...

307 10 2
                                    


" Sige uunahin ko muna maligo para fresh. Sabay nalang po kaming mag aalmusal ni Macky” Anya sa matanda.

“ hala sige ikaw bahala. Sya nga pala. Dumating na si Luc, pero umalis lang sandali may ihinatid sa pinsan nya malapit lang dito.Masaya syang nakatagal ka ng ilang araw sa pag aalaga ke Macky. Gusto ka nyang makilala”.
Saad ng matanda na bising busy.

“ Ganun po ba. Ahmm, sige po sisilipin ko po muna c Macky at maliligo na po ako. Nakakahiya po kàsi hindi pa po ako naliligo manlang”

Nakangiti nyang saad sabay nagmamadaling umakyat. Sumaglit sa kwarto ni Macky na mahimbing na natutulog. Napangiti sya nang masilayan ang mala anghel na mukha nito. Nagtungo sya sa guest room para mag shower at ayusin na rin ang mga dalang damit na idinagdag ng pinsan nya.
Akmang papasok na sya ng shower ng tumunog ang telepono. Dinampot nya agad ito nang makitang tiya Ebyang nya ang tumatawag. Kinumusta sya nito at inalam kung gusto ba nya ang kanyang pangalawang trabaho, kung kaya ba nyang pagsabayin..at kung nakakatulog pa ba sya.

Alam nyang alalang alala ito sa kanya..at para mapawi ang pag alala nito ay nangako syang dadalaw sya sa sabado’t linggo.
Nang maibaba ang telepono ay nagtungo ng shower. Enjoy na enjoy syang gamitin ang napakalaking shower room at square shape na shower head nito. Pakiramdam mo ay galing sa falls ang tumutulong tubig sa ulo mo dahil sa lakas ng pressure nito. Iba talaga pag mayaman..anya sa sarili. Tuloy na papakanta sya ng paborito nyang awitin ni Raymund Lauchengco..

“ Darating ba syang kasama ka..
Masasalubong man lang ba kitaaa..
Subalitttt ako ay nag aaalala...kung akoooo... tsaka dinugtungan ng hum ang mga huling lyrics nito habang nagpupunas ng katawan.

Samantalang sa labas ng shower ay wala syang kamalay- malay na may pumasok na isang  bulto ng katawan. Pumasok ito ng guest room at dahan- dahang isinara ang pinto. Hinubad ang suot na itim na sapatos at medyas at itinapon sa paanan ng kama.

Kasunod noon ang pag alis ng pang itaas na saplot na kulay abong t’sirt na basang- basa ng pawis. Lumantad ang mala adonis nitong katawan na animoy sumisilip ang parang iginuhit na six packs na abs nito. Isinunod nito ang suot na jogging pants at animoy slow motion na isinunod ang huling mumunting saplot sa katawan..ngunit bago pa man nito lubusang mahubad ang panghuling saplot ay biglang bumukas ang pinto ng shower at tumambad ang isang morenang katawan.
Dahan dahang nagtaas ng mukha ang lalake na akmang maghuhubad na sana. Namilog ang mga mata, nang makitang may babae na nakatalikod at isinasara ang pinto ng sliding door ng shower. Morena, maliit na sa tantiya nya ay nasa 5ft lang ang height, napadako ang mga mata nya sa ibaba ng likuran nito..napasambit sya ng “wow”  sa sarili ng makitang ang ganda ng hubog ng puwitan nito. Animo’y nahubog ito sa tamang ehersisyo..bigla syang napalunok at halos hindi makakilos.

Nagulantang din sya nang biglang mapasigaw ang dalaga! Nakita ng lalake  kung paanong namilog ang mga mata ng gulat na gulat na dalaga at itinakip ang dalawang kamay sa dibdib at sa ibaba nito kahit pa nakasuot ito ng pang ilalim na saplot..at tuluyang hindi makakilos habang sumisigaw. Agad nilapitan ng lalake si Jana at tinakpan ng malapad na kamao ang bibig nito.

“ Please stop shouting. Im not a bad person , ok?
Mariin ngunit mababa ang boses nito..habang sumisigaw parin ang dalaga ng walang lumalabas na boses.

“ Im Luc..and i guess you’re Jana..hmm?"
Napamulagat lalo ng mga mata ang dalaga at sinusubukang magsalita ngunit nakatakip parin ang kamay ni Luc sa bibig nya..at ang isang kamay sa likod ng leeg nya. Bigla nitong binitawan si Jana at kasabay nun biglang pumasok sa loob ng shower ang dalaga.
Sa pagkakataong yun hindi na nya malaman kung anong emosyon ang nararamdaman..halo halo na, hiya
kaba, gulat at inis! Habang sa labas nagsuot na ng saplot ang lalake at nagulat pa sya nang may maya’y bigla itong kumatok sa pinto ng banyo.

“ Im sorry. I didnt know that there is someone in the shower. I supposed to use the shower here as my shower is broken.”
Yun lang ang narinig nya at maya maya ay naramdaman nyang lumabas na ito ng kwarto. Nanginginig syang nagbihis. Hindi nya ma imagine na sa buong buhay nya ay mangyayari ito..ang makitaan sya, at isa pa sa pamamahay mismo ng mga amo nya.

” Ano nalang ang mukhang ihaharap ko mamaya? Bulong nya sa sarili.
..nakita na ang buong kaluluwa ko!”

naiiyak nyang saad sa sarili. Nagmadali syang nag ayos at nagpasyang puntahan ang alaga sa kwarto nito. Nag alala sya baka gising at gutom na ito. Hindi nga sya nagkamali at at gisng na ito. Hawak- hawak agad ang horse toy na binili nya para dito at nakangiting niyakap sya ng bata.

“ Good morning my Macky! Are you hungry now?  Breakfast na tayo? Inilabas nya na ito ng kwarto at pinakain ng breakfast at napansin nya na maganda ang mood nito. Ayaw nito kumain mag isa at nagpapasubo sa kanya.

“ Naku! Mukhang masayang- masaya ang alaga mo a!” pansin ni nanay Ledia.

“ andito na kasi ang daddy Luc nya at may teacher Jana pa sya”

“ Yes..daddy Luc is here! And he gave me a toy! “
Tuwang tuwa na sabi nito at napapalakpak pa.

“ But i also love this toy! Itinaas pa nito ang hawak na kabayong laruan. Tuwang tuwa si Jana sa naging reaction ng bata.

“Good morning my little prince! Anang baritonong boses na nagmula sa likuran nila. Biglang parang may mga dagang nag unahan sa loob ng dibdib nya. Ang lakas lakas

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon