KABANATA 3

18 5 24
                                    



Nagising ako sa isang pamilyar na kuwarto, sa kuwarto ni lola. "Isang! gising ka na pala, inumin mo ito." Nag-aalalang bungad sa akin ni lola at dali-daling inabot ang maligamgam na tubig na kulay yellow green.


Mabilisan ko namang ininom iyon, kakulay ng tsaa yon kaya hindi ako nagdalawang isip na inumin. Siguro ay galing ito sa halamang gamot ni lola.



"Yuck! Lola ano yann?? Bakit ang pait." Pagrereklamo ko at muntikan nang masuka sa lasa nito. Akala ko ay may hinalo siyang honey man lang sa halamang gamot kagaya ng ginagawa niya dati.



"Aba at nag reklamo ka pa talaga, inumin mo nalang iyan makakatulong yan para mawala yung sakit ng ulo mo. Nakita kita sa labas kanina wala kang malay... Ano ba ang nangyayari sayo Amira?." Nag-aalalang tanong nito sakin.



Di ko alam kung paano sasagutin si lola ngayon, dapat ko bang ikwento sakanya yung nangyari kanina? dahil baka sabihin niya nanaman na hindi siya naniniwala sa akin.



"Nakita mo na ba ang taga-pagbantay ng hangin?" Nakatingin sa malayong tanong sakin ni lola. Hindi ko alam ang sinasabi niya.



"T-Taga pagbantay ng hangin?" Utal-utal kong tanong dito. "Iyon bang lalaking naka asul ang binabanggit molola? yung nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay?". 


Tumango naman ng marahan si lola at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.


"Hindi pa ito ang tamang oras, pero nagpapakita na sila." Dagdag pa nito.


"May hindi ka po ba sinasabi sakin?... Maniniwala ka na po ba kapag nag kwento ako sayo?" Tumingin ako sa mga naluluhang mata ni lola, mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko.


"Hindi ko na siguro mapipigilan apo, basta tandaan mo na kahit anong mangyari ay mahal na mahal ka ni lola..." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni lola at ganon din ako. Hindi ko maintindihan kung bakit?, dahil ba ito sa misteryosong lalaki na nagpakita sa akin kanina?.


"Huwag ka naman po magsalita ng ganyan, bakit parang nag papaalam ka naman sakin. Hindi po ako pupunta ng korea kahit mahal ko si Lee jong suk lola." Pinilit kong baguhin ang kapaligiran dahil para bang napakabigat nito.


Tumawa naman ng marahan si lola. "Ikaw talagang bata ka... Sige na matulog ka na, dito lang ako sa tabi mo."


Tumango nalang ako bilang tugon at nag simula nang pumikit at matulog muli.



KINABUKASAN wala kaming pasok at napagpasyahan ko nalang na manood ng Peter Pan, ito ang madalas kong panoodin kapag wala akong ginagawa, Ilang beses ko na din ito napanood, binili pa ni lol ang CD na ito doon sa bayan noong 7th birthday ko. Nakaupo lang ako sa aming sofa dahil sinabihan ako ni lola na mag pahinga.

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now