This is first draft. Expect loopholes and such, I will edit this story once i finish all the swayed Series book. Thank you! ^_^
Warning this story is not perfect as well as the author. Grammatical Errors are present, so please beware this story may not suit your taste. Please leave peacefully.
MUGTO ang mga matang tinanaw niya ang lalaking matagal niya ring minahal. Ang nag-iisang lalaking nagpatibok at nagpabaliw ng puso niyang pihikan.
Mula sa pwesto niya ay tanaw na tanaw niya ito na may naka-kandong na isang babae sa hita nito at magkalapat ang mga labi nila.
Sabik na sabik ang paraan ng paghahalikan ng dalawa, mistulang may matagal ng relasyon ang mga ito sa paraan ng paghahalikan ng mga ito.
"I'm so tired of being rejected and denied many times. Ang sakit sakit na!" Wika niya at malayang nagsilag-lagan ang mga luha sa mga mata niya.
Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya, ng masaksihan itong may kasamang iba.
Matapos niyang ibigay rito ang lahat, hindi pa rin pala sapat na ibinigay niya rito lahat na halos wala ng matira sa kanya.
"Kung hindi mu'na talaga kaya mabuti pa't, umalis na tayo rito. Saka bawal sayo ang usok." Wika ng kaibigan bago siya nito hinawakan sa braso hinila palabas ng bar. Si jess naging sandigan niya sa ganitong pagluluksa ito din ang siyang naging saksi kong paano siya nagpakatanga sa pagmamahal kay Cevon.
Ito rin ang naging saksi kong paano siya umiyak, habang tinatanaw ang lalaking mahal niya na nakikipagmake-out na ngayong sa isang sikat na bar.
Akay siya ng kaibigan hanggang sa makalabas sila sa bar de caballeros, na ang ibig sabihin ay gentleman's bar. Pinaupo pa siya muna nito sa bench sa labas at inabutan ng panyo.
"Oh! Punas mo dyan sa mukha mo." Anito at Iniabot sa kanya ang sariling panyo. Agad niya din naman itong tinanggap at ipinunas sa mukha niya.
Punas lang siya ng punas sa tuloy tuloy paring pag-agos ng luha. Para itong tangke na punong puno at hindi mauubos ang luha niya.
"Alalahanin mo rachel, bawal sayo ang stress makakasama sa kondisyon mo. Saka makakahanap ka pa naman ng iba, andito pa naman ako ang pamilya mo at si baby." Ani ng kaibigan. Napahawak siya sa tiyan niyang may maliit naring umbok.
She caress her womb and try her best to be calmed. Tama naman ang kaibigan niya, masama sa kanya ang ma-stress lalo na't hindi lang siya ang may hawak ng katawan niya ngayon may bata ng kadugtong nito.
Ang baby niyang maiiwan sa kanya ang tanging alaala sa kanya na nagmahal siya.
She will never denied her baby like what the baby's father did to her. She will surely give her full attention to her baby and give her or him the best, kahit pa hindi niya maibigay rito ang kompletong pamilya na mayroon siya.
"I may not give you a complete family, but I promise to make you happy. I will try my best to be a better and best mommy to you." She murmured to her womb.
"Tama na nga yang drama na yan. Ba'ka pumangit na ang inaanak ko." Ani nito at binuntunan ng tawa, natawa na lang din siya at itinigil ang pag iyak, ayaw niya namang lumabas ang baby niya na stress ang mukha.
"Ano na nga ba ang plano mo ngayon?" Tanong nito. Ano na nga ba ang plano niya? Hindi niya alam kong paano uli magsimula, ang alam niya lang ay kailangan niyang magpakalayo-layo at hanapin ang sarili, buuin itong muli at ang gusto niya sa pagbalik niya ay kompleto na siyang muli.
"Gusto kong magpakalayo-layo muna." Wika niya. Habang nakatingin sa kalangitan, nagkikislapan ang mga bituin at mas nakakarelaxed itong tingnan ngayon. Nakakawala ng problema.

YOU ARE READING
His Denial (Swayed Series #1)
Narrativa generale[COMPLETE|UNDER EDITING] One word to describe the famous full-time and highest paid model "Rachel Villanueva". A perfect definition of BEAUTY WITH BRAINS every man's wanted. Cevon Francisco Bustamante was a successful business man at an early age...