KABANATA 8

11 3 3
                                    


"Hindi mo na mapipigilan ang dapat mangyari. Hindi mo na mababalikan ang dati, ang gagawin mo nalang ay ang magpatuloy at harapin ang lahat ng bagay na mangyayari sa buhay mo. Amira." Sigaw nito sa akin. Mukhang hindi naman natinag sa kasiyahan ang mga tao kaya hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy na sa paglalakad. Mabuti nalang hindi niya na ako sinundan.


Ano yon? Word of encouragement?. Hindi ko nga alam kung anong magiging ganap ko dito maliban sa maging isang prinsesa?. Oo gusto ko maging prinsesa, pero dati yon. Lahat naman siguro ng batang babae pinapangarap na maging prinsesa din sila. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan lahat ng ito.


Isa pa 'tong tatay ko, hindi man lang niya ako kinausap tungkol sa mangyayari. Somehow narealize ko yung sinabi ni Joaqin kanina. Ang gagawin mo nalang ngayon ay ang magpatuloy at harapin ang mga bagay na mangyayari sa'yo. Amira. Paulit-ulit na nagp-play sa isip ko yung sinabi niya habang naglalakad ako.


Nakarating ako sa table kung saan puno ng mga desserts. Nakalagay din sa gitna ang malaking cake. Mukhang edible naman ang bulaklak na disenyo nito. Napansin ko din sa gilid ang malaking chocolate fountain. "Wow!" Bulalas ko at lumapit dito.


Para akong batang excited na makakain ng mga dessert sa isang birthday party. May mga mallows, biscuit, choco mouse na nakalagay sa maliliit na baso, at kung ano-ano pang desserts na hindi ko alam ang pangalan.


Kumuha ako ng platito tinignan ko pa ito at napansin kong may disenyo itong kalachuchi na kulay ginto. Ito yung paborito kong bulaklak. Doon ko lang din napansin ang mga kurtina ng buong palasyo. May nakaburda na bulaklak ng kalachuchi sa mga ito.


Ibinalik ko na ang atensyon ko sa mga desserts. Kumuha na ako ng mallows at biscuit. Halos mapuno na yung platito ko kaya binawasan ko ito ng isang biscuit. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan, mukhang busy naman lahat ng tao kaya kumuha ako ng kutsarita at kinutsara ang chocolate sa chocolate fountain.


I'm really fond of sweets ever since. Madalas ngang magalit sa akin si Lola kapag nakikita niya akong puro matatamis ang kinakain. Buti nalang hindi ako katulad ng ibang tao na tumataba dahil sa kakakain ng matatamis. Ready to go!!. "Ay takte!" Bulalas ko at muntik pang matapon yung hawak ko. Mabuti nalang alerto ako.


"Mahilig ka din pala sa matatamis na pagkain, kamahalan." Simpleng salita ni Gerardo at kumuha din ng platito sa gilid, kumuha naman siya ng isang slice ng cake. Hinawakan ko nalang ng maigi ang platito ko. "Medyo lang naman." Saad ko.


Natawa naman siya ng marahan. "Hindi halata sa dami ng kinuha mo." Pabirong wika nito. Mukhang mas matanda siya sakin ng dalawa o tatlong taon kaya nakaramdam ako ng kuya vibe sakaniya. "Binawasan ko na 'to ng isa." Dagdag ko pa at tinignan ang platito ko. Hindi naman masyadong madami to ah, kung tutuusin kulang pa 'to sa akin eh.


Hindi niya na napigilang matawa sa sinabi ko. Mukha ba akong nagjojoke?, binigyan ko siya ng anong nakakatawa look. Tumigil naman siya sa pagtawa. "Pasensya na, hindi ka lang katulad ng ibang binibini dito." Saad niya naman habang pinipigilan pang tumawa.


Nakita ko naman ang mga kaedad kong babae na nakasuot din ng magagarbong damit. Simple lang silang nag-uusap habang nagtatawanan, may kaniya-kaniya silang mundo. "Nakita ko din ang ginawa mo kanina nang dumating si Haring Dimetrio." Dagdag pa niya. Napaisip naman ako. 

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now