continuation..

344 5 0
                                    

                          CHAPTER 2

11pm to 7am ang schedule nya sa call center na pinagtatrabahuan kung kaya’t napag pasyahan nyang dumireto sa Manila kung saan nagtatrabaho ang pinsan at kung saan sya susunduin ng driver ng pamilyang Leon. Gaya ng napag usapan nila ng bagong amo.

Pero bago yun ay napadaan sya sa bangketa ng Recto malapit sa LRT station nang may umagaw ng pansin n’ya. Isang cute na laruang kabayo at gawa ito sa kahoy..binili nya ito sa halagang 60 pesos.tsaka sya dumiretso sa kumpanyang pinagtatrabahuan ng pinsan.

Tinext nya ang ang pinsan upang ipaalam na andun na sya at saka sya dumiretso sa opisina ni Ms. Krissie. Nakangiti itong sumalubong sa kanya at pinaupo sya. Mag antay nalang daw sya sa go signal ng boss. Mga 20 minutes ang nakalipas ay may dumating na lalakeng nasa edad 38-40 sa tant’ya nya, nasa 5’8 ang height nito, may kaputian at singkit ang mga mata, at nakasuot ng puting polo shirt na may tatak na “ The Leon’s Corp.” Tumigil ito sa kinauupuan nya at umupo sa harap nya. Ngumiti ito sa kanya habang nilalaro laro ang hawak na susi.

Sumenyas kay Ms.Krissie at sumenyas din pabalik ang secretary. Hindi nya maintindihan ang senyasan ng dalawa, at di rin nya alam kung sino ang lalake na umupo sa kaharap nyang upuan. Nginitian sya ulit nito at sabay abot ng kamay..at nagpakilala.

“ Ako pala si Benjie. Company driver ng mga Leon at minsan family driver na rin”
Alangan syang nag abot ng kamay..at nakipag shake hand dito. Buong akala nya kanina ay isa ito sa mga matataas ang katungkulan dito sa kumpanya. Base sa tindig at hitsura nito. Akala nya anak ng prominenteng pamilyang Chinese.

“ Jana diba?”
Nakangiti paring tanong nito sa kanya.

“ ahh..oO! Sinuklian din nya ito ng ngiti. Tsaka ibinaling ang tingin sa pinto ng opisina ni Mr. Leon.
                                                
                                           
“ Nainip kana no? Palabas na yun, katatawag nya lang sa akin.” Anang kaharap.

“ Ha?! Nagulat nyang sagot.

“ Hindi naman”.
At kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Mr.Leon at lumapit sa kanila.

“Good morning Ms. Bautista!

Nagkakilala na ba kayo ni Benjie? Sy’a ang company driver namin at sya muna ang bahalang maghatid sayo sa bahay, dahil sobrang busy ako ngayon dito sa opisina.”
Nakangiti nitong saad.

“ Ay opo! Nagkakilala na po kami Mr. Leon.”

“ Good! Ok Benjie, pakihatid na muna sya at ibinilin ko na kay Ledia kung anong mga dapat gawin.”

“ Ok po Sir! Ako na pong bahala”. Magalang namang sagot nito.

“ Jana, handa ka nang makilala ang apo ko? May pag aaalalang tanong nito sa dalaga.

“ kagabi ko pa po inihanda ang sarili ko. Gagawin ko po lahat”

“ Good! Whatever happens today..im expecting that you’ll never give up like what you’ve said”

Gusto nyang bawiin ang pangakong yun na hindi sya agad agad susuko pero napasubo na sya at may isang salita sya, kung kaya’t papanindigan nya na ito.
Sa sasakyan madali nyang nakapalagayang loob si Benjie. Palabiro ito at laging nakangiti kaya nawala agad ang pagka ilang nya. Isa pala itong ex military at ipinasok bilang company driver ng tiyuhin nito na dating family driver ng mga Leon.

“ Yung sahod ko sa militar ay halos kalahati lang ng sahod ko dito.Naging practical nalang ako sa hirap ng buhay. May tinutulungan din kasi ako kaya heto naging company driver narin ako.”

“ Oo nga, sa panahon ngayon dapat practical na tayo. Dati din akong teacher at masaya ako sa trabaho ko pero may kailangan akong pag ipunan kaya heto din ako”
Sabay silang nagtawanan.
                                                 
“ Sya nga pala. Sana mahuli mo ang loob ng bata. Ang sabi nila napakabait ng batang yan dati kaya siguradong mapapaamo mo sya. May tiwala ako sayo.”

“ Salamat sa pagpapalakas ng loob, kailangan ko talaga yan ngayon kasi kinakabahan ako”
Sabay tawanan.
Ito na nga ang pinaka aantay nya. Kaharap na nya si nanay Ledia. Ang katiwala ng bahay at pansamantalang kasama ni Macky, ang batang nagpasuko ng anim na nanny nito. Iniwan na rin sya ni Benjie at bumalik na ito ng kumpanya kaya medyo bumalik ang kaba niya.

Mas lalo syang kinabahan ng mapansing hindi manlang ngumingiti ang tinatawag nilang nanay Ledia. Iginiya muna sya nito sa kusina at binigyan ng maiinom at tinanong kung kumain na.

“ Ms.Jana, ang unang rule kong sasabihin sayo ay wag na wag mong tatanungin o babanggitin ang tungkol sa mga magulang ng bata.
Pangalawa, kung anong hingin nya ay ibigay mo, pangatlo,maliban sa kwarto nya, sa kwarto ng tito at lolo nya, sa sala at sa harden mo lang sya pwedeng dalhin.
Wag na wag kayong magagawi sa bandang kanan na kwarto ng mga magulang nya, sapagkat naaalala nya ang lahat ng nangyari sa kanya.

Pang apat, tuwing alas nuwebe ng umaga ay tutunog ang private telephone sa play room at may tatawag na importanteng tao na gustong – gusto kausap ni Macky. Dadamputin mo ang telepono at ibigay sa bata, dahil kapag hindi pareho tayong malilintikan .Maigi syang nakikinig sa lahat ng mga sinabi ng matanda at ang pinakatumatak sa lahat ay huling sinabi nito.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon