KABANATA 9

11 3 2
                                    



Napatakbo nalang ako dahil sa sobrang takot. Muntik pa akong matisod dahil sa haba ng suot kong damit. Hinubad ko na din yung suot kong sapatos dahil sobrang sakit na ng paa ko. Hinihingal na tumigil ako sa harap ng ama ko na kausap ngayon ang iba pang bisita. "Anong nagyari sa'yo Amira!" Nag-aalalang tanong nito sakin.


Nagtinginan din ang ibang bisita sa akin dahil sa itsura ko at mukhang na dissapoint sa ginawa kong pagtakbo habang nakayapak lang. "M-May-- may ano don." Hinihingal na wika ko. Kumunot naman ang noo ni ama. "Ano?" Tanong nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa takot. Tinuro ko lang ang daan papunta sa hardin.


"Kumalma ka nga anak. Ano bang nagyari sayo at bakit ganyan ang itsura mo?" Seryosong pa nito. Huminga nalang ako ng malalim pero hindi padin mapigilan yung panginginig ko dahil sa takot. "May d-duwende po doon." Turo kong muli sa daan patungo sa hardin.


Nagulat ako nang magtawanan ang mga tao. Maging si ama ay nagpipigil ng tawa. Seriously? Halos mamatay na ako kakatakbo tapos tatawanan lang nila ako?. Nakakita na ako ng duwende sa mga libro pero hindi ko inaakalang makakakita ako ng duwende sa totoong buhay.


"A-Ano pong nakakatawa?" Tanong ko dito at tumingin sa iba. "Madami ka pang hindi alam anak." Saad nalang ni ama at tinapik ang balikat ko.


Natapos na ang kasiyahan nang mag alasyete na ng gabi. Nagsisimula nang umalis ang mga bisita ganoon din ang mga hari at reyna. "Kami ay uuwi na Haring Camiro. Nagagalak akong makita ka." Wika ni Haring Arnulfo. "Walang anuman, Haring Arnulfo."


"Salamat po." Yumuko ako dito ng marahan upang magbigay galang. Kumindat naman sa'kin ang anak niyang si Prinsipe Dandreb.


Inirapan ko nalang ito at hindi pinansin, mabuti nalang at umalis na sila. "Maraming salamat sa pagimbita kamahalan." Mahinahong saad naman ni Haring Regelio. "Salamat dahil pinaunlakan mo ang aking imbitasyon." Sagot pa ni ama.


Tumingin pa ito sa akin kaya yumuko nalang din ako bilang paggalang. Kasunod nito ang anak niyang si Gererdo at magalang na yumuko din sa akin. "Hanggang sa muli Amira." Wika nito at nagbigay galang din kay ama.


Naagaw ang atensyon namin ng naglakad si Haring Dimetrio kasama ang isang babae na sa tingin ko ay edad 40 pataas na. Siya na siguro si Reyna Stephañia. Naglakad sila na para bang pagmamayari niya ang daan dito sa palasyo. Nasa likod din niya ang kaniyang mga anak na si Esteban at Joaquin.


"Kami ay makakaalis na amigo." Mayabang pang wika ni Haring Dimetrio. "Nako iha, napakaganda mo pala sa malapitan. Hindi ako nagkaroon ng oras na makausap ka. Gustuhin ko mang kausapin ka ngayon ngunit kailangan na namin umuwi."


Mahinhin ang pananalita nito gaya ng isang mapagmahal na ina. Nagtataglay din siya ng pambihirang ganda na sa tingin ko ay namana ng dalawa nilang anak. Simple lang din ito sa pananamit at wala masyadong alahas na suot maliban sa suot niyang kwintas na may kulay pulang gem stone.


Pano kaya nainlove to kay Haring Dimetrio, siguro pinilit. "Siguro po sa susunod." Ngiti ko dito, lumapit naman siya at niyakap ako ng mahigpit. "Aasahan ko iyan hija." Malambing na wika pa nito at bumitaw din kaagad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now