"WEDDING TALKS"

351 6 0
                                    

CHAPTER 12

H

i Readers.
Kung gusto nyo pang kiligin ng todo here are my other novels:

* MY MYSTERIOUS CHAT MATE

* BITTERSWEET

* THE UNPLANNED INTENTION

MAS NAKAKAKILIG😁💓💓💓💓




Malayo palang ay kitang kita na ni Jana ang abot tengang ngiti ni Jason. Kaakbay nito ang pinsan nya na sa tingin nya ay sinisiko nito bilang pagpapahiwatig na wag masyadong touchy.

Nasa counter sya ng kitchen kasama si Aling Ledia at naghahanda ng pagkain na dadalhin sa dining table. Habang nasa living room naman sila Luc, Don Alejandro at Macky at naglalaro ng lego. Nakwento na rin nya kay Aling Ledia and love story ng dalawa kaya alam nadin nito ang nangyayari.

Tanaw nya mula sa kitchen ang pormal na pagpapakilala ni Jason sa pinsan nya kay Luc at sa Don Alejandro. Maya't maya ay tinawag nya narin ang mga ito upang sabihing ready na ang lunch. Kita nya sa mga mata ni Jason ang kasiyahan nito.

Parang batang excited sa kung anumang susunod na mangyayari sa buhay nila ni Mae.
Naunang pumwesto Si Don Alejandro sa kabisera ng dining table at sa kanan nito ay si Luc, Macky at Jana. Sa katapat ay sila Jason at Mae. Gaya ng dati ay pinaupo narin nila si Aleng Ledia sa dulo ng mesa kung saan katapat ni Don Alejandro.

Alam ni Jana na pamilya na ang turing ng mga Leon sa matanda at dalaga palang daw ito ay naninilbihan na ito sa mga magulang ni Don Alejandro at halos dalawang taon lang din and tanda ni Don alejandro ke Aling Ledia. Ito narin daw halos ang nagpalaki sa magkapatid habang busy ang nanay nito sa sarili nitong negosyo.

" So Jason..what did you do to make Ms. Garcia yes to you? "

Basag ni Don Alejandro. Pilit na pinipigil ni Jana ang mapangiti. Habang c Luc ay napailing -iling.Tila nahihiya namang napangiti si Mae.

" Tito, para namang hindi mo ako kilala. Gwapo, matino at hindi basta basta sumu surrender kaya naman napa inlove ko itong girlfriend ko ngayon".

Biglang napaubo si Mae sa sinabi nito at napainom ng tubig. Hindi naman mapigilan ang mapatawa ni Aleng Ledia at Jana.

" Tsk! Tsk! Tsk! Napapalatak na saad ni Luc. at naniniwala ka sa sarili mo?" At napangiti ito ng bahagya.

" Well..totoo naman yan. Kaya lang umaaasa akong iisang babae nalang ang bibigyan mo ng roses at tsokolate this time..at sana huwag mo nang patagalin pa at pakawalan itong si Ms. Garcia.
Aba! Mabait yan at hard working..ang swerte mo na.! Saad ni Don. Napati gin si Jana sa pinsan at tila namula ito sa sinabi ng Don. Nagkatinginan sila.

" At wag na wag mong lolokohin ang pinsan ko Jason. Dahil ako ang unang kakalbo sayo! Sabad ni Jana. Nagulat naman si Jason sinabi ni Jana.

" Mag pinsan kayo? Anito na tila hindi makapaniwala.

" Ahummm! Nakangiting saad ni Jana.

" Ahhhh..okay"

pilit paring ina absorb nito ang nalaman., ngunit maya maya lang ay napangiti na.

" wow! What a coincidence! What about a double wedding Luc?

"Nakangiting saad ni Jason na sya namang ikinataas kilay ni Mae.Biglang napatigil sila Jana at Luc. Tinapunan ng tingin ni Jana ang binata na tila nag iisip at dumako kay Don Alejandro na tila hindi naman nagulat sa sinabi ni Jason at sa pinsang si Mae na sinusubukang nyang kausapin mata sa mata ngunit napakibit balikat lang ito.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon