KABANATA 1

42 5 60
                                    



"ISANG!! Gumising ka nga riyan!. Isang!!!"  Nagising ako sa sigaw ng aking lola. Ang sakit ng ulo ko at nandito pala ako sa kwarto. 


"Panaginip lang pala" bulong ko sa aking sarili.


"Saan ka ba naglagi?! Tignan mo nga itong bestida mo bakit puro putik yan!!" Nagulat ako sa sinabi ni lola kaya naman agad kong tinignan ang paa at laylayan ng aking puting bestida. 


"Hala lola..." Yan lang ang salitang nasabi ko.


"Anong hala?! Bumangon ka na riyan at magpalit ka na ng damit! Bakit mo hinayaang madumi ang damit mo bago matulog?. Ayan ba ang tinuturo ko sayo?!" Ramdam ko ang galit ni lola Amelia dahil kaaway niya talaga ang dumi.


Bumangon na ako sa aking higaan habang tinatanggal ni lola ang bedsheet ng kama ko dahil pati pa iyon ay nadumihan. 


Nakakapagtaka, akala ko ay panaginip lang ang lahat pero bakit madumi ang paa at damit ko?? Wala naman akong natatandaan na lumabas ako ng bahay kagabi. Hindi kaya...minumulto na kami dito sa bahay?


Naglakad na ako papunta sa C.R ng aking kwarto dahil galit na galit sa akin si lola.


"Ay takte!" Sigaw ko ng makapasok sa C.R, nakita ko kase agad ang repleksyon ko sa salamin. Magulo pa ang kulot na buhok na tila ba ay kinuryente ng sampung beses at ang eyebags ko na kulang nalang ay katulad na sa panda.


Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil pilit kong inaalala yung panaginip ko kagabi. Panaginip lang ba yon?, kung oo bakit madumi ang bestida ko?.



Dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit. Blue jeans at white t-shirt lang ang suot ko na papatungan ko ng purple na hoodie mamaya sa school, malamig kase pag pasok sa room kaya naman lagi akong nagdadala nito.May pasok kami ngayon at isa akong Grade 12 student, pinili ko ang strand na GAS dahil ganon din ang strand ni Kathleen bestfriend ko at classmate ko din.



Excited na ako dahil malapit na ang graduation namin at sabay yon sa debut ko. Yes! Eighteen years old na ako sa nalalapit kong birthday. Kahit di ko alam kung magiging exciting nga ba iyon, dahil si Kath at lola Amelia lang naman ang mga tinuturing ko na kaibigan at pamilya.



Bumaba na ako pag tapos ko maligo at magbihis. Naamoy ko ka agad ang niluluto ni lola na agahan. "Wow! Ang bango naman ng niluluto niyo lolang maganda!!" Magiliw kong pambobola dito. alam ko na galit pa siya sakin dahil sa kalat na dinulot ko sa aking kwarto, pero mas magandang batiin siya ng ganito, pampalubag loob.



"Manahimik ka Isang! Hindi ko nakakalimutan ang kasalanan mo. Ikaw ang maglaba ng sapin mo sa higaan nako!" Galit na wika ni lola. Ganiyan lang yan pero alam ko na mahal ako niyan.



Napatango nalang ako dahil yun naman talaga ang gagawin ko mamaya pag-uwi galing sa eskwelahan. "Sorry na po lola, hindi ko rin po alam kung bakit may dumi yung bestida ko lolaa." Pinipilit ko siyang paniwalain sa sinasabi ko dahil totoo naman.

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now