biglang natahimik. Hindi mo lang alam na ikaw and puno't dulo ng lahat ng ito. Anya sa sarili.
Dahan- dahan ihiniga ni Luc ang bata sa kama ng masigurong himbing na ito. Sinalat naman ni Jana ang noo nito..bumaba na ang lagnat. Bumaling sa kanya ang binata .

" You should go to bed now and catch some sleep..you really need some."

Tumango sya bilang pag sang ayon. Sa mga oras na ito ay sobrang antok na rin sya at nangalay ang mga braso sa pagkarga kay Macky. Iniayos nya si Macky sa higaan habang si Luc naman ay inilabas ang palangganang may tubig at towel.
Kaagad na naka idlip si Jana sa tabi ni Macky at hindi na namalayan ang pagbalik ni Luc sa kwarto. Kinumutan sya nito at matagal na tinitigan at napabuntunghininga ng malalim. Humiga ito sa kaharap na sofa para bantayan si Macky.

Nagising si Jana sa higpit ng yakap ni Macky. Nasa leeg nya ang isang kamay nito at maya - maya pa'y nasa tenga nya at parang nilalaro ang hikaw nya. Ibinukas nya ang kanang mata para tingnan ito..ngunit nakapikit parin. Masaya nyang pinagmasdan ang maamo at cute na cute nitong mukha, at tsaka marahang hinaplos. Tuluyang narin itong nagising at biglang ngumiti.

" Is Macky feeling better now?"

Malambing nyang ngiti dito sabay salat ng oo. Tumango itong nakangiti.

" Ohhh thats my boy! It means..i can tickle you now!"

Sabay kiliti sa bata at dumagundong ang hagikgikan sa loob ng kwartong yun. Akay akay ni Jana ang bata para pakainin ulit ito ng almusal. Umupo sila sa counter ng kitchen at gaya ng dati ay may nakahanda nang almusal si nanay Ledia para sa dalawa.

Akmang susubo na ng sandwich si Jana nang biglang magulantang sa sigawan ng dalawang taong pababa sa hagdanan. Si Luc at Diane. Naka sports wear pa ito at mukhang galing sa gym. Nakabihis na naman si Diane at tangan- tangan ang heels at maliit na travelling bag. Hinahabol nito si Luc.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon